Unedited
"THANK you." nahihiyang wika ni Faith kay Xavier. Pero sa loob-loob niya ay kinikilig siya sa ginagawa nito. Bakit? Dahil pinagbabalat siya ng binata ng hipon at nilalagay nito iyon sa kanyang plato. She find his gesture so sweet. Sa unang pagkakataon kasi ay ngayon lang iyon naranasan ni Faith. Si Xavier lang ang unang lalaking gumawa niyon para sa kanya. Hindi din niya maintindihan ang binata kung bakit ginagawa nito iyon. Wala kasi sa personality ni Xavier ang gawin ang mga bagay na iyon. Kaya hindi din niya mapigilan ang sariling magtaka sa kakaibang kinikilos ng binata.
Kailan ba nag-umpisa ang lahat ng iyon? Kailan ba nag-umpisa ang kakaibang kinikilos ni Xavier? Ang pagbabago nito? Kung hindi siya nagkakamali ay nag-umpisa lahat ng iyon noong tinanong siya ng binata kung totoo ba iyong sinabi niya kay Manong Joaquin na ayaw niya sa lalaking masungit. Malinaw pa nga sa isipan ni Faith iyong naging pag-uusap nilang dalawa ni Xavier noong gabing iyon...
Hindi maintindihan ni Faith ang sarili kung bakit sa halip na hindi ang isagot niya sa tanong ng binata ay oo ang isinagot niya.
"Why?" tanong nito. Nang lumingon siya sa gawi nito ay nagulat siya ng mapansing nakatingin ito sa kanya, tila hinihintay nito ang magiging kasagutan niya.
"Kayo po Sir, gusto niyo ba sa babaeng masungit?" tanong niya sa binata sa halip na sagutin niya ang tanong nito. Hindi sumagot si Xavier bagkus ang nagsalubong lang ang mga kilay nito habang nakatingin sa kanya.
Napanguso na lang si Faith pagkatapos niyon ay inalis niya ang tingin kay Xavier. Isinandal niya muli ang likod ng ulo sa may Sofa saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Lahat naman ng babae ay gusto iyong lalaking hindi masungit." labas sa ilong na sabi ni Faith. "Gusto nila iyong lalaking sweet, lalaking palaging nakangiti." dagdag pa na wika niya.
Iyon, 'yong katangian ng isang lalaki na gusto ni Faith. Sweet, mabait at laging nakangiti-iyong tipong walang pino-problema. Pero dati pa iyon noong panahong hindi pa niya nakikilala ng personal si Xavier. Dahil noong nakilala niya itong mabuti, nakasama ay biglang nagbago iyong gusto niya sa isang lalaki. Biglang nag-iba ang gusto niya.
"Stop thingking, Faith." nalipat bigla ang atensiyon ni Faith kay Xavier ng magsalita ito. Salubong ang mga kilay nito habang nakatunghay ito sa mukha niya. "Ayokong may iba kang iniisip kapag ako ang kasama mo. Gusto ko nasa akin ang lahat ng atensiyon mo." dagdag pa na wika ng binata. Mababakas sa boses ni Xavier ang possisiveness ng sabihin nito ang mga salitang iyon. Hindi tuloy niya napigilan ang sariling puso na tumibok iyon ng mabilis. Sa sandaling iyon ay gustong-gusto niyang tanungin ang binata kung bakit ganoon ang sinasabi nito? Kung bakit iba ang pinapakita nito sa kanya ngayon sa ipinapakita nito noon noong una niya itong makilala. Para ngang hindi si Xavier ang kasama niya sa sandaling iyon. Parang ibang Xavier ang kasama niya. Gayunman, kahit masungit ito o mabait ay iisa lang ang nararamdaman niya. She love him still whether he's kind or not. Ganoon naman sa pag-ibig. Kahit anong ugali ng isang tao, mabait man o masama, kung mahal mo ito, kahit ano pa siya ay tatanggapin mo. Tulad na lang ng nararamdaman niya para kay Xavier. Tinaggap niya ito ng buo sa kabila man ng kasungitan nito sa kanya.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Kung tatanungin niya ito? Ano naman ang sasabihin niya? Alangan namang sabihin niya na...
Sir Xavier bakit mo ginagawa sa akin ito? May gusto ka ba sa akin? Hindi naman niya kailangan itanong iyon dahil naka-impossible ang bagay na iyon. Malinaw pa naman sa kanyang isipan ang sinabi ng binata sa kanya noon. Hindi siya nito gusto, hindi man nga lang siya nito pinagnanasaan kahit katiting lang.