Palabas na ako ng paaralan, nang mapansin ko ang pagkumpulan ng mga estudyante sa gate rito. Ano bang meron, at nakukumpulan sila dyan? May namimigay ba ng libreng pagkain or free taste? Mukhang wala naman..
Dahil na rin sa ako'y nagtataka ay binilisan ko ang paglalakad papunta roon sa kaguluhan. Lumaki ang mata ko nang makita si Cedric nakatayo malapit sa isang pulang sports car, naglakad siya papalapit at nagsitilian ang mga babae, may isang naghagis ng baby bra, umilag si Cedric na siyang dahilan ng aking pag ngiti.
Naglakad siya at hindi pinapansin ang mga kababaihan nagtitlian at nagkukuhaan ng litrato sa kanya. Tumigil siya sa aking harapan at lumuhod, nakataas ang kanyang kamay parang isang prinsipe na inaaya ang prinsesa sa isang sayaw.
"Hatid kita sainyo?" Tanong niya, ako nama'y nagtaka paano? Alam ba niya ang bahay namin? Kusang gumalaw ang aking kamay at pinatong ito sa kanyang kamay.
"Tara" pagkasabi ko 'non humigpit ang hawak niya sa aking kamay, at naglakad kami papalapit sa pulang sports car.
"Teka lang may kukunin lang ako.." tumabi ako sa pulang sports car, habang hinihintay si Cedric, nakapikit ako, ramdam ko nanaman ang naguumapaw na kilig lalo na nang ayain niya akong ihatid. Pero mas kinikilig ako dahil isasakay niya ako sa pulang sports car.
Bumukas ang mata ko nang marinig ang maingay na makina ng motor sa aking harapan. Lulan ng big bike ay si Cedric na ikinagulat ko, akala ko nama'y may kinuha siya sa likod ng kotse, 'yon pala motor niya ang kinuha sa likod ng kotse, habang iniisip ko 'yon ay napatawa ako ng mahina sa mga imahinasyon ng aking isip.
Linapit niya ang mukha niya sakin, na siyang nagpapikit ng aking mga mata. Nakaramdam ako ng mabigat na bagay saking ulo, at ang haplos ng kamay niya sa aking mukha.
Click
Binukas ko ang aking mata, at nakita ang nakangiting Cedric sa harapan ko.
"Bagay sayo ang pink na helmet na binili ko"
Mamula ako sa mga katagang lumabas sa kanyang labi. Sumakay ito sa kanyang motor at inilhad ang kanyang kamay, upang tulungan akong makasakay sa big bike niya.
"Hold on tight, Samantha..."
Huling sabi niya bago, simulan paharurotin ang motorsiklo. Sa bilis ng takbo nito, hindi ko maiwasan mapayakap sa kanya. Sa yakap palang nararamdaman ko ang kanyang abs, mukhang nagwoworkout si Cedric, ngunit hindi mo mahahalata sa kanyang damit na may taglay siyang ganitong kasarap na anim na pandesal.
Bumilis lalo ang pagpatakbo ng kanyang motor, kasabay ng pagbilis nang tibok ng puso ko. Hindi ko naiwasan ilapit ang aking mukha sa likod niya,narinig ko ang bilis ng tibok ng kanyang puso sa aking ginawa, ngumiti na lang ako at ienjoy ang ride of my life.
Gusto ko muna tumigil ang oras, at pakinggan ang kanyang puso, ngunit sa bilis rin ng kanyang patakbo ay narito na kami sa tapat ng aking apartment.
Nauna siyang bumaba sa motor, at inalalayan niya akong makababa rito. Parang nasa isang panaginip lang kami, siya ang aking prinsipe at ako ang prinsesa, hala si Sam nananaginip ng gising.
Dahan-dahan niyang tinangal ang helmet na suot ko, hinaplos niya ang aking pisngi, nilapit niya ang kanyang mukha sa akin, napapikit ako sa kanyang ginawa. Naramdaman ko ang kanyang labi sa aking noo, na siyang nagpamulat sa akin.
"See you later, oo nga pala iyo muna ang helmet, para hinding-hindi mabagok ang ulo mo." Sumakay na siya muli sa kanyang motor at muling pinaharurot ito.
Tulala akong naiwan dito sa labas ng apartment. Nagtataka pa rin ako sa kanyang, ginawa at binilhan pa niya ako ng helmet, alam ko lampa ako pero hindi naman ako mauuntog.
Biglaan sumagi sa akin, ang nangyari ilang araw na rin ang lumipas. Maaring 'yon ang itinutukoy niya.
Inihanda ko na ang alarm clock, nagpalit na ako ng pantulog upang ihanda ang aking sarili mamaya't may pasok na ako sa trabaho.
