(Charlene 's pov)
May bumisita? Bihira lang may bumisita sa bahay. At kung iisipin nga ay isa pa lang ang nagiging bisita sa bahay na ito--yung babae pa ni Greg. Sumakit na naman ang puso ko nang maalala ang eksena na iyon.
Huwag naman sanang babae na naman ng asawa ko ang nasa labas. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Kung magpapakatapang ba ako at kumprontahin ang babae o magpaka-martir at i-welcome sa bahay namin. Kung may award lang siguro na Martyr of the Year, sigurado akong tinalo ko pa ang GomBurZa.
Pagkabukas ko ng gate, isang pulang kotse ang nakita ko. Napakunot na lang ang noo ko dahil iniisip ko kung sino kaya ang sakay nun. Maya-maya ay bumukas ang pinto ng kotse at automatic na napangiti ako sa lalaki.
"Jasper!" agad ko syang sinalubong ng yakap. God! I missed this man so much! Best friend namin sya ni Mariz since college. Umamin sya sa akin na gusto nya ako at kung hindi lang siguro sya nagpunta sa ibang bansa, baka sya ang asawa ko ngayon at hindi si Greg. "Na-miss kita!"
"Na-miss din kita, Charlene. Kumusta?"
"Okay lang. Tara sa loob tayo mag-usap."
Pinapasok ko sya sa loob ng bahay at pinagserve ng merienda. Sobrang saya ko na makita ulit sya. After 4 years ay ngayon na lang ulit kami nagkita kaya nae-excite ako sa mga iku-kwento nya. Malayo layo na rin ang narrating niya at sobrang proud ako para sa kanya.
"Kailan ka pa umuwi?" Masaya kong tanong habang pinagseserve ko sya ng juice.
"Kahapon lang. Ikaw nga agad ang hinanap ko eh, tapos malaman laman kong nag asawa ka na pala at casanova pa!" galit na sabi ni Jasper. Napalunok ako dahil pinipigilan kong bumagsak ang luha ko. Para kasing nag-flashback sa utak ko yung eksenang naabutan ko noong isang gabi.
"Okay lang naman ako Jasp. Okay pa naman ako." I assured him.
"Why did you let yourself marry that man? Nakwento ni Mariz sa akin ang lahat at kung anong klaseng lalaki iyang Greg Francisco na iyan. Bakit ka nagtitiis sa kanya?" Sobrang seryoso ng mukha nya. I am seriously on the verge of crying. And I don't want to let him see me cry.
"Wag na nga nating pag usapan yan! Ikaw, kumusta na? Ang ganda ng pormahan natin ah!" I tried to divert the topic. Hindi sya sumagot at parang lumungkot naman ang mukha nya. Nagulat ako nang hawakan nya ang kamay ko.
"Charlene, huwag kang matatakot na magsabi sa akin kapag ginawan ka nang masama ng lalaking yun ha."
Natahimik ako. Malamang nagkausap na sila ni mariz at naikwento nya na ang mga ginagawa ng asawa ko. Hindi man nya ako sinasaktan physically, emotionally naman ang pananakit nya. Isang tango at tipid na ngiti na lang ang naisagot ko kay Jasper.
"Salamat Jasp ha."
"Wala yun. Tara nga dito." Niyakap nya ako and for the first time, I felt very comfortable.
"Ano'ng ibig sabihin nito?" Nagulat kaming dalawa sa malakas na sigaw ni Greg and before we knew it, nasuntok nya na si Jasper. "Ang lakas ng loob mo na mang agaw ng asawa!"
Walang awang pinagsusuntok ni Greg si Jasper at sobrang awang awa na ako sa kanya. Pinigilan ko ang kamay ng asawa ko.
"Greg, tama na! Nagkakamali ka ng iniisip!" sigaw ko bago hinarap si Jasper. "Okay ka lang ba? Sorry pero umalis ka muna. Sa ibang araw ka na lang pumunta ha. Sorry, sige na."
Kahit gusto kong ihatid hanggang sa labas ng bahay, hindi ko ginawa dahil natatakot ako kay Greg although, lamang pa rin yung galit ko.
"What 's with the attitude?? " galit na tanong ko.
BINABASA MO ANG
Marrying A Casanova (completed)
General FictionWhat will you do if you marry a casanova? Matatanggap mo ba na hindi ikaw ang first sa buhay nya? Tingnan natin kung ano ang gagawin ni Charlene sa asawa nyang casanova. - - - - Book cover by: @Cappuccino_Rin