[REVERSE POETRY]
"Susuko Na"
Nagkakamali ka.
Maiaalis kita sa puso't isipan ko
Makakahanap ako ng iba at
Kung inaakala mong,
Ikaw parin ang laman nitong puso ko
Sa sakit na naidulot mo?
Hindi na.
Maghahanap ako ng iba.
Nakakapagod naman kung,
Ako nalang parati ang luhaan.
Bahala na kung,
Palagi nalang ako ang nasasaktan.
Hahayaan ko nalang ganito.
Pero ayaw ko kaya,
Susuko na ako."Ikaw Parin"
(Now read from bottom to top)♥
BINABASA MO ANG
Dozens Of Feelings
RandomA collection of poems (mostly free verse), proses, or anything that comes to my mind and is translated into a group of words. ALL ARE MY WRITINGS po. •-•