Narinig ko ang pagkasa sa baril, habang tumatakbo kami ni Chester mula sa warehouse na dinala kami ng di kilalang mga nilalang.
Nakita ko ang pagtutuktok niya ng baril kay Chester, ng ito ay matapilok. Kumilos agad ang katawan ko upang balikan siya. Niyakap ko siya nang mahigpit at naramdaman ko ang na lang sakit sa tagiliran ko at pagtagas ng likido.
Hinawakan ko ito at nakita ang aking dugo, lalong humahapdi ang sugat pero mas mahigpit pa rin ang pagyakap ko sa kanya.
Ilang minuto, nagsitakbuhan ang mga lalaking humahabol sa amin, umiikot narin ang aking mundo pero pinilit ko pa rin ibukas ang mga mata ko ngunit hindi ko na kinaya at bumagsak ang aking mga mata at tanging kadiliman ang aking nakita.
"Ate! Ate! Gumising ka Ate!!"
Pinilit kong ibukas ang mga mata ko ngunit ayaw nilang sumunod, naramdaman ko na lang ang pag angat ng katawan ko mula sa lupa, naririnig ko pa rin ang hikbi ng aking kapatid, hanggang sa nawalan na ako ng malay.
Nagising ako sa ingay ng aking alarm, at ramdam ko ang labis na pagkauhaw ng walang dahilan, kumuha ako ng tubig mula sa gripo at ito'y ininom ko. Wala akong asthma, pero hinihingal ako ng walang dahilan. Binangungot ba ako ? Pero hindi ko maalala kung ano ang aking napaniginipan.
Habang pinapatuyo ko ang buhok sa harap ng electric fan, may busina akong narinig. Hindi ko muna ito pinansin, tinuloy ko lang ang aking ginagawa.
Mga Ilang minuto ulit ng may bumusina at paulit-ulit niya itong ginawa. Naiirita ako kaya naman ay sumilip ako sa bintana.
Gulat ako sa aking nakita sa labas ng bintana, bakit siya nandito? Ang aga naman niya.
Nandoon si Cedric kasama ang kanyang motorsiklo, nakangiting kumakaway sa akin. Namula ang aking mukha sa pagkahiya, nakasuot lang ako ng twalya.
Kinuha ko kaagad ang aking damit at nagbihis, mabilis akong tumakbo pababa ng apartment. Nakahawak ako sa tuhod at hinahabol ang aking hininga.
"Okay ka lang Sam?" Yumuko ito at naglapat ang noo namin sa isa-isa. Halos mahimatay ako sa pinaggagawa ng lalaki ito. Sino ba naman hindi mamatay simula ng makilala ko siya binigyan niya ng kulay at musika ang mundo. At walang humpay niya ako pinapakilig, minsan naiisip ko ako ay isang leading lady sa korean na drama.
Nang makahinga na ako ng maluwag ay inabot niya sakin ang isang frappuccino na ikinagulat ko may oras pa talaga siyang gumawa, siguro dumaan muna siya sa cafe, bago dumiretso rito.
"Kape ka muna, alam kong gustong-gusto mo ang gawa ko ng kape." Inilabas niya ang isa pang frappuccino.
"Cheers~!"
Sabay kaming uminom ng kape, masarap nga. Pero may iba, iba ito sa una kong natikman na gawa niya. Pero parang matagal ko na itong nalasahan hindi ko lang maalala, ngunit malabo, isang beses ko palang natikman ang gawa niya.
"Tara, nasaan na ang helmet mo?"
Tanong niya nang mapansin hindi ko dala ang binigay niya.
"Naiwan ko sa taas, kunin ko lang."
Nagakma akong tumakbo pabalik sa apartment ngunit hinila niya ang aking kamay. Sa lakas ng pagkakahila niya ay napayakap ako sa kanyang katawan, naramdaman ko ang init ng kanyang paghinga, at ang bango na kanyang taglay.
"Malalate na tayo." Bulong niya sa akin, na tila musika sa aking tenga.
Kinuha niya ang kanyang helmet, isinuot niya 'yon sakin at ngumiti.
"Bagay na bagay..." hinaplos niya ang aking pisngi bago sumakay sa kanyang motor.
Bagay na bagay parang tayong dalawa Cedric.. Ang kapal talaga ng mukha ko di ba? Libre naman mangarap.
Inilahad niya ang kanyang kamay at tinulungan akong sumakay sa motor nito.
"Hold on tighter, Samantha.."
BINABASA MO ANG
My Frappuccino Guy
RomanceMay mga nangyaring hindi inaasahan. Dahil sa mga pangyayaring yon kailangan mong magdesisyon. Kailangan mong tumayo sa iyong mga paa upang mabuhay. There is something missing, may mali. May sikreto kang malalaman, pero lingid sa kaalaman mo may mas...