Chapter 19

28.3K 464 93
                                    

5 years! We 've been together for 5 years.

Ewan ko ba. Hindi naman siguro masama na humingi ng second chance lalo na kung mahal nyo naman talaga ang isa 't isa. Nangako syang magbabago na at iyon naman ang ipinakita nya sa akin. Kami na ni Cassandra ang nagsama. Sa condo ko kami tumutuloy at masasabi kong masaya naman kaming dalawa. Nitong mga nakaraan nga lang ay hindi naging maayos ang pagsasama naming dalawa at puro problema at pag aaway ang ginagawa naming.

Charlene. Kahit limang tao na kaming nagsasama ni Cassie, lagi ko pa rin syang naiisip. O baka naman dahil nagiguilty lang ako sa mga ginagawa ko. Hindi nya alam na nagsasama na kami ni Cassandra.

Hindi din kasi maayos ang samahan namin. Never na kaming nag uusap. Kaya never na rin akong umuwi. Ayoko sa ganoong bahay. Iilan na nga lang kayo di pa mag uusap. Umuuwi lang ako kapag miss ko na si Wesley. Sya na lang ang nagkokonekta sa amin ni Charlene.

Naisipan kong dalawin ang anak ko dahil halos isang buwan ko na syang hindi nakikita. Naging busy kasi ako sa kompanya sa sobrang dami ng kailangang asikasuhin. May mga branches kasi na magbubukas.

Nagtaka ako nang may makita akong itim na sasakyan na nakapark sa tapat ng bahay ko. May bisita ba?

Pagpasok ko ay naabutan ko si Charlene at yung Jasper na nasuntok ko dati na magkayakap. Napakunot pa ang noo ko nang hinalikan nya ang asawa ko sa pisngi bago tuluyang umalis.

Sila na kaya? Tanong ko sa sarili. Pero napailing na lang ako. Ano ba ang pakialam ko kung sila na nga? Mabuti nga iyon kung may magmamahal na sa kanyang iba, hindi ba? Pilit ko silang inalis sa isip ko at pinuntahan si Wesley.

"Wesley!" Masayang bati ko sa anak ko pagkabukas ko nang pintuan ng kwarto nya.

"Daddy!" Excited akong sinalubong at niyakap ng anak ko. "I missed you Daddy." My son kissed me on the cheek.

Sobrang sweet ng anak ko. Apat na taon palang sya pero nakikita kong ang matured nyang mag isip para sa edad nya. Sadyang matalino lang talaga sya. Sa akin sya syempre magmamana.

"I brought new toys for you."

"Yehey! Thank you Daddy. I love you."

Binigyan ko si Wes ng isang Star Wars action figure. Parang ito kasi ang uso ngayon sa mga bata eh.

"Welcome. Laruin mo na."

"Eh.. later na lang Daddy. Play tayo nito." Nilabas nya ang remote control car na may board pa kung saan dadaan ang mga cars.

Saan naman galing ito? Sa ganito kaya inaaksaya ni Charlene ang pera ko?

"Saan galing ito? " tanong ko.

"Bigay po ni Tito Jasper."

Jasper na naman?! At talagang inaangkin na nya ang mag-ina ko? Akin pa rin ang pamilya ko kahit hindi ko sila nakakasama nang madalas.

"Lagi ba syang nandito, Wesley?" Ewan ko kung bakit kumulo na naman ang dugo ko. Ngumiti naman ang anak ko at saka tumango.

"Yes Dad. He always gives me toys while he always gives mommy sweet chocolates."

Baka sila na nga. Ewan ko kung bakit parang nakaramdam ako ng hindi maganda. Baka naapakan lang ang ego ko dahil alam kong sa batas, asawa ko pa rin naman sya. Kami pa rin ang legal.

"Magmerienda muna kayo."

Napatingin ako sa nagsalita. At hindi ko na alam ang nangyayari. Parang napakaliwanag ng paligid nya. At parang slow motion ang bawat galaw nya.

Dahan-dahan nyang ibinababa ang tray ng juice at dahan dahang ngumiti kay Wesley.

Bakit gumanda yata sya lalo? Naka sleeveless shirt sya tapos short shorts kasi kita ang makinis nyang hita. Pansin ko ring gumanda ang buhok nya. Nagpa-straight at nagpakulay kasi sya ng light brown. Napalunok ako.

Marrying A Casanova (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon