#DOF_DAGLI1

5 0 0
                                    

"Kasal na Pinangarap Natin"

Dahan-dahan akong naglalakad sa puting buhangin habang hawak-hawak ang isang bugkos ng mga puting bulaklak. Sumasayaw kasabay ng hangin ang suot kong puting bestida maging ang aking buhok na sumasaboy sa aking mukha, ngunit sapat lang para masulyapan ko parin ang lalaking sobra kong mahal. Nakatayo siya sa harap ng pari habang nakangiting nakatingin sa direksyon ko. Nakita ko pa kung paano siya nagpunas ng luha, marahil ay sa sobrang galak. Ninanamnam ko ang bawat sandali, ang ngiti ng mga taong nakapaligid sa amin, ang preskong hangin, ang karagatan, ang buhangin. Beach wedding. Pareho naming gusto ang ikasal sa harap ng kalmadong dagat habang nakayapak at nilalasap ang masarap na hangin. Pareho naming gusto ang ideyang iyon... Pero hindi ako ang gusto niyang makasama. Lumiko ako at tinungo ang lugar ko. Unang hilera, pang-apat na upuan. Sa harap niya at hindi sa tabi. Nakita ko kung paano kumislap ang mga mata niya ng masilayan ang babaeng kaniyang minamahal. Titig na titig siya kagaya ng pagtitig niya kanina nuong naglalakad pa ako, pero ngayon direkta sa mata ang tingin niya. Sa direksyon ko lamang siya nakatingin at hindi sa aking mga mata. Kakarampot na atensyon lamang ang kaya niyang ibigay sa akin ay hindi pagtingin. Samut-saring emosyon ang nararamdaman ko, ngunit walang kasiguraduhan. Ang tanging sigurado na lamang sa mga oras na ito ay wala na kaming pag-asa. Siya ay nakatali na.

A/N:

First sabawest dagli hahahaha, pers taym gumawa ng dagli eh, pagpasensyahan. Anyways, this book will be containing dozens of feelings, obviously. Lol. Pero totoo, samut-saring emosyon ang ibubuhos ko dito. Walang tiyak na hangganan. Kung hanggang saan ako makakarating at kung gaano kalayo, walang nakakaalam. Maging ako hahahaha! This will consist of poem(s), flash fiction(s), one-shot story(s), or anything na maisipan ko, depends on my mood.

So yeah, yun lang naman. Hopefully ma-enjoy niyo ang mga magiging laman ng librong ito. [talking to no one ahe •-•]

Thanks! :)

Dozens Of FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon