"Doc., ano po ba ang resulta?" narinig ko ang yapag ng mga paa at mga taong naguusap.
Gusto kong ibukas ang mga mata ko ngunit ayaw nilang bumukas, parang meron sariling isip ang mga ito, sinubukan kong muli silang ibukas, ngunit ayaw talaga kaya hinayaan ko nalang.
"Sir, ang resulta a maaring vertigo, or fatigue, we need to conduct test pag nagising na siya."
"You better." Mapait ang pagkabigkas ng lalaki, at papalapit ang mga yabag nito sakin. Hinaplos niya ang buhok ko, at hinalikan ako sa noo, na labis kong, ikinagulat ko pero hindi ko pa rin mabukas ang aking mga mata upang makita kung sino siya.
"You will be alright my dear, I make sure of it." Hinalikan niya akong muli sa noo.
Kinilig ako sa ginawa ng misteryosong lalaki, pero sa loob-looban ko maaring si Cedric ang lalaking ito. Pero ayaw ko mag-assume hindi ko nga siya makita dahil ayaw sumunod ng mga mata at ng aking katawan. Narinig kong bumukas sara ang pinto, lumabas na yata ang lalaking nasa silid na ito.
Patulog na ako ng muling, magbukas sara and pinto, may katawang yumakap sakin na sobrang higpit sabay bumulong siya "I miss you so much..."
Gulat at pagtataka ang aking naramdaman, iba ang boses niya, sa bosses ng lalaking kanina ay nandito lamang, na alarma ako ngunit ganon pa din ayaw kumilos ng katawan ko, pamilyar ang amoy nito parang naamoy ko na ito ng bata pa ako. Matapos ang ilang minuto hinawi niya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo.
"Well be together soon, all your pains should go away." dagdag pa nito.
Ano ang ibig niyang sabihin sa mga katagang yan? Sino ba siya?
Mas lalo tuloy akong kinilabutan sa kanyang mga sinabi, ngunit ayaw bumukas ng aking mata wala pa rin akong magawa.
Isang umaga, dumilat ng kusa ang aking mata, naramdaman ko ang mahigpit na paghahawak sa aking kamay, lumingon ako sa direksyon nito at nakita ko si Cedric na mahimbing na natutulog. Napangiti ako sa aking tanawin ang yummy, para siyang anghel habang natutulog, napatawa ako ng mahina sa aking mga iniisip, na kadahilanan ng kanyang pagka-gising.
Lumaki ang kanyang mapupungay na mata at niyakap akong mahigpit. Mariaosep nagwawala ang mga bulate sa tiyan ko sa kanyang pagyakap, lalabas ang aking puso mula sa katawan ko ng dahil sa kilig.
"I- I can't breathe..."
Lumuwag ang kanyang pagkakayakap at unting kinalas ang kanyang mga kamay sa akin, matapos doon ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tinitigan ako sa mata, nakita ko sa kanyang mata ang galak at pagaalala.
"I'm sorry, are you okay?"
Tanong niya habang hinawakan ang aking noo at leeg.
"May masakit ba sayo? What happened?"
Sunod-sunod ang tanong niya, ngumiti lang ako at huminga ng malalim bago sumagot.
"Hindi ko alam, baka fatigue lang, nahilo ako habang tumatawid tapos nagising ako na nandito na ako.."
Hinawakan niyang muli ang kamay ko nang mahigpit, at uminit ang aking pakiramdam, para bang nasa cartoons ako ngayon at may lumalabas ng usok sa ulo ko, at mapupula ang aking mga pisngi. Pakiramdam ko mahihimatay akng muli, okay lang basta si Cedric ang sasalo.
Bumukas ang pinto at niluwal nito ang Doctor, ngumiti sya sa amin bago ilabas ang malaking board na hawak niya, umubo ito ng konti bago ibinuka ang bibig upang magsalita...
"It's good to see you awake! Kamusta ka iha?" Pinatong na niya ang kamay sa board at nagsimula magsulat
"Never been better, I guess"
BINABASA MO ANG
My Frappuccino Guy
RomanceMay mga nangyaring hindi inaasahan. Dahil sa mga pangyayaring yon kailangan mong magdesisyon. Kailangan mong tumayo sa iyong mga paa upang mabuhay. There is something missing, may mali. May sikreto kang malalaman, pero lingid sa kaalaman mo may mas...