Unedited
"TUMAWAG ka sa'min ng Papa mo kung naroon ka na sa pupuntahan niyo." bilin ng ina ni Faith na si Fatima habang hinahatid siya nito sa labas ng gate ng bahay nila. "Huwag mong pababayaan ang sarili mo roon. Kumain ka din sa tamang oras, Faith." dagdag na bilin pa ng ina.
Tumango si Faith. "Okay po, Ma." sagot niya rito habang nakangiti.
"Mag-ingat ka." sabi pa ulit ng ina sa kanya.
"I will, Ma." sabi niya. Hinalikan niya sa pisngi ang ina bago siya naglakad palapit sa kotseng naghihintay sa kanya. Na-discharge na kasi si Xavier sa ospital at ngayon na ang alis nila papunta sa Batangas kung saan ito magpapahinga ng isa o dalawang linggo para gumaling. Pagkalapit niya ay agad siyang sinalubong ng driver ng mga Brillantes. Ito ang maghahatid sa kanya patungo sa Batangas kung saan matatagpuan ang private resort ng kapatid ni Xavier na si Ylac. Kinuha nito ang bitbit niya at iniligay nito iyon sa likod ng kotse. Pagkatapos niyon ay binalikan siya ng driver at pinagbuksan siya nito ng pinto mula sa backseat ng sasakayan.
"Thank you po!" magalang na wika ni Faith bago siya sumakay sa loob ng backseat. Nanlaki ang mata ni Faith sa sobrang gulat nang makita si Xavier na nakaupo din sa backseat ng sasakyan habang nakapikit ang mga mata nito. Hindi kasi inaasahan ni Faith na sabay silang pupunta ni Xavier sa Batangas. Ang alam kasi niya ay nauna na ito roon at susunod na lang siya. "H-hello po, Sir." bati niya. Saglit na iminulat ng binata ang mata para tingnan siya bago ito muling pumikit. Napaismid si Faith dahil sa hindi pagpansin ni Xavier sa pagbati niya. Hindi man lang ito gumanti ng bati sa kanya. Hindi na lang kumibo si Faith. Kinuha na lang niya ang kanyang cellphone at earphone sa loob ng bag. Makikinig na lang siya sa paborito niyang kanta sa kanyang cellphone para hindi siya mainip habang nasa biyahe sila.
Faith was humming her favarorite song. Habang itinatapik-tapik ang mga daliri sa kanyang hita. Nang mainip si Faith ay binalingan niya si Xavier sa kanyang tabi. Hanggang ngayon ay nanatili pa rin itong nakapikit kaya nagkaroon tuloy siya ng pagkakataon para pagmasdan at i-access itong mabuti. Una niyang pinagmasdan ang malalagong kilay ng binata. Sumunod ang matangos na ilong nito hanggang mapatuon ang tingin sa mapupulang labi ni Xavier. Napalunok at namula ang magkabilang pisngi ni Faith ng maalala niya ang insidenteng nangyari sa kanilang dalawa kahapon. Iyong aksidenteng nahalikan niya ito ng hindi sinasadya. Iyong paglalapat ng mga labi nila. Hindi makapaniwala si Faith na dumampi ang labi niya sa labi ng binata. Lalong namula ang magkabilang pisngi ni Faith ng biglang nagmulat ng mata si Xavier at huling-huli siya nitong tinititigan niya ito.
"Akala kop o Sir tulog kayo?" nakangiwing wika ni Faith kay Xavier.
"I can't sleep if someone looking at me." sa halip na wika ng binata habang nakakunot ang noo na nakatitig sa kanya.
Namilog ang mata ni Faith. "I'm not looking at you. Excuse me?" defensive na wika niya. Agad naman niyang natutop ang bibig ng mapagtanto kung ano ang nanulas sa kanyang bibig.
God, Faith! You're defensive! sita niya sa sarili.
Mabuti na lang at hindi na nagkomento ang binata. Muli nitong ipinikit ang mga mata. Ibinaling na naman ni Faith ang paningin sa labas ng bintana. Tumaas ang kamay niya upang hawakan ang kaliwang dibdib ng maramdaman hindi normal ang tibok niyon. Nagpakawala na lang siya ng malalim na buntong-hininga saka niya ipinilig ang ulo.
"Manong anong oras tayo makakarating sa pupuntahan natin?" tanong ni Faith sa driver ng i-alis niya ang tingin sa labas ng bintana.
"Naroon na tayo ng bandang alas sinko, Ma'am." sagot nito ng tingnan siya nito mula sa rearview mirror.