Chapter 12

27.8K 568 31
                                    

(Charlene 's POV)

Nagising ako na sobrang bigat ng mata at ulo ko. Kainis. Ito na nga ba ang ayaw ko pagkatapos kong umiyak eh. Ako naman kasi eh. Alam na ngang chickboy si Greg iiyak iyak pa din kapag nakakita ng ibang babae na kahalikan nya. Kahit sanay akong makakita na iba't iba ang nakakasama nya, pareparehas pa rin yung pain na nararamadaman ko. Syempre asawa ko pa rin naman sya.

Bumaling ako sa bedside table at tiningnan ang digital clock. Jusko! 5pm na?! Ganun ako katagal nakatulog? Napabalikwas ako ng tayo. Any time soon dadating na si Greg.

Nagmamadali akong bumaba at nagluto. Kahit naman galit ako sa kanya, may obligasyon pa rin ako sa kanya. Iyon ang naaalala ko sa mga nasabi nya dati. Kahit gaano ako kagalit sa kanya, I still have my responsibilities. Siguro kahit galit ako sa kanya at ayain nya ako sa kama, bibigay pa rin ako. Ganun ako ka-submissive. Pero huwag muna ngayon. Hindi pa burado sa isip ko ang nasaksihan ko kanina.

Mga 6pm lang ay tapos na akong magluto ng kanin at ulam. Kumain na rin ako at nagkulong sa kwarto. Alam kong anytime soon ay dadating na sya pero ayoko syang makita. Ayoko muna.

Naiinis ako sa kanya pero, may karapatan ba ako kung asawa lang ako sa salita? May karapatan ba ako kung alam kong napilitan lang naman sya sa set up na ito?

(Greg's pov)

Maaga kong tinapos ang trabaho ko para makauwi ako agad. 6:30pm nang dumating akoo sa bahay. As usual, sobrang tahimik. Palaging ganito sa loob ng dalawang buwan. Kaninang tanghali na lang sa office ulit kami nagkausap nang matagal simula noong huling may nangyari sa amin. I wanted to initiate a conversation but I can't because I feel like she's avoiding me.

Just like today. Dumiretso ako sa kusina para kumain at nakita kong may bawas na ang kanin kaya alam ko na nauna na syang kumain .

I admit namimiss ko kahit papaano yung dati, sabay kaming kumain kahit walang imikan. Kapag nauubos ang pagkain ko, nilalagyan nya ulit ito.

pagkakain ko umakyat ako, nadaanan ko ang kwarto ni Charlene na saradong sarado.

I wanted to knock on her door and to ask her about our baby. Halata na ang umbok sa tyan nya. I wanted to say or ask anything just to start a conversation but I am always hesitant. I am always afraid to get rejected.

Kaya napagdesisyunan kong hayaan na lang sya. Na hayaan na lang na ganito ang sitwasyon namin. Sigurado akong mas mapapabilis ang annulment kung hindi kami magpapansinan.

(Charlene's pov)

Hindi ako makatulog. Ang haba kasi ng naging tulog ko kanina kaya hirap na hirap akong antukin ngayon kahit pa nagbabasa na lang ako ng magazine about pregnancy. Napatingin ako sa digital clock ko.

7:15pm na, tiyak nakauwi na si Greg. Sigurado din akong nakakain na sya at malamang nasa kwarto nya sya ngayon at nagpapahinga after a long day.

I felt my stomach grumbled when I saw pictures of different pizzas on the magazine that I was reading. Bigla akong nagutom. May pagkain naman sa baba pero pizza talaga ang gusto ko.

Ganito ba ang paglilihi? I used to crave for foods before but not as strong as this craving. Kaya lang ay gabi na paano pa ako makakabili? I felt like crying because of this frustration.

Naalala ko dati noong si mama ang naglilihi kay charlie, kahit gabing gabi na susugod pa din si papa makahanap lang ng minatamis na langka. At hindi sya nagagalit kahit pag uwi nya dala ang minatamis na langka ay iba na ang cravings ni Mama.

Sana matinong mag asawa na lang din kami ni Greg. Sana pwede rin akong magpalambing tungkol sa mga cravings ko at ng anak nya.

Nagdesisyon ako na lumabas at bumili ng pizza. Nakita ko agad ang kotse ni Greg sa garahe kaya alam kong nakauwi na sya. Paglabas ko ay napansin kong medyo kumukulog at kumikidlat pero wala naming ulan. Medyo humid lang ang hangin pero para sa pizza kakayanin ko! Ilang kanto lang naman kaya nilakad ko na lang. Mabuti na lang at naabutan kong bukas pa.

Marrying A Casanova (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon