(Charlene's pov)
Boring!
Halos nagawa ko na ang lahat ng paraan para lang malibang ako dito sa bahay pero wala talaga. Bored na bored ako. Gusto ko sanang lumabas para mag-mall kaya lang ay nahihiya ako sa asawa ko. Baka isipin nyang inuubos ko ang pera nya. Kaya nga hangga't maaari ay hindi ako gumagastos ng pansarili kong gamit kasi ayokong masabihan nya akong walang habas sa paggasta ng pera nya. Kaya in the end, tinawagan ko si Jasper at nagpadala ng paborito kong pizza.
"Jasp!" Sinalubong ko sya ng yakap pagkakita ko sa kanya.
"Ang laki na ng tiyan mo ah. Next month ka na manganganak di ba?" Tinanguan ko sya.
Tiningnan ko syang mabuti. Gwapo si Jasper. Maputi, matangkad, at kitang kita ang pagkakaroon nya ng American blood. Napagawi ang mata ko sa may labi nya at na-guilty ako nang makita ko ang peklat doon.
"Jasper, yung nangyari last time..."
"Okay na. Don't worry about me." He smiled before he took my hand in his and gave it a squeeze.
Hindi ko maiwasang isipin na kung hindi ba na-broken hearted si Mariz at hindi ako nabuntis ni Greg, may pag-asa ba kami ni Jasper? Napatigil ako sa pag-iisip nang may maramdaman akong kakaiba. Parang... parang gumalaw ang baby ko.
"Jasper."
"Bakit?"
"Yung baby ko, gumagalaw." Sagot ko kaya biglang hinawakan ni Jasper ang tiyan ko at pinakiramdaman.
"Oo nga no. Malapit na Charlene. Magiging mommy ka na din." Ngumiti sya sa akin bago tumingin sa tiyan ko. "Hi baby, si Tito Jasp to. Excited ka na bang lumabas? "
Napangiti ako sa sinabi ni Jasper. Sana ganito din sya sa baby namin. Sana excited at natutuwa din sya sa anak nya. Kaya lang alam kong unexpected baby itong dinadala ko kaya hindi ko alam kung masaya ba sya sa anak nya.
Napalingon kami sa likod nang may nalaglag na kung ano sa may sala. Si Greg lang pala. Actually ayoko syang makita. Palagi na lang akong nag oorder at nagpapadeliver ng pagkain sa bahay kapag nale-late akong magluto at nakakaramdam akong malapit na syang dumating.
"Pre, pakiramdaman mo yung baby mo oh. Sumisipa na." sabi ni jasper. Kinabahan naman ako na baka mag suntukan na naman sila.
"Ayoko. Baka makaistorbo pa ako sa paglalandian nyo eh." Sabi nya bago umakyat sa kwarto nya.
Bwisit! Ganoon pa rin pala ang tingin nya sa akin. Na mababang klase ng babae ako. Na may kalokohan kaming ginagawa dito sa bahay. Edi sige. I'll just let him think what he want to think. Tumunog ang phone ni Jasper at nag excuse sya sandali. Pagkabalik nya ay kailangan nan yang umalis.
"Naku Charlene, I need to go. Tumawag ang secretary ko at kailangan daw ako sa office. Heto na ha. Request mong pizza, ubusin mo at magpakataba ka. Bye dear." Humalik sya sa pisngi ko bago umalis.
Buti na lang kaibigan kita Jasper. You satisfy my cravings.
(Greg 's pov)
It's already 11:30pm at gising na gising pa ako. Si Charlene, lagi ko syang naiisip. Mahal ko na nga kaya sya? I have never thought of any girl the way I think of her.
Pinuntahan ko sya sa kwarto nya at mahimbing na syang natutulog. Tiningnan ko ang maumbok nyang tiyan. Naalala ko ang sinabi ng lalaki na gumagalaw ang baby ko kaya naupo ako sa bed nya at pinakiramdaman ang baby sa tiyan nya.
'Baby, paramdam ka naman kay Daddy.' Bulong ko at hindi ko sinasadyang magising si Charlene.
"Greg? Ano'ng? " Napatingin sya sa kamay ko na nakahawak sa tiyan nya.
BINABASA MO ANG
Marrying A Casanova (completed)
General FictionWhat will you do if you marry a casanova? Matatanggap mo ba na hindi ikaw ang first sa buhay nya? Tingnan natin kung ano ang gagawin ni Charlene sa asawa nyang casanova. - - - - Book cover by: @Cappuccino_Rin