Mabilis lumipas ang mga araw, ganon pa rin si Cedric, walang mintis nya akong sinusundo't hatid. Tuwing uwian ko galing sa paaralan ay lagi siyang nakaabang sa labas ng gate, katabi ng kanyang big bike, kaya naman binibilisan ko ang kilos tuwing uwian dahil nakakhiya naman sa kanya, bago pumasok ng trabaho ay ganon din sinunsundo niya ako...
Hindi ko mawari kung bakit siya ganon sakin, isang di hamak na empleyado lang ako. Hindi ako maganda di gaya ng aking mga kaklaseng maraming inilalagay sa mukha nila. Hindi kaya-
Pero maaring mali rin ako, ang sarap kasi sa feeling ng ganito. Ngayon ko lang naramdaman na may naghihintay sakin, masarap pala sa pakiramdam. Idagdag pa natin ang kanyang kagwapohan sino ba naman hindi kikiligin diba? May nagbato nga sa kanya ng baby bra unang punta pa lang niya rito
Nandito ako ngayon sa harap ng kaha, at nakatingin sa kawalan habang iniisip ang kanyang mukha, mababaliw na yata ako...
May tumapik sa aking balikat na siyang nagbalik sa akin sa kinakasalukuyan. Meron siyang binulong sa aking tenga na mistulang musika sa aking pandinig.
"May customer sa harap mo, kunin mo na ang order."
Saka ko palang napansin ang aking harap, magkasalubong na kilay, at nakatitig sa akin ang lalaking nasa harapan.
"May I take your order?" Nakangiting wika ko sa kanya, nakakahiya, kung ano anong pinag-iisip ko dito may customer na pala.
Nilayo nito ang kanya mukha, sakin at umubo ng ilan. Lumunok muna siya ng laway at napansin ko ang kanyang adams apple. Habang binabanggit niya ang kanyang order, hindi maalis sa isip ko na parang nakita ko na siya noon.
"May I have your name for the cup?"
"'Ster"
Hindi ko namalayan tumulo ang luha sa kaliwa kong mata, bakit ba ako lumuha? Hindi ko alam pero kusa nalang tumulo ang luha sa matang yon at nakaramdam ako ng labis na kalungkotan.
Ibinigay ko na ang order kay Cedric, dahan-dahan niyang hinaplos ang aking kamay habang kinukuha ang order, dumaloy ang kuryente sa aking kamay dahilan ng aking pagngiti, ngumiti rin ito sabay kumindat sa akin bago simulan gawin ang order ng customer.
Ang landi mo naman Cedric, sa akin ka lang ngumiti at kumindat ah. Teka hindi pa nga kayo possessive mo Sam!
Hindi ko siya maiwasan pagmasadan siya habang gumagawa ng kape. Mapapahanga ka sa kanyang galing,makikita mo ang kapinohan, liksi, at para siyang nakiki -pagsayawan lang sa kape. Nang matapos niya itong gawin, inabot niya sa akin ang frappuccino sabay kumindat, buti na lang hindi ko nabitawan ang hawak kong kape sa kanyang pinaggagawa, nilibot ko ang mata sa paligid at hinanap ang lalaking umorder nito, 'yon siya bulong ko sa sarili ko.
Pansin ko na umupo ito sa luxury sofa't naglabas ng makapal na libro at salamin.
Napansin niya kayang pinagmamasadan ko siya? Nagwawala nanaman ang puso ko sa pagkindat niya, napangiti akong muli at dinali ang order ng customer.
Umismid lang siya sa akin, bakit pag ako parang wala siya sa mood, ngunit nginingitian niya si Cedric? Bakla ba tong lalaking to? Sayang cute pa naman.
Konti palang ang tao rito sa Cafe, madaling araw na kaya siguro ganon, mabilis lumipas ang oras at ako nanama'y uuwi. Magstop muna kaya ako magaral at fulltime dito? Di pwede 'yon Sam kailangan mong makatapos ng pagaaral. Nakakalungkot at isang oras na lang ay uuwi na ako.
Magpapaalam na sana ako kay Cedric, pero busy siya sa pagawa ng maraming frappuccino, paano ba naman benteng tao agad ang pumasok kung kailan ako pauwi, kawawa ka naman my loves.
Huminga akong malalim bago lumabas sa coffee shop.
Kulay bughaw ang kalangitan ngayon, ang ganda nitong pagmasdan. Ikaw masaya ka ba kung nasaan ka ngayon? Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon. Nakalipas na ang mahigit isang taon, pero parang kahapon lang ang mga nangyari. Naririto pa rin, ramdam na ramdam ko ang sakit na dulot 'non.
