Kabanata 2 : Ang Pagkikita

99 31 134
                                    

Maaga akong pumasok sa trabaho, kailangan ko pag-aaralan mabuti ang paggawa ng kape, kagaya ng gawa ni Cedric, hinihintay ko matapos ang mga naka-shift bago kami. Habang hinihintay ko siya ay pinagmamasdan ko ang kanyang pagagawa ng kape.

Meron akong napansin, hindi siya kasing galing ni Cedric gumawa at kasing bilis, pero may natutunan akong tricks sa kanya. Isang oras nalang ay aalis na sila at kami na ang papalit sa kanila.

Masaya ako dahil pareho kami ng shift ni Cedric pang madaling araw, habang nililinis ang mga baso at kubyertos ay napansin ko ang isang lalaking pumasok sa cafe. Makapal ang kanyang salamin at may backpack ito sa likuran, kapansin-pansin ang makapal na libro na hawak nito.

Nilapag niya ang kanyang gamit sa luxury chair, at dumiretso na sa counter. Seryoso ang tingin niya sa menu, sandaling tumingin sa kasama ko bago nabaling ang tingin niya sakin.

Mapait ang ibinigay niyang ngiti, ramdam ko ang lungkot sa mapapait na ngiting iyon. Bakit niya sakin kailangan ipakita yon? Broken hearted ba siya ngayon? Iba ang mga tingin niya sakin, nakakakilabot, kilala ba niya ako? O Kilala ko ba siya?

Ibinigay na sakin ng order niya at nagsimula akong gawin ito, habang ginagawa ko ang kape, hindi ko mapigilan sumulyap kay Cedric.

Umapaw ang ginagawa kong kape, dahilan ng aking pagkasigaw at pagkaupo sa sahig. Nakapikit ako at hinihintay ang pagbagsak ng pwet ko sa sahig, pero parang ang tagal kong maramdaman ang sakit nang paghalik ng aking pwetan sa sahig.

Dumilat ako at nakitang hawak-hawak ni Cedric ang bewang ko. Umilling iling ito at hinaplos ang paso sa aking kamay, at ako'y muling napahiyaw sa hapdi na dulot nito. Itinayo niya ako at agad pumasok sa staff's room ng may dalang ice pack. Binuksan nito ang refrigrator at nilagyan ng yelo ang ice pack.

Kinuha niya ang kamay ko at ipinatong ang ice pack dito. Umakyat ang lahat ng init ng katawan ko sa aking mukha at tiyak kong namumula akong parang kamatis ngayon. Kunot noong nakatingin sakin si Cedric at kita ko sa kanyang mga mata ang pag-alala, napalitan ng agad ng labis na kilig, ang sakit ng paso. Gusto kong magtatalon sa kilig at saya pero hindi ko 'yon ginawa dahil baka pagkamalan akong may sapak sa ulo.

"Dyan ka lang ako na ang madadala ng order ng customer." Kinuha niya ang ginawa ko at dinala ito sa customer.

Sumilip ang customer, mula sa librong binabasa at ngumiti sa kanya, napansin ko ang pagtingin sa akin muli nito, hindi ko mawari pero kilabot ang nararamdaman ko mula sa mga tinging 'yon. Hindi ko maiwasan mapa-isip, bakit ang kapal ng libro niyang binabasa? Palagi kaya siya pumupunta rito?

Nakakalungkot isipin na tapos na ang shift ko, pero siya ay may apat na oras pa dito sa cafe.

"Ingat, Sam este ingat sila sayo." Pabirong sabi nito bago bumalik sa kanyang ginagawa.

Nagbelat ako sa kanya, at tumawa ito ng malakas, bago ko isara ang pintuan.

May ilang oras pa bago magsimula ang klase ko. Umuwi muna ako sa bahay upang iwan ang aking mga gamit at magpalit ng uniforme.

Habang patawid ako ng kalsada, nakaramdam ako ng biglaang pag-kahilo. Pinilit kong humawak ng madiin sa bag ko, ngunit mabilis masyado ang pagikot ng mundo, hindi ko masabayan, at puro kadiliman ang tumambad sa akin.

