Naramdaman ko ang tensyon ng humarap si Christian dahil sa pag tawag sakin ni Lance." Bakit mo tinatawag si alex ? "
Tanung agad ni ian ng humarap kame." Isosoli ko lang sana to nahulog kasi sa pag mamaladali nya "
Sabi ni lance at pinakita ang hawak nyang notebook ko at naglalakad palapit samin." Ang clumsy mo talaga ching . sge pre salamat "
Sabi naman ni tj at knuha ang notebook na hawak ni lance at inabot sakin." Wala kana ba sasabihin aalis na kami "
Sabi ni ian at akmang paaalis na kame pero biglang nag salita si lance." Saglit "
Bigkas ni Lance na nag palingon muli kay Ian
Nag tanggal ng salamin si ian senyas na papakinggan nya ang sasabihin ni lance.Ilang segundo bago nag salita ulit si lance.
" Pwede ko ba kayo Imbitahan sa welcome party ko this saturday kung okey lang senyo "
sabay abot ng invitation card.Binasa muna ito ni ian bago muli mag salita .
" Pwede naman kung okey lang kay alex at kung papayag ang BOYFRIEND nya na sumama sya "
Sabi ni ian na may pandidiin sa salitang BF .
Agad naman nag salita si Lance bago pa ko makasinget." Pwede naman sila sumama eh friend nyo naman sila at boyfriend sya ni alex diba pare?"
Sabe ni lance at abot pa ng isan invitation kay troy.." Oo naman pre wala naman problema dun eh Basta kasama ang mga tropa "
Sabi ni troy habang naka hawak sa kamay ko at nakipag apir pa sa tropa nya." So aasahan ko kayo dun ching? "
Sabi ni lance ng nakatingin sakin nabasag ang katahimikan ko." Ah. oo naman chaka kasama nadin naman si tj at ang barkada eh "
Sabi ko na nakangite .
Di pwedeng mahalata ni troy na apektado ako." sge una na kame "
Mag sasalita pa sana si lance pero bigla nalang tumalikod si ian at niyaya kame .
Rinig naman namin sa malayo ang boses n babae na tumawag kay lance.
Pero di na namin nilingon yun dahil pababana kame ng hagdan.