Sigurado akong magugustuhan ni inay ang dala kong mga tinapay tsaka palaman. Ang bait ng Ali sa may bakery at ibinigay sakin ang mga tirang tinapay. Kinapa ko ang pitaka sa aking bulsa, may extra pa ako kaya naman naisipan ko ibilli ito ng pakwan at isang litro ng coke.
Dumaan muna ako sa malapit na palangke upang mabili ang pakwan. Masaya kong itong kinuha at binilisan ang lakad pauwi.Ayun bukas pa ang tindahan malapit sa aming bahay, binilisan ko ang lakad papunta rito.
"Manong, pagbili po ako ng isang litro ng coke"
"Oh, si Sam, pala ire sige ito na ang isang litro ng coke, soli mo nalang ang bote pagtapos."
"Opo Manong!" Masayang wika ko, habang kinukuha ang softdrinks mula sa kanya.
Habang papalapit ako sa bahay namin, bumibilis ang pintig ng puso ko. Kinakabahan ako, ano bang meron..
Binalewala ko ang aking nararamdamang kaba, habang pinipihit ko ang doorknob, lalong lumakas ang pag tibok nang puso ko.
Nabitiwan ko lahat ng aking bitbitin, nabasag ang bote ng coke. Naparalisa ako sa aking dinatnan, sandali ay hindi ako makagalaw at patuloy lang ang pagtulo ng aking mga luha.
Sigaw, malakas akong napasigaw na nag-agaw attensyon ng mga kapitbahay. Patuloy parin ang aking pagiyak, mistulang gumunaw ang mundo.
Sinubukan kong kumalma, pero hindi ko magawa, lumabas ng emergency room ang doctor. Nakasimangot ito, alam ko na ang kanyang sasabihin pero ayaw kong tanggapin.
"I'm sorry, I did my best to save her.."
Ang mga katagang nagdulot ng labis na hinagpis, labis na sakit..I can't breathe...
"Bakit ang unfair mo! Bakit mo ako iniwan Mama!" paulit-ulit kong sinigaw sa rooftop ng hospital, ngunit nandito pa rin ang sakit kahit anong sigaw ang gawin ko.
Tumayo ako at muling nagtirik ng kandila sa kanyang puntod. Ngumiti ako't tinahak na ang daan pabalik sa realidad.
Gising na ang haring araw nang makadating ako sa paaralan, minabuti ko muna mag-review ng ilan sa pinagaralan baka magpa-surprise quiz ang guro.
Sa kadahilanan maaga pa ako'y napahikab habang binabasa ang ilan sa aking mga naisulat sa kwaderno.
"Ang sarap mo talaga gumawa ng frappuccino!" Masayang inubos ko ang ginawang inumin para sa akin.
"Binobola mo lang ako, Samantha eh.." yumuko ito at tumingin sa sahig. Lumapit ako at niyakap ko ito.
"Hindi, napakasarap talaga paborito ko ito.." nakangisi kong wika sa kanya, hinalikan ko siya sa pisngi, namula ito ng konti, dahilan ng pagkatawa ko.
Bigla na lang dumilim ang paligid at nawala ang mga tao, tumayo ang balahibo ko, at nakaramdam ako ng matinding takot, nang bumalik ang liwanag, puro dugo ang aking natanaw.
Bumaliktad ang sikmura ko at naramdaman ko ang pagangat ng aking mga kinain, tumakbo ako papalabas, nakita ko siya duguan sa mga damo.Dalian akong tumakbo pa pa roon ngunit parang mas lumalayo ito sakin, hingal na hingal na ako pero patuloy parin ako sa pagtakbo.
Hangang sa ..
"Ms. Valiere, Ms Valiere!" sigaw ng aking guro dahilan upang bumalikwas ako sa upuan at pagkatumba.
"Don't sleep in my class, ang aga-aga pa tumayo ka dun sa likod and face the wall." Nakayukong tumayo ako at naglalakad papunta sa likod ng silid.
Narinig ko naman ang mga bulungan nila, bulangan na hindi naman totoo. Tinaas ko ang kamay ko at tinakpan ang tenga ng biglang may malakas na tunog akong narinig..
BINABASA MO ANG
My Frappuccino Guy
RomansaMay mga nangyaring hindi inaasahan. Dahil sa mga pangyayaring yon kailangan mong magdesisyon. Kailangan mong tumayo sa iyong mga paa upang mabuhay. There is something missing, may mali. May sikreto kang malalaman, pero lingid sa kaalaman mo may mas...