Anonymous POV

Time is near, I will see you again...

Nahagip ng aking mata ang isang babaeng matutumba sa gitna ng kalsada, kusang kumilos ang mga paa ako at nasalo ko ang babae bago pa lumapat ang kanyang katawan sa kalye.

Itinakbo ko agad ito sa emergeny room ng pinakamalapit na hospital mula rito. Nakalawit ang kanyang ID kaya naman tinawagan ko agad ang number dito, agad naman may sumagot na lalaki, sinasabi ko palang ang nangyari ng mawala ang kausap ko sa kabilang linya.

Ilang minuto may lalaking tumambad sa aking harapan, kamay sa kanyang binti habang hinahabol ang kanyang hininga.

"S-si Sam nasaan siya?" Bulyaw nito sa akin, habang hinahabol ang sariling hininga.

Hinawakan niya ako sa kwelyo at nanlilisik ang kanyang mga matang naka-tingin sakin, para mang may kasalanan ako sa kanya.

Kasintahan ba nya ang lalaking nasa harap ko? Maari nga, kahit siguro ako ganito ang mararamdaman pag may hindi kilalang nilalang ang tatawag sa akin, dahil nahimatay ang kasintahan ko.

Tinanggal ko ang kanyang kamay sa kwelyo ng aking suot.

"Room 666 west wing..."

Hindi pa ako tapos magsalita, ay wala na ang lalaking nasa aking harapan. Mahalaga yata ang babaeng 'yon sa lalaking kanina lamang ay nasa harapan ko. Pamilyar ang kanyang mukha, parang nakita ko na siya dati... hindi ko lang maalala kung saan.

Kinuha ko ang magazine na nakalagay sa tabi ko, habang binu-buklat ko ang mga pahina nito, nakita kong muli ang lalaking kanina lamang ay nasa harapan ko.

" Cedric Lee, the nation's youngest bachelor, heir of the LEE Group of Companies."

Habang binabasa ko ang artikulo sa lalaking ito, may narinig akong tunog ng camera, hinanap ko kung saan galing ang tunog na 'yon. Sa may kanan ko, malapit sa halaman nandun siya..

Isang paparazzi, nang mapansin niyang nakatingin ako, tumakbo siya agad. Hinabol ko ito at naabutan, kinuha ko ang camera mula sa kanyang leeg.

Nanginginig ang kanyang mga kamay at ang mata'y naluluha na parang bata nahuling kumukuha ng candy, ilang segundo lang din ang pagitan, ay kuminang ang kanyang mata at ngumiti ito nang nakakaloko.

"Ikaw, ikaw ang big break ko." Sigaw nito sa akin, sumalubong ang aking kilay sa kanyang mga sinabi, ano ba ang pinagsasabi ng kolokoy na ito.

"What do you mean?" Pasigaw kong sabi nakaamba na ang kanang kamao ko sa kanyang mukha. Hindi man lang siya umilag, matapang ang isang 'to.

"Ikaw ang anak, ni Mr. Valiere ikaw ang nagi-isang heir ng Valiere Landscapes, nagkakainitan kayo kanina ni Cedric Lee isa rin sa tiga pagmana ng Lee Group of Companies. Both of you are bachelor's, may relasyon kayo ni Cedric Lee , this will be a big scope."

Muntik nang magdilim ang aking paningin sa kanyang sinabi, I am not gay. Itinaas ko ang lalaking hawak-hawak ko, hinawakan ko siya sa kwelyo halos masakal na siya sa aking ginawa..

"Try to do what you are planning, and you will no longer see the light of day..."

Nagbago bigla ang kanyang mata at ito'y napuno ng takot, pagkababa ko sa kanya ay kumaripas ito ng takbo, iniwan niya ang camera niya sakin, binasag ko sa sahig ito at inapakan ng ilang beses, kinuha ko ang memory card ng camera at umalis na sa hospital na ito, bago pa siya magising.

My Frappuccino GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon