Pumasok ako sa paaralan, nagtataka ako bat ang daming hearts ngayon sa paligid. Ano bang meron? May okasyon ba? Napansin ako ang mga estudyanteng nagbubulugan at ang iba naman ay nagtitilian.
Kinuha ko ang telepono ko at tinignan kung anong araw na. Agad napunta ang palad ko sa aking noo' Pebrero na nga pala ngayon, buwan ng mga puso. Naisip ko agad si Cedric may plano kaya siya sa Valentine's Day? Umakyat agad ang init ng katawan ko sa aking pisngi, sa mga oras na nagilusyon ako na ayain niyang mag-date. Bakit ba libre naman mangarap diba? So sulitin na natin.
Teka, mamaya na ako managinip ng gising, baka malate ako at maparusahan pa ng guro. Habang tumatakbo ako papunta sa silid namin ay bigla na lamang ako napaupo sa sahig.
"Aray! Tss.." ang hapdi ng pwet ko dahil sa lakas ng bagsak ko. Tumingin ako sa nakabunggo sakin at ang una kong nakita ang kanyang kamay na nakalahad sa aking harapan. Kinuha ko ito, at tinulungan niya akong makatayo.
"Sorry , Samantha hindi kita nakita.." yumuko ito ng ilang beses at agad pumasok sa silid namin.
Sumunod na rin ako sa kanya at pumasok sa loob ng silid.
Habang nagtuturo ang guro ay nakaramdam ako ng antok, bumibigat ang mga talukap ko, ngunit nilalabanan ko ito gamit ang pagkurot sa aking kamay. Habang ginagawa ko yon ay may tumama sa kanan ng aking ulo kaya naman napalingon ako roon, sa sahig may papel na naka-crumple.
Kinuha ko ito at binuksan, may laman itong candy. Nilibot ko ang mata sa kanan bahagi ng silid, at napansin ko ang kaklase kong nakangiti sa akin.
Minsan naiisip ko kung bipolar ba siya or masama lang pakiramdam niya ng una ko siyang nakita. Ngumiti ako sa kanya pabalik at sinubo ko na nag candy para mas maka-focus ako sa klase.
Matapos ang klase'y nagmamadali ako papunta sa gate baka naroon na si Cedric. Ang mga ngiti'y agad napalitan ng simangot nang walang Cedric akong nakita.. naisipan ko maghintay ng sampung minuto at baka natraffic lang. Matapos ang kinse minuto ay wala pa rin siya, kinuha ko na ang aking gamit at nagsimulang maglakad pauwi.
Nasanay na yata ako na sinusundo at hinahatid ni Cedric, bakit kaya wala siya kanina? Baka may importanteng inaasikaso, mga isang oras at kalahati nang makarating ako sa apartment.
Umupo ako sa hagdan, at minasahe ang aking mga tuhod na pagod sa mahabang lakaran. Naramdaman ko ang pagbasa sa aking pisngi. Pumikit ako ng sandali' at naramdaman ko ang kiro't sa aking puso. Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon at isa na roon ay baka may ibang babaeng kasama si Cedric kaya hindi siya nakapunta.
Hinayaan ko ang pagpatak ng mga luha para mailabas ko ang sakit ng aking nararamdaman.
Sino nga ba ako para masaktan? Sino ako para magselos hindi pa naman kami ni Cedric.
Paglapat ng aking likod sa higaan ay kaagad naman ako'y nakatulog siguro dahil sa pagod sa paglalakad.
Nasa isang mamahalin restaurant ako, hinihintay si Moo.. bakit ang tagal niya. Tumingin ako muli sa orasan, malapit ng mag alas kwatro ng hapon. Bumuntong hininga ako sabay ng pagpikit ng aking mata.
Minulat ko ang aking mga mata at tila nasilaw sa binatang naglalakad papalapit sa akin, may hawak na gitara at nagsimulang tumutog pamilyar ang kanyang tinututog. Napadpad ang aking kamay sa bibig at naramdaman ko ang pagbasa ng pisngi ko.
Habang naglalakad siya ay may nagsasaboy ng mga rosas sa daan, nagsimula na siyang kumanta ..
If there were no words, No way to speak, I would still hear you..
BINABASA MO ANG
My Frappuccino Guy
RomanceMay mga nangyaring hindi inaasahan. Dahil sa mga pangyayaring yon kailangan mong magdesisyon. Kailangan mong tumayo sa iyong mga paa upang mabuhay. There is something missing, may mali. May sikreto kang malalaman, pero lingid sa kaalaman mo may mas...