"I love you, Samantha, don't let go..."
Paulit-ulit ang mga katagang yan sa aking isipan buong umaga. Hindi ako makapaniwala, nag- I love you, siya sa'kin. Ako na yata ang pinaka-masayang babae sa mundo ngayon. Sino ba naman mag-aakala maging crush ka este-- mamahalin ka ng crush mo?
"Ms Valiere, aba ang ganda ng ngiti mo? Naintindihan mo ba ang mga naituro ko o nag-daydream ka namang bata ka?!" inis na wika ng aming guro.
Tumayo ako't kinuha ang pentel pen sa lalagyan nito at sinagot ang equation sa board. 'Yon naman ang gusto niyang ipasagot sa'kin. Matapos ko itong sagutan ay bumalik ako sa upuan, iniwan ko ang gurong naka-nganga dahil nakuha ko ang tamang sagot.
Naghiyawan ang buong klase, at tulala pa rin ang guro sa harapan. Nag-ring na ang bell at unti-unting lumabas ang mga estudyante sa silid aralan.
Habang naglalakad ako papunta sa locker, upang ilagay na ang aking mga libro... ramdam ko may mga matang nakatitig sa'kin. Pinagmamasdan niya ang bawat galaw ko kinilabutan ako ng sobra at sabay tumayo ang mga balahibo ko.Binilisan ko ang lakad, matapos kong ilagay ang mga libro.
Nahimasmasan ako ng makarating sa gate ng paaralan. Ngiti palang niya kumpleto na ang araw ko. Naroon siya kung saan niya ako palaging hinihintay, hawak ang kanyang helmet at nakasandal sa big bike niya. Kumaway siya sa akin, malapad ang ngiti niya kaya lumabas ang cute na dimples niya. Skinny jeans na itim, itim na polo ang kanyang suot, at di mawawala ang kanyang itim na boot's na palagi niyang suot.
Naglakad siya papalapit sa'kin at kinuha ang aking bag, nag-alangan pa ako ibigay ito sa kanya. Pero mapilit siya kaya naman ibinigay ko na sa kanya.
Pansin ko na iba ang mga nakikita kong landmark, iba hindi ko alam ang lugar na ito. Hindi ito ang daan papunta sa bahay. Nakaramdam ako ng takot dahil 'don. Saan niya ba ako dadahilin? Kinuha ko ang lakas ko, huminga ng malalim bago nagsalita.
"Cedric, saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya, habang pinipigilan ko ang emosyon ng takot.
"H'wag kang matakot... magugustuhan mo ang lugar na pupuntahan natin.." sabi niya habang binibilisan ang pagtakbo ng motor.
Paano niya nalaman natakot ako, ang galing pinilit kong itago, naramdaman niya agad. Kilalang-kilala ako ng lalaking ito, mukhang wala akong maitatago sa kanya.
"Uwaaa~ ang ganda naman dito, Moo..." tumakbo ako papalapit sa dagat.
"Moo, teka lang wag excited mag-swimming." Pabirong sabi niya sa'kin.
Ang tagal ko ng gustong pumunta sa beach. Buti nalang nandito si Moo, at sinamahan niya akong magbakasyon.
Hindi ko na maalala ang huling punta ng pamilya namin sa beach. Simula ng lumago ang business namin naging busy sila mama at papa. Si Chester naman ay naging sakitin, madalas nasa bahay lang siya, wala akong makasama mag-beach.
Hinubad ko agad ang aking dress, suot ko na ang swimsuit ko sa loob nito. Tumakbo papunta sa'kin si Moo at niyakap niya ako mula sa likoran. Nag-blush ako sa ginawa niya, kinalas ko ang kanyang kamay. Hinarap ko siya at hinalikan sa noo, nag-blush siya pati ang tenga niya ay kulay pula ang cute.
Tumalon na ako sa dagat at nagsimulang sumisid. Habang nasa ilalim ng dagat ay nakaramdam ako ng sakit sa aking binti, parang may kuryenteng nadaloy mula rito. Pinilit ko itong i-galaw ngunit 'di ko kaya.
Ramdam ko ang palubog ko sa tubig, napansin ko si Moo na lumalangoy papunta sa'kin. Itinaas ko ang aking kamay, ngunit nawalan na ako ng oxygen at kadiliman na ang nakita ko.
"Nandito na tayo!" Masayang wika ni Cedric sabay ng paghinto ng motor. Inalalayan niya ako bumaba rito bago niya ito i-park sa malapit.
Lumapit ako sa dagat, ang ganda ng tanawin rito. Puti at pino ang sand, malinis at asul na asul ang tubig, tsaka ang sarap ng simoy ng hangin.
