Charlene's pov
Ilang araw na mula nang napagpasyahan kong dumito muna sa bahay ng mga magulang ko tumuloy. May mga times na naiisipan kong bumalik sa bahay ni Greg para kunin ang anak ko pero natatakot ako na baka kung ano na naman ang gawin sa akin ni Greg kaya pinipigilan ko na lang ang sarili ko. Isang araw ko lang nakasama ang anak ko at oras oras ko na lang syang namimiss.
"Charlene?" narinig ko ang boses ni Jasper na syang nagpabalik sa akin sa realidad. "Kanina ka pa tulala. Ano ba ang iniisip mo?"
Napabuntong hininga na lang ako. I know it's so unfair na sya yung kasama ko, sya yung karamay ko pero wala sa kanya ang atensyon ko.
"Ahmm, sorry Jasper ah. Hindi kasi ako nakatulog nang maayos kagabi. Medyo masakit ang ulo ko." pagsisinungaling ko.
"Ganon ba? Sige, aalis na muna ko. Magpahinga ka ha."
"Sorry talaga Jasp." I told him before I gave him a hug.
Jasper has always been a good friend to me. Mula pa college ay sila na ni Mariz ang karamay ko sa anumang pinagdadaanan ko. Kaya sobrang thankful ko sa kanila. Nasa ibang bansa na si Mariz at dahil mas maganda ang career opportunity nya doon kaysa dito sa Pilipinas.
Habang magkayakap kami ni Jasper ay kinilabutan ako sa narinig kong boses.
"Excuse me." It was Greg.
Agad kong binitiwan si Jasper nang maaalala ko na nirape ako ni Greg dahil nakita nyang muntik na akong halikan ni Jasper. There were times that I dream of what he did to me that day. Sobrang na-trauma na lang din talaga ako sa ginawa nya.
Greg was eyeing Jasper. Ganun din naman itong isa sa kanya. It was like nagsusukatan sila ng tingin.
"Bumalik ka na, Charlene. Please. I'm sorry." malungkot nyang sabi. Sasagot na sana ako nang magsalita si Jasper.
"She will never come back to you asshole."
"Anong sinabi mo?" Akmang susugurin ni Greg si Jasp pero nagawa ko syang pigilan. Nakangisi si Jasper nang lingunin ko sya.
"Jasper please. Umalis ka na muna." Jasper just shrugged and then went out of the house.
Nang makalabas si Jasper ay sya ring pagbitaw ko sa kanya. Ayoko nang malapit sa kanya dahil pakiramdam ko ay nakukuryente ako kapag nadidikit sa kanya. Nagulat ako nang bigla nya akong hapitin palapit sa kanya. Ang mga braso nya ay kinukulong ang bewang ko.
"Charlene please. Umuwi ka na. I promise to be a better person. Just...please."
Bahagya ko syang itinulak para makalayo sa kanya. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga kapag ganito ako kalapit sa kanya.
"N-no Greg. A-ayoko na." sa wakas ay nasabi ko. Halos habol ko ang paghinga ko.
Matapos iyon ay mahabang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Nagpapakiramdaman. Hindi alam ang susunod na gagawin. Para kaming mga bata na nagkakahiyaan.
"Charlene! Anak! " sigaw ni mama.
Parehas kaming nagulat sa pagtawag sa akin ni Mama. Palagay ko ay nasa may kusina pa sya pero panay ang tawag nya na sakin.
Nagulat si Mama nang makarating sya sa pwesto namin. Nagulat sya dahil nandito si Greg. Kitang kita ko ang kalituhan sa kanya pero piniling kimkimin na lang iyon.
"Ay sorry! Nag uusap pala kayo. Sige mamaya na lang." Sabi ni mama bago tumalikod at aalis na sana pero pinigilan ko sya. Maybe this is a good chance para makatakas ako kay Greg.
"Ma, ano yun?" Tanong ko.
"Hindi na anak mamaya na. Makakapaghintay naman ako." akma ulit aalis si Mama pero pinigilan ko.
BINABASA MO ANG
Marrying A Casanova (completed)
General FictionWhat will you do if you marry a casanova? Matatanggap mo ba na hindi ikaw ang first sa buhay nya? Tingnan natin kung ano ang gagawin ni Charlene sa asawa nyang casanova. - - - - Book cover by: @Cappuccino_Rin