Maghahalong kaba't tuwa ang nararamdam ko habang nakatingin sa gusaling kulay crema at tsokolate. Ito na, ito na talaga ang unang araw ko sa trabaho, naalala ko pa ang mga matalinghagang katagang lumabas pagkatapos akong interview-hin.
"Ms Samantha Valiere, here is your result." inilahad niya ang isang maliit na papel at kinuha ko ito mula sa kanyang mga kamay.
Muntik na ako magtatalon sa sobrang saya, nawala ang gutom at pagod ko ng makita ang nakasulat sa maliit na papel.
Pentel pen ang gamit pagsulat dito, malalaki ang pagkasulat "YOU'RE HIRED". Nagpasalamat ako ng husto sa nag-interview at umuwing may ngiti sa aking labi.
"Miss?" Tapik sa akin ng lalaking nagbalik sakin sa kinakasalukuyan.
Muntik nang malaglag ang aking panga sa kanyang taglay na kagwapohan. Mga ilan minuto rin bago ko maalis ang aking tingin sa kanya, makinis at maputi ang kanyang balat, makapal ang kilay nito, mapupungay na mata at mahahaba ang pilik mata, ang ilong niya ay matangos, at ang kanyang labi ay mapula-pula parang cherry.
Kunot noo'ng tinapik niya ako ulit, sabay lapit ng kanyang noo sakin. Muntik na akong mahimatay sa kanyang ginawa, umakyat ang init ng pakiramdam ko sa aking mga pisngi.
"You sure, your okay? Mapula ka pero... hindi ka naman mainit."
"A-ah, I'm good ganyan talaga pag mestiza." pagpaplusot ko sa kanya.
Mahinang tumawa ito bago umupo sa kanyang upuan katabi ng akin. Nilibot ko ang mata ko sa silid na aming kinapaparoonan, walang ibang tao kundi kaming dalawa lang. Ibig sabihin dalawa lang kaming nakapasa sa dami ng aplikante noong araw na yon?
"Magandang umaga." Pumasok sa loob ng silid ang isang magandang babae.
Matangkad ito at makinis ang kanyang kutis, bilugan ang kanyang mga mata at mahahaba ang pilik mata nito, cute ang ilong, at mapula-pula ang labi. Ang buhok nito at maitim at may mga kulot sa dulo na nagdagdag sa kanyang kagandahan. Nakasuot ito ng corporate attire, at mataas ang takong nang kanyang sapatos. Mukha siyang kpop idol, na nakacorporate attire.
Ngumiti ako bahagya sa kanyang kagandahang taglay. Natotomboy yata ako, pero sana ganyan din ako kaganda para mapansin ng lalaking malapit sa akin. Kanina ko pa siya pansin na nakatitig sa babaeng nasa aming harapan, para bang matutunaw ang babae sa kanyang mga titig pa lamang.
Makaramdam ako ng inggit sana ako nalang ang kanyang tinitignan. Bumuntong hininga ako sabay hinalungkat ang aking bag para sa kwaderno at ballpen, ngunit wala naiwan ko sa bahay ang mga ito.
May kumalabit sa aking sa gilid, paglingon ko ay may isang pares ng kwaderno at ballpen siyang ibinibigay.
"Paano ka?" Mahinang sabi ko sa kanya.
"I'm all good. I got extra gamitin mo na yan." Ngumiti siya sabay kindat sa akin.
Juicecoloured halos lumabas ang aking puso sa kilig ng ginawa niya 'yon. Kabahan na kayo Daniel Padilla at Enrique Gil, ito na ang tatalo sa inyo isang kindat lang.
Matapos namin magpakilala ay nagsimula na kaming gumawa ng kape. Kinakabahan ako baka magkamali ako, marunong akong gumawa ng kape pero instant lang.
Nauna si Cedric gumawa pina-panood ko siyang maigi, parang sanay na siyang gumawa ng mga ganito kape. Pagkatapos ay dahan-dahan niya niligay ang whip cream sa itaas, gumawa pa siya ng pangalawa. Mabilis ang kanyang pagkilos, pulido ang gawa parang matagal na siyang gumagawa ng mga ganito.
"Go ahead, Mam Elena and Sam, tikman niyo na ang gawa ko." Inaabot niya sa amin ang dalawang frapuccino.
"Ang sarap!" Mga salitang unang lumabas sa aking mga labi. Hindi ito katulad ng mga mumurahing frappuccino na mabibili mo sa tabi-tabi, mas masarap ito. Parang pringles once you pop you can't stop. I cannot stop sipping.
Ngumiti lang si mam, at nagtitigan sila. Nai-ingit ako, sana ako na lang ang titigan mo ng ganyan Cedric.
"Ngayon ihalo mo ang cream sa taas sa kape." Itos niya samin, at ginawa namin 'yon.
Pagtikim kong muli nag iba ang lasa, kung masarap na ito kanina, mas lalo pang sumarap.
"Ano ang sikreto mo?" Biglang lumabas ang mga salitang iyon sa aking labi.
Naka-ngisi itong lumakad papunta sakin, paglapit niya ay nilapit rin niya ang kanyang mukha sakin.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa kanyang ginawa, ngumisi siya at bumulong sa aking tenga.
"Love ang sikreto ko."
Sabay humarap siyang muli sa akin at tumawa ng malakas. Napasimangot ako sa ginawa niya, hinawakan niya ang magkabilang balikat ako at ngumiti.
"Joke lang 'yon, I don't have any secrets."
Himinga ako ng malalim at lumapit na sa counter, it's my turn para gumawa ng kape. Matapos kong gawin ang frappuccino, ay hindi ko maalis ang tingin sa kanilang mga mukha.
"It's good for a first timer." Nakangiting sabi ni mam.
Tumango-tango lang si Cedric, medyo nadismaya ako gusto ko sanang maimpress si Cedric, di bali marami pang next time, matagal pa kaming magkakasama dito.
Matapos ang ilang oras, ay pinauwi na kami ni Cedric, kinuha ko na ang gamit ko at naglakad palabas sa coffee shop.
Hindi ko sadyang mapasilip sa salamin nakita kong tumatawa si Cedric kausap si Ms. Elena, may gusto ba siya kay Ms. Elena? Hindi naman malabo yon bagay silang dalawa. Parehong gwapo at maganda perfect combination, parang LizQuen.
Bago ako dumiretso sa apartment ay napag-pasyahan ko magtirik ng kandila sa sementeryo, kung saan siya nakalibing. Isang taon na rin ang nakakalipas mula ng mawala siya, namimiss ko na rin siya, pero wala akong magagawa. The dead cannot be brought to life kahit anong gawin ko, kahit lumuha pa ako ng dugo hindi na siya muling mabubuhay.
Habang sini-sindihan ko ang kandila sa puntod niya, naramdaman kong may mga matang nakamasid sakin. Luminga linga ako, ngunit magisa lang ako sa semeteryo, tumaas ang mga balahibo ko ng bigla kaya naman ay nag sign of the cross na ako bago magpaalam sa kanyang puntod.
We will see each other soon my dear ...
BINABASA MO ANG
My Frappuccino Guy
RomanceMay mga nangyaring hindi inaasahan. Dahil sa mga pangyayaring yon kailangan mong magdesisyon. Kailangan mong tumayo sa iyong mga paa upang mabuhay. There is something missing, may mali. May sikreto kang malalaman, pero lingid sa kaalaman mo may mas...