Unedited
NAPATINGIN si Faith kay Xavier ng marinig niya ang pagtunog ng cellphone nito na nakalapag sa ibabaw ng mesa. Nasa sala silang dalawa ng binata. Abala siya sa paglalaro ng candy crush sa kanyang cellphone samantalang nakatutok naman ang atensiyon ni Xavier sa laptop nitong nakapatong sa hita nito. Inalis ni Xavier ang tingin sa laptop nito at sumulyap sa kanya. Hindi niya napigilan ang pagtaas ng isang kilay ng magsalita ito.
"Hand me my phone." utos ni Xavier. Napatingin naman si Faith sa cellphone nitong tumutunog na nakalapag sa mesa. Seriously? Inuutusan siya nitong kunin niya ang cellphone nito at iabot niya iyon rito? Tamad ba ito o hindi? Eh, ang lapit lang naman rito ang kinalalagyan ng cellphone nito.
"What?" tanong nito, as usual salubong na naman ang kilay ng binata.
Ngumiti siya ng pilit. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at kinuha ang cellphone nito at inabot niya iyon rito. Pagka-abot ay agad nitong sinagot ang tawag. Bumalik na naman siya sa kanyang kinauupuan at ipinagpatuloy ang paglalaro ng candy crush.
"Yeah. She's here. Why are you asking?" narinig ni Faith na wika ni Xavier sa kausap. Sa pagkakataong iyon ay nag-angat si Faith ng tingin. And she was caught off guard ng pag-angat niya ng tingin ay nakita niya si Xavier na nakatingin sa kanya. Mayamaya ay nagsalubong ang mga kilay ni Faith ng i-abot ng binata ang cellphone nito sa kanya.
"Sir?" takang tanong ni Faith sa binata.
"It's my brother, Ylac. He wants to talk to you." imporma ni Xavier sa kanya. Nagtataka man kung bakit gusto siyang kausapin ng nakakabatang kapatid ni Xavier ay tumayo naman siya mula sa kinauupuan at lumapit rito upang kunin ang cellphone nitong inaabot nito sa kanya. Umupo si Faith tabi nito. Tumikhim mo na siya bago niya kinausap si Ylac.
"Hello po, Sir Ylac?" bati niya sa kabilang linya.
"Hey, my maid is sick. What should I do?" tanong agad ni Ylac sa kanya.
"Sick?" ulit naman na wika ni Faith.
"Yes. She's sick. Anong pwede kung gawin? Do I need to take her to the hospital? Or call a doctor instead?" sunod-sunod na tanong ni Ylac sa kanya. Hindi naman napigilan ni Faith ang mapataas ng isang kilay. She smell something fishy? Mababakas kasi sa boses ni Ylac ang pag-alala para sa maid nitong may sakit.
Tumikhim siya. "Sir, kung hindi naman mataas ang lagnat niya ay hindi niyo na kailangan dalhin ang maid niyo sa ospital. Pagpahingain niyo lang po siya. Painomin niyo na rin po siya ng gamot. Pero bago po iyan ay pakainin niyo mo na siya. At makakatulong din po kung pupunasan niyo siya ng maligamgam na tubig para kahit paano ay bumaba ang lagnat niya." sagot niya sa binata.
"How do I do that?" nailayo ni Faith sa kanyang tainga ang cellphone na hawak ng marinig niya ang malakas na boses ni Ylac. Napangiwi din siya. At ng mapatingin siya sa direksiyon ni Xavier aya nakita niya itong nakatingin sa kanya habang ang mga kilay ay magkasalubong. Tumikhim muli siya bago nagsalita, sinabi niya kay Ylac kung ano ang dapat nitong gawin. Muling napangiwi si Faith ng magsalitang muli ang kausap sa kabilang linya. "For pete sakes! Hindi ko alam kung paano iyang sinasabi mo. I'll just take to the hospital." pagalit ng wika ng kausap.
"Sir—
Hindi na niya natapos ang ibang sasabihin ng biglang nawala sa kanyang kamay ang hawak na cellphone. Napatingin siya kung sino ang kumuha niyon sa kanyang kamay.
"Do what she said, Ylac." mariing wika nito sa kapatid bago nito tinapos ang pakikipag-usap nito sa huli. Sumulyap ito sa gawi niya. "Ipagpatuloy mo na kung ano ang ginagawa mo kanina." sabi nito sa kanya. Pagkatapos niyon ay ibinalik nito ang atensiyon sa harap ng laptop nito. Pero sa halip na sundin ang sinabi nito ay humakbang siya patungo sa kusina. Nang makarating siya roon ay kumuha siya ng malinis na baso at binuksan ang frigde para salinan ng malamig na tubig ang hawak na baso. Saka niya ininom niyon. Pagkatapos ay sumulyap si Faith sa relong pambisig. Nang makita ang oras ay inilapag niya ang baso sa may sink. Oras na pala para ipaalala kay Xavier ang mga gamot nito. Kinuha niya ang mga gamot ni Xavier na nasa lapag ng dining table. Kumuha siya ng tubig para sa binata at lumabas sa kusina upang magtungo sa kinaroroonan ni Xavier.