Nagising ako sa ingay ng mga sasakyan sa labas ng apartment. Tumayo ako at kumuha ng tubig na maiinom, sa 'di malamang dahilan ay uhaw na uhaw ako. Nakakapagtaka alam ko nasa beach ako kasama si Cedric hindi ko alam paano ako napunta sa apartment.
Iniisip ko ng mabuti, alam ko kuma-kaen kami tapos... tapos... iniisip ko pa 'rin mabuti pero wala akong maalala. Sa sobrang pag-iisip ko sumakit ang ulo ko, hindi ito 'yong normal na sakit ng ulo, mas masakit pa siya sa migraine.
Hawak-hawak ko ang aking ulo papunta sa kama hanggang sa nabalot ako ng kadiliman.
"Moo, ang sarap talaga ng mga kapeng gawa mo" masayang sabi ko habang iniinom ang frappuccino na gawa niya.
"Ako pa ba moo? Syempre puno ng pagmamahal 'yan kaya sobrang sarap." Itinaas niya ang kanyang ulo sabay ngumisi. Natawa ako sa kanyang aksyon na ginawa.
"Moo, magtayo ka ng coffee shop sigurado papatok 'yon." Hinawakan ko ang kanyang kamay ng mahigpit.
"I promise moo, magtatayo ako ng coffee shop at ipa-pangalan ko sa 'tin." Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi at hinalikan sa noo.
"Moo, anong ipa-pangalan mo magkahalong pangalan natin o---" bago pa matapos ang sasabihin ko ay hinalikan niya ako sa labi.
"Ang ipa-pangalan ko sa coffee shop ay MY ONE AND ONLY COFFEE SHOP" kinuha niya ang kamay ko at tinulungan akong sumakay sa motor niya.
Mabilis niya pinatakbo ang motor papunta sa bahay namin. Sinulit ko ang mga oras na ito at yumakap ng mahigpit sa kanya, bakat na bakat ang six pack abs nito ang sarap hawakan.
Halos tumigil ang mundo ko ng makitang bukas ang gate. Ang bilis ng tibok ng puso ko agad akong bumaba sa motor at tumakbo papasok sa aming bahay.
Dinatnan kong nakahiga ang mga guard namin sa sahig at walang malay, gusto kong umiyak o magwala. Pero kailangan ko munang mahanap ang pamilya ko.
Tumakbo ako sa may sala, gulo lahat ng gamit. Ang mga vase ay basag at ang mga maid namin ay nakahiga sa sahig mga walang malay ang iba rito ay duguan.
Nanlambot ang mga tuhod ko, muntik na akong mapaluhod, niyakap niya ako mula sa likuran at tinulungan tumayo ng maayos. Hinawakan ko ang kamay niya na nakayapos pa 'rin sa 'kin.
Pumunta ako sa kwarto ng aking kakambal na lalaki, halos mapahiyaw ako sa aking nakita.
Si Tito Alois may hawak na baril at nakatutok ito kay Chester.
"Any last words my dear nephew?" nakangising sabi niya, habang kinakasa ang baril.
Kumilos agad ang aking mga paa at nasa likod na ako ni Chester nakayakap sa kanya. Hinihintay ko ang pag-tama sa'kin ng bala ngunit wala 'bat ang tagal.
Nakarinig ako ng malakas na putok na nagpa-lingon sa'kin at nakita ko ang duguan katawan ng aking lola. Hindi ako makagalaw sa aking kinaroroonan sobrang sakit ang aking nadarama, hindi ito totoo, hindi ito maari. Hindi ka pwedeng mamatay lola. Yakap ko ang kanyang walang malay na katawan. Pilit ko itong inuga para magising, dumilat itong saglit at hinawakan ang kamay ko.
"Apo, Samantha..mahal na mahal ko kayo ni Chester...:" naluluhang wika niya
"Lola, lumaban ka tatawag tayo ng ambulansya.." maluha luha ako, hindi ko kayang tignan ang taong nagpalaki sakin na nasa bingid ng kamatayan.
Ngumiti ito sakin at dahan-dahan lumuwag ang pagkahawak niya sa kamay ko. Tumulo ang luha sa kanyang mata at tuluyan ng pumikit ang kanyang mga mata.
"Lolaaaaaaaaaa"
Nakangising lumapit si Tito Alois sa 'min tinutok niya ang baril sa uluhan ko at kinasa itong muli. Hindi ako makagalaw sa aking pinaroroonan.
