Kabanata 10: Ang Pagwawakas

28 3 6
                                    


Nanginginig ang aking kamay habang pinapakinggan ko ang kanyang boses. Narinig ko ang kanyang pag-buntong hininga halatang na dismaya siya sa hindi ko pag-sagot. Kinuha ko ang aking lakas ng loob at sinumulan ibuka ang aking bibig.

"Oh Cedric napatawag ka?!" Pinilit kong lagyan ng sigla ang aking boses.

"Kamusta ka na? Pasensya ka na hindi na ako nagtagal sa apartment mo, there are things I need to do." Tuloy tuloy na wika niya

"No it's okay, see you later..." binaba ko na ang telepono pagkatapos hindi ko alam bakit ambilis ng kabog ng dibdib ko.

Hinayaan mo muna ang mga alalang bumalik sakin. May pasok pa ako sa paaralan hindi ako dapat ma-late, inayos ko na ang gamit ko at pumasok sa banyo upang maligo.

Maaga akong nakarating sa school wala pang gaanong estudyante, hinihintay ko pumasok si Chester. Alam kong kaklase ko ang kakambal ko, hindi ko lang malaman bakit nickname niya ang sinabi niya sa akin.

Natapos ang klase ngunit walang Chester na dumating may nangyari bang masama sa kanya? Sana wala naman.

Matapos ang klase nagpunta na ako sa gate ng school ng maaninag ang dalawang lalaking mistulang nagtatalo. Hindi ko malaman bakit tumago ako sa likod ng malaking pader.

"Cedric, time is running out..."

"Chester, I am doing the best I can para matupad ko ang promise ko sa mama niyo at kay Samantha."

Teka may pinangako si Cedric kay mama? Hindi ko alam 'yon pero ang alam ko ang pangako niya sa'kin na magtatayo siya ng coffee shop na natupad na naman.

"It's my fault kaya siya nagkaganyan, sorry Cedric nafrufrustrate na ako its been years I miss my sister..."

Sumilip ako sa kanilang pinaroroonan at nakita kong niyakap ni Cedric ang umiiyak na kapatid ko.

It's not your fault Chester, this is no-ones fault. Miss na rin kita Chester, buti nakalipas ang ilang taon hindi ka na sakitin, you already have suffered enough, babalik na ako Chester pero may mga bagay akong kailangan ayusin.

Umalis na si Chester sakay sa aming kotse gusto ko sana siyang sundan pero pinigilan ko ang aking sarili.

Lumabas ako sa aking pinagtataguan at naglakad papunta sa kay Cedric. Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap.

"I can't breathe ..." mga katagang lumabas sa bibig ko, masyadong mahigpit ang yakap niya sa'kin ramdam ko ang pagkasabik niya ng makita niya akong muli.

"S-sorry, Samantha na miss lang kita..." sabay suot niya sa'kin ng helmet at hawak sa'kin pisngi.

Umiling lang ako at ngumiti, kinikilig pa rin ako sa kanya kahit bumalik na sa akin ang alala ko. Ginawaran ko siya ng halik sa pisngi na siyang dahilan ng pagpula ng kanyang pisngi. Sumakay siya sa motor at inalalayan akong sumakay dito.

Hindi ka pa rin nagbabago Cedric, simula noon hanggang ngayon ikaw lang ang my one and only love aka moo ng buhay ko.

Pinaharurut niya ng takbo ang kanyang motor, at sinulit ko ang pagkakayakap ko sa kanya, dinama ko ng bongga ang kanyang abs, matagal ko itong namiss.

Ang yummy talaga ng moo ko, kahit ilang taon ang nakalipas, kahit nakalimot ako minahal niya pa rin ako.

Pagkarating namin sa apartment ay dahan-dahan niyang tinanggal ang helmet sakin hinawakan niya ang pisngi ko. Hinawakan ko ang kamay niya na nakayapos sa aking pisngi nilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya sa labi.

Humalik siya pabalik sa'kin at biglang kumalas, magkasalubong ang kanyang kilay pero nakatitig siya sa'kin ng puno ng pagtataka.

Ngumiti ako sa kanya sabay naramdaman ko ang pagpula ng aking pisngi. Tinignan ko siya sa kanyang mga mata bago bigkasin ang mga katagang...

"I love you too...Cedric sinasagot na kitang muli..." I kissed his cheeks dahilan ng muli niyang pagpula, pero hindi pa rin nawawala ang pagtataka sa kanyang mukha.

"Teka, what do you mean sinasagot mo akong muli?" Magkasalubong niyang kilay na tanong.

"Moo, I missed you..." wika ko habang mahigpit napagkahawak sa kanyang kamay.

"Samantha..." nagsimula nang bumuhos ang mga luha sa kanyang mata, niyakap niya akong mahigpit, niyakap ko rin siyang pabalik.

Pumunta kami sa park, kung saan kami palagi naglalaro nung kami'y bata pa sinabi ko sa kanya na naalala ko na ang lahat.

Kinuha niya ang kamay ko, abot langit ang kanyang ngiti, para bang nakuhaanan siya ng tinik sa dibdib. Mamaya nagpaalam siya sa'kin may bibilhin lang siya.

Hindi matumbasan ang saya na aking nadrama ngayon. Hindi tulad ng mga kilig na naramdaman ko 'non, mas masaya pa roon ang nararamdaman ko. Lalo na't klaro na ang lahat.

Maswerte akong may Cedric ako, kahit na nakalimutan ko siya at ang mga pinagsamahan namin 'non ay na riyan lang siya.

Tahimik kong pinagmamasdan ang paglubog ng araw ng may tumakip sa mata ko. Napangiti akong bahagya dahil alam ko ang amoy na 'to. Amoy kape ang mga kamay ni Cedric.

"Cedric naman eeeee..." pabebe kong sabi

Tinanggal ni Cedric ang kanyang kamay sa'kin mga mata. Lumingon ako at nakita siyang may dalang bouquet of flowers, lumuhod siya, inilabas ang isang dyamanteng singsing.

"Will you marry me?"

Halos kumawala ang puso ko sa mga katagang 'yon.

"Yes, yes, yes!" Sagot ko sa kanya na puno ng saya ang aking bosses.

Sabay nag-palakpakan ang mga taong biglang sumulpot sa kanyang likuran. Nagsimulang bumuhos ang mga luha mula sa'king mga mata.

Ang pamilya kong ilang taon ko ng nakalimutan lahat sila'y nasa harapan ko. Sila Chester, si lolo, at si papa. Kumilos magisa ang mga paa ko at tumakbo papalit sa kanila. Niyakap nila akong mahigpit namiss ko sila.

Matapos 'non ay iniwan muna nila kami ni Cedric. Nandito pa rin kami sa park magkayakap at pinagmamasdan ang paglubog ng araw. 

My Frappuccino GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon