Chapter 8

27.5K 487 17
                                    

(Charlene 's pov)

Nasa kotse kami ngayon ni Greg at papunta sa bahay nya. Doon na daw kami titira. Ineexpect kong magsasama kami sa iisang bahay but not this soon. Hindi ko akalain na pagkatapos na pagkatapos ng kasal ay may nakahanda nang bahay para sa amin. Well, ano nga ba ang ineexpect ko sa mga katulad nilang mayayaman. Ang sabi rin naman ni Tita Gia ay may mga damit at toiletries na kami doon. Lahat ng kailangan naming ay nandoon na sa bahay na iyon kaya wala na kaming poproblemahin.

Tahimik lang ako buong byahe pero si Greg, panay ring ng phone. Gustong gusto ko nang umiyak dahil puro babae nya ang mga tumatawag. Pinapadinig din nya sa akin ang pinag uusapan nila. Hindi ko rin maiwasang maisip yung nasaksihan ko kanina sa CR. Talagang hindi nya pinatawad ang araw ng kasal namin.

Sinubukan kong matulog para hindi ko na sya mapansin pero hindi ako makatulog. Ako naman kasi kinasal lang umasa naman agad na mamahalin nya. Kailangan ko talagang maglagay ng note sa kwarto ko na Huwag Umasa para naman araw araw pagkagising ko mapapaalalahanan akong hindi dapat ako umaasa sa katulad nya.

Huminto kami sa napakalaking bahay. It was a two-storey townhouse with rear balcony. Iyon agad ang napansin ko kasi bata pa lang ako ay pangarap ko na ang balcony. May sobrang laking garden sa harap ng bahay at may isang fountain.

Bumaba sya sa kotse at hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto dahil dire diretso sya sa loob ng bahay. Ano pa bang ineexpect mo Charlene? Alam kong wala na kaming pag asa. Para na lang sa bata ang pagsasamang magaganap sa amin.

Sinamahan ako ni Greg sa magiging kwarto ko, hiwalay kami ng kwarto dahil walang dahilan para magsama kami sa iisang kwarto. We are married in papers alone.

Airconditioned ang kwarto, may queen-sized bed sa gitna, may isang malaking cabinet at lamp shade sa gilid ng kama. Buti na lang maganda naman at komportable dito. Ang ini-expect ko pa nga ay sa maid's quarter nya ako patutulugin pero siguro ay naawa din sya sa magiging anak nya kaya hindi nya ginawa sa akin iyon.

Kumuha ako ng damit at saka nagshower.

(Greg's POV)

Nakaplano na ang lahat. Hindi ako titigil sa pambababae. Same bachelor routine.Hindi rin ako ang mauunang magfile ng anullment. Ayokong magmukhang masama sa mata ng mga tao.Pero iinisin ko sya at hahayaan ko na sya na lang ang makipaghiwalay. At least sa ganoong kaso, hindi ako ang unang umayaw sa kasalan na to. Iyan ang naging payo sa akin ni Jonas. Mukhang okay naman kaya iyon ang gagawin ko.

Kinabukasan paggising ko ay may naamoy agad ako na masarap na ulam. Bago ito kasi dati sa restaurant ako lagi kumakain ng breakfast. Ako lang din naman kasi ang mag isang nakatira sa condo ko. Wala akong hinahayaang makapunta doon. Kailanman hindi ako nag dala ng babae doon. My condo is sacred. Bumaba ako mula sa kwarto at sinundan ang amoy. Sa kusina. At nandoon si Charlene, nagluluto.

"Greg, gising ka na pala. Kumain ka muna, ano ba ang isusuot mo at aayusin ko na habang kumakain ka? "

Ang ganda ng ngiti nya. She's wearing a white shirt beneath her red apron. Her hair is neatly tied in a pony. Kumalam ang sikmura ko nang maamoy muli ang niluto nya. Ipinaghain nya ako tapos umakyat na sya para kunin ang isusuot ko. Bago to ah. Dati lagi akong nale late sa pag aayos pa lang ng isusuot ko pero mukhang hindi na mangyayari iyon ngayon. May gagawa na ng mga iyon para sa akin.

Tinikman ko ang niluto nyang arroz caldo at napangiti na lang ako. Ito na yata ang pinakamasarap na pagkaing natikman ko. Perfect ang lasa.

Pero agad na bumalik sa akin ang plano. I have to make her hate me. I have to make her surrender.

Naubos ko ang isang mangkok pero para hindi halata, pinuno ko ulit ang mangkok para pagbalik nya, kunwari ay hindi ako kumain.

(Charlene's POV)

Kabisado ko na ang mga isusuot ni Greg dahil araw araw ay may uniform sa company. Kumusta na kaya ang mga officemates namin doon? Namimiss kaya nila ako? Kung tutuusin pwedeng pwede akong magpabalik doon dahil asawa ko na ang CEO. Pero alam kong magiging komplikado lang ang bagay bagay kapag pinili kong manatili doon.

Habang nire-ready ko ang mga damit nya, hindi ko mapigilan na amoy-amuyin ang mga damit niya. Ang bango! Lalaking lalaki ang pabango. Hindi nakakasawa. Napangiti na lang ako.

Nagustuhan nya kaya ang niluto ko?

May binabasa ako na book on how to be a good wife at sabi ay ipagluto daw ang asawa. Wala naman sigurong masama kung subukan ko. Nandito na rin lang kami sa sitwasyong ito, why not try our best to make this work right? Sana lang talaga nagustuhan nya.

Nang maayos ko na ang isusuot nya at ang bath tub ay bumaba na ako.

"Tapos na ba? Na-late na ako sa sobrang tagal mong mag ayos." pagalit nyang sabi. He looked so irritated. Hindi naman sya ganyan kanina nang magising sya.

"Sorry. Ayos na, pati yung bath tub." sabi ko saka tiningnan ang kinainan nya.

Nanlumo ako dahil walang bawas. Hindi ba masarap? Baka kaya sya nabadtrip kasi hindi nya nagustuhan ang niluto ko.

"Nga pala, pagkain ba ng baboy iyang pinakain mo sa akin?" galit na tanong nya at saka umakyat at naligo.

Naluha naman ako dahil hindi pala nya nagustuhan. Sariling recipe lang kasi ang ginamit ko. Sina mama at papa kasi nasasarapan sa luto ko na yan. May kulang ba ako na ingredients? Siguro next time kailangan ko na munang bumili ng cook book or manood sa youtube ng mga cooking show para sumarap yung luto ko.

Umalis sya nang hindi nagpapaalam sa akin. Parang sobrang iritang irita talaga sya sa lahat ng Makita nya. Ganun na lang ba kasama yung lasa ng niluto ko?

Pagkaalis nya ng bahay ay naisipan kong maglinis at mag ayos ng mga gamit sa kwarto ko. May nakita akong mga CVs ko na ginamit ko dati sa pag aapply ng trabaho. Napangiti ako.

Oo nga. Hindi pwedeng umasa lang ako sa kanya lalo na sa gastusin. Alam kong dadating ang araw na iiwan nya ako at walang matitira sa akin kundi ang sarili ko. Mas okay na yung ready. Women nowadays are empowered. Hindi dahil buntis ako ay magpapakulong na ako sa idea na dapat ay nasa bahay lang ako.

Tinapos ko ang pag aayos ng mga gamit at saka naligo at nagbihis.

Let's do this baby.

Marrying A Casanova (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon