"Tagu-taguan maliwanag ang buwan pag bilang ko ng sampo nakatago na kayo ..."
"Ate Sam, saan ba tayo magtatago?"
Pabulong na sabi Chester, kinuha ko ang kamay nito, mabagal ngunit tahimik kaming naglakad papalayo sa taya.
Inikot ko ang aking mata, nakakita ako ng malaking puno sa di kalayuan, hinatak ko siya papunta roon.
Biglang dumilim ang paligid, at sabay kumulog at kumidlat, nakaramdam ako nang takot sa biglang pag dilim, nasa malalim na parte na kami ng gubat.
Ang mga alulong ng aso, ang nagpatakbo sa akin pabalik, habang mahigpit ang hawak sa kamay ng aking kapatid.
Nang maramdaman ko ang pagluwag ng kanyang hawak sa aking kamay, ay agad kong hinigpitan muli ang aking pagkakahawak dito.
"Chester, wag kang bibitaw malapit na tayo!"
Sigaw ko sa kanya habang binibilisan ko ang pagtakbo, kasabay ng bilis ng takbo ko'y ang pagkalas ng kanyang pagkahawak saking mga kamay.
"Chester!"
Sigaw ko nang kumalas ng tuluyan ang paghawak niya sa aking kamay.
Pinilit ko siyang binalikan, pero hindi makagalaw ang mga paa ko, kahit anong pilit kong igalaw ang mga ito ayaw nitong gumalaw.
"Chester!"
Tumulo ang aking pawis, habang hinahabol ko ang aking hininga, kamay ay nakalagay sa aking dibdib, ramdam ko ang bilis na pagtibok ng aking puso, binangungot nanaman ba ako?
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at uminom ng tubig. Umiling-iling ako at napasapo ang kamay sa aking noo ang lagkit nito.
Humarap ako sa salamin at inayos ko ang aking suot.
"Ayos, na kaya mo yan Sam, para sa ekonomiya!" Nagfighting sign ako at ngumiti sa harap ng salamin.
Nagtungo na ako sa aking a-applyan na trabaho. Ngumiti ako at tumingala sa langit, God please ibigay mo sakin to' love you, sabay taas ng kamay sa kalangitan.
Habang naghihintay akong tawagin, napansin ko ang aking katabing lalaki. Pamilyar ang kanyang mukha, para bang nakita ko na siya noon. Napahawak ako sa aking noo habang iniisip ko kung saan ko ba siya nakita.
"Ms. Samantha Valiere, Ms. Samantha Valiere."
Luminga-linga sa kapaligiran ang taong tumatawag sa aking pangalan.
"Ay ako na yun..." mahinang bulong ko sa sarili.
Agaran akong nagtaas ng kamay at tumayo saking kinakauupuan. Habang patungo ako sa kwarto na yon, napansin ko ang mahinang pagtawa ng aking katabi, hindi ko na lamang ito pinansin at dumiretso sa kwarto kung saan pumasok ang tumawag sa akin.
BINABASA MO ANG
My Frappuccino Guy
RomanceMay mga nangyaring hindi inaasahan. Dahil sa mga pangyayaring yon kailangan mong magdesisyon. Kailangan mong tumayo sa iyong mga paa upang mabuhay. There is something missing, may mali. May sikreto kang malalaman, pero lingid sa kaalaman mo may mas...