Dumating sila mama at papa pilit inagaw ni papa ang baril kay tito Alois, ngunit pumutok itong muli at tinamaan si Cedric sa tagiliran. Dahil sa pagtama ng baril ay napaupo ito sa sahig.
Si Chester naman ay tahimik lang, siguro nahihirapan siyang iprocess ang mga nangyayari may sakit pa naman siya. Nagaawan pa rin sila papa at tito sa baril muling naiputok ang baril at natamaan si mama bigla nalang itong bumagsak sa sahig.
Sa sobrang sakit ang naramdaman ko, napahiyaw nalamang ako at bigla na lang binalot ng kadiliman ang paningin ko.
Nagising ako sa isang puting kwarto. Hindi ko alam kung nasaan ako, hindi ko alam kung sino ako. May babaeng nakayuko at hawak niya ang kamay ko sino ba siya? Kilala ko ba siya?
"Oh gising ka na pala anak, kamusta ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin, hindi ko alam ang isasagot ko.
"Sino ka? Sino ako? Nasaan ako?" Sunod-sunod ang mga katanungan sa isip ko.
"Ako ang iyong mama, Alessandra ang pangalan ko. Ikaw si Samantha ang anak ko. Nasa hospital ka, hinimatay ka kahapon." Malumanay na pagka-kasagot niya sa akin.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang isang lalaki, halata ang pagalala sa kanyang mukha sino ba siya?
Dumiretso siya sa akin at niyakap akong mahigpit.
"Sino ka?"
Kumalas ito at halata ang pagkalito sa kanyang mga mata. Lumapit si mama ngumiti siya sa akin, bago sila lumabas ng lalaking kaharap ko.
Kinausap ng mama ni Samantha si Cedric, at ipinaliwanag ang kondisyon nito. Hindi mawari ang ekspresyon ng mukha ni Cedric. Pero nangako ito sa nanay ni Samantha na sa oras na mawalan ito ng buhay dahil sa sakit niya, ay hindi niya papabayaan si Samantha. Kahit gaano kahirap at maging gaano ito kasakit ipinangako niya na ibabalik niya ang memorya ng kanyang fiance.
Pumasok muli ang ina sa kwarto, natutulog na si Samantha ng mahimbing. Hinawakan niya ang noo ng kanyang anak at hinalikan ito. Napagpasiyahan niya na magpapakalayo muna sila ng kanyang anak, hindi dahil gusto niya itong ilayo sa pamilya kundi, para mabuhay ito ng normal kahit sa sandaling panahon lamang.
Alam ng ina na na-trauma ang anak sa nangyari na naging dahilan ng amnesia nito. Kinausap ng ina ang kanyang asawa at sinabi ang kanyang plano, tutol man ang ito naiintindihan niya ito ay para sa kanyang anak. Hinayaan ng ama ang kanyang asawa sa kanyang desisyon, at alam nito na may taning na ang buhay ng asawa kaya mas lalo niya itong pinagbigyan.
Palaging nagpapadala ng pera ang kanyang ama, itinatago ito ng kanyang ina sa isang safe na nasa ilalim ng apartment nila. Siya lang at si Cedric ang may alam nito, at sa oras na makaalala na si Samantha, kukunin ni Cedric ang pera at magcre-create sila ng bank account ni Sam. Sa oras rin na maka-alala siya ay dapat bumalik na siya sa kanilang mansyon.
Nagising ako na nakahiga sa sahig. Tumayo ako masakit pa rin ang ulo ko ng konti. Uminom ako ng biogesic, sabay umupo sa maliit ng upuan. May ka-kambal ako, at fiance ko si Cedric tama ba ang mga alalang 'yon?
Bakit hindi sa'kin sinabi ni Cedric? Bakit niya itinago lahat? Pero kung sasabihin niya sa akin ng bigla ang mga 'yon maari ko siyang di paniwalaan.
Masama ang loob ko sa kanya, ngunit baka may sapat siya na dahilan para gawin 'yon.
Tumunog ang telepono ko, tinginan ko kung sino ang tumatawag. Siya ang tumatawag hindi ko dapat sasagutin ang tawag ngunit aksidente ko itong napindot.
"Hello... Samantha?"
BINABASA MO ANG
My Frappuccino Guy
RomanceMay mga nangyaring hindi inaasahan. Dahil sa mga pangyayaring yon kailangan mong magdesisyon. Kailangan mong tumayo sa iyong mga paa upang mabuhay. There is something missing, may mali. May sikreto kang malalaman, pero lingid sa kaalaman mo may mas...