Perstaym ko makapunta sa beach. Sa television ko lang nakikita ang mga beach 'twing nanonood kami ni mama ng drama. Hindi ko akalain mas maganda pala ito sa personal.
Tumakbo ako pabalik kay Cedric at niyakap ko siyang mahigpit sa sobrang saya ko. Niyakap niya ako pabalik, at ng itaas ko ang aking mukha upang makita siya, ginawaran niya ako ng halik sa noo. Namula ako ng dahil 'don at ikinalas ang pagkayakap ko sa kanya.
Umupo muna ako malapit sa dagat, habang hinihintay si Cedric dahil bumili muna siya ng makakain namin. Habang hinintay ko siya ay saglit kong pinikit ang aking mga mata. Ang sarap ng simoy ng hangin. Ngunit habang nakapikit ang mata ko ay may narinig akong boses. Ang boses na 'yon ay pamilyar..
"Ate..."
Agad bumukas ang mga mata ko sa tinig na 'yon. Luminga-linga ako ngunit wala naman ibang tao rito kundi ako. Nakaramdam ako ng matinding sakit ng ulo.
"Chester .."
Gulat ako sa mga katagang lumabas sa akin bibig nakita ko ang isang batang lalaking umiiyak. Nilapitan ko siya at agad siyang yumakap sa'kin tinawag niya akong ate. Kapatid ko siya. Oo, may kapatid ako! Pero bakit ngayon ko lang nalaman.?
Dumating si Cedric dala ang aming makakain. Lumuwa ang aking mata, sa kanyang mga dala. Ang dami para sa amin lang ba 'yon?
Tinulungan niya akong tumayo at pumunta kami sa may cottage. Nilapag niya ang mga pagkaen at hindi ko mapigilan maglaway sa mga seafood na nasa harap ko ngayon.
King crab, Lobster, shrimps, craw fish, tilapia, at iba pang mga seafood. Tumunog ang tyan ko ng malakas. Sinabayan niya ng malakas na tawa ito bago nagsalita.
"Gutom ka na, Sam?!" nakangisi niyang sabi sakin.
Tumingin lang ako sa aking kamay dahil sa hiya na naramdaman ko. Ang ingay kasi ng tyan ko halatang patay gutom.
Umupo siya sa tapat ko at kumuha ng dahon ng saging, nilagyan niya 'yon ng kainin tsaka ng ulam. Inabot niya ito sa'kin habang dinilaan niya ang kanyang daliri. Umm yummy, sana ako nalang ang sarsa. Ito 'yong moment na nagdadasal ka sana ikaw nalang ang sarsa.
Sinimulan na namin kumain, aba ang sasarap ng mga pagkaing ito, fresh na fresh hindi gaya ko na haggard sa biyahe.
"Cedric? Ano ang meron bat' nandito tayo?"
"Sam, sabi mo you will be my date ngayon valentines.." dismayadong tono ng kanyang boses. Na-guilty naman ako 'ron, kaya hinawakan ko ang kanyang kamay at hinimas ito.
Ngumiti siya sa'kin pero tipid ang ngiting 'yon. Nagtatampo ba siya ? Hala, anong araw ba ngayon?
Tumayo ako't tumabi sa kanya, hinimas ko ang kanyang pisngi sabay hinalikan siya ng noo. Dahil 'don nanumbalik ang sigla niya, at sinubo sa'kin ang crab na hawak-hawak niya.
"Sarap diba?! Ako namili nyan.." ngiting-ngiti sabi niya.
Hindi ako makasalita dahil punong-puno ang bibig ko. Tumango lang ako at bumalik sa aking upuan, kumuha ako ng buko juice at ininom ito.
"Ang sarap dito. Walang problema, walang isipin at kasama kita."
Hindi ko napansin na nasabi ko 'yon ng malakas. Tumawa lang si Cedric at kinuha ang dalawa kong kamay at inilagay 'yon sa kanyang dibdib.
"You know this heart only beats for you, whatever happens this will not stop beating for you, I loved you then, I love you now, I love you forever, Samantha.."
Narinig ko na yang mga katagang yan noon. 'Di ko siya klarong maalala pero narinig ko na siya.
Umatake ang labis na sakit ng aking ulo, napahiyaw ako sa sobrang sakit. Minamartilyo at pinipiga ang utak ko. Mas masakit ito kumpara kanina. Ramdam ko paunti-unti akong kinukuha ng kadiliman.
"Sam.. Sam .. Samanthaaaaaa!"
BINABASA MO ANG
My Frappuccino Guy
Storie d'amoreMay mga nangyaring hindi inaasahan. Dahil sa mga pangyayaring yon kailangan mong magdesisyon. Kailangan mong tumayo sa iyong mga paa upang mabuhay. There is something missing, may mali. May sikreto kang malalaman, pero lingid sa kaalaman mo may mas...