(Greg 's pov)
"Sir 10 am po may meeting kayo kay Mr. Lee sa starbucks." Paalala sa akin ng secretary ko. Lalaki na ang kinuha ko dahil ayoko nang magpalit ng secretary for the nth time. At ayoko na ring magpadala sa tukso.
"Okay. Thanks."
Sobrang daming trabaho. Sumasakit na ang ulo ko dahil hindi rin maayos ang tulog ko kagabi. Iniisip ko ang mag-ina ko.
Kinuha ko ang cellphone ko. Nakita kong si Wesley at Charlene ang wallpaper. Si Wes ang kumuha nito at alam ko na napilitan lang si Charlene dahil gusto nyang palaging napapasaya ang anak namin.
Napangiti ako. Pero bigla kong naalala na masama nga pala ang loob nila sa akin. At tanggap ko yun. Kasalanan ko naman kasi ang lahat.
Gusto kong tawagan ang asawa ko. Kaya lang alam ko namang hindi nya na naman sasagutin. With a sigh, ipinasok ko sa bulsa ang phone ko at hinanda ang mga papeles na kakailanganin sa meeting namin ni Mr. Lee.
-----------
By 9:45 ay nakarating ako sa meeting place. Gusto kong magpunta nang maaga dahil alam kong mas maaga silang dumarating lalo na't sila ang nangangailangan sa kumpanya namin.Medyo maraming tao kaya nahirapan akong maghanap ng upuan namin. Gusto ko sanang malapit sa window. Habang naghahanap ako ng upuan, napakunot ang noo ko sa pamilyar na feature na nakita ko.
Charlene?
I walked closer para masigurado at halos takbuhin ko na ang distansya sa pagitan namin dahil nakita kong kasama nya si Jasper. They were sitting too close to each other and their eyes were both closed.
I knew it. She's going to kiss my wife.
Pero inunahan ko sya. Bago pa man nya mahalikan si Charlene ay sinuntok ko na sya. Akin lang ang asawa ko! Hindi ko sya tinigilan hanggat hindi ako kuntento. Kung kaya ko nga, papatayin ko sya. How dare he kiss my wife!
"Greg tama na!"
Hindi ko pinansin ang pagpigil sa akin ni Charlene. I want them to feel my anger. Wala akong pakialam kung nagkakagulo na sa coffee shop. All I want is to see him suffering. I wouldn't stop until he's totally disabled.
Napatigil lang ako nang may dalawang guard na pumigil sa akin. Inilayo naman ng isa si Jasper nang akma akong susugod. Bwisit. Nakaligtas ka ngayon Jasper pero sisiguraduhin kong patay ka sa susunod. Matalim ang pagkakatingin ko kay Jasper pero lalo akong naasar nang ngisihan nya lang ako. Gusto ko pa syang suntukin ulit kaya lang ay naramdaman kong hinawakan ako ni Charlene.
Great! Galit din ako sa kanya but I'll deal with her later.
Inalis ko ang pagkakahawak sa akin ng guard at hinila ko ng malakas si Charlene papuntang kotse. Pilit syang kumawala pero mas malakas ako sa kanya.
Alam kong nasasaktan sya, pero nasasaktan din kasi ako...
(Charlene 's pov)
"Greg bitawan mo ako. Nasasaktan na ako."
Paulit ulit kong sabi pero parang wala syang naririnig. Ang higpit pa rin ng hawak nya at pakiramdam ko ay mababalian ako ng buto. Galit nya akong isinakay sa kotse nya at saka ito pinaharurot ng sobrang bilis.
Natatakot ako. Hindi sa bilis nyang magpatakbo kundi sa kung ano ang pwede nyang gawin. Kitang kita ko kung paano nya ibinuhos ang galit nya kay Jasper at alam ko, ramdam ko na hindi pa sya tapos.
Hindi sya kumukurap habang nagmamaneho ng mabilis. Ang lalakas ng busina nya sa mga nakaharang sa daan at hindi na nya sinusunod ang traffic lights. His knuckles are already white while holding the steering wheel.
BINABASA MO ANG
Marrying A Casanova (completed)
Ficção GeralWhat will you do if you marry a casanova? Matatanggap mo ba na hindi ikaw ang first sa buhay nya? Tingnan natin kung ano ang gagawin ni Charlene sa asawa nyang casanova. - - - - Book cover by: @Cappuccino_Rin