"Torpe"
Masyado kang mailap.
Lagi, ika'y nasa ulap;
Nakatingin, nakaabang, nakayukod
Sa ating dalawa ako pa ang mas napapagod.
Dapat ba ako'y malugod?
Dahil tingin mo'y ako sa ibang babae'y bukod.
Subalit, ginoo, kailan mo ba ikukumpisal?
Ang 'yong damdaming ikinubli ng kay tagal?
Payo ko sana'y wag pabagal-bagal,
Bagaman wala pang sagabal,
Ako'y marupok, 'di kasing-tibay ng metal
Nagsasawa, nayayamot, nababagot kahihintay
Sapagkat naghahanap ng aking kaagapay,
Sa mga bagay-bagay, sa aking simpleng buhay.
Kaya ginoo,
ako'y gawin ng maybahay.
---Umamin ka na please! Joke. Medyo malanding ud, everyone!😂
BINABASA MO ANG
Dozens Of Feelings
RandomA collection of poems (mostly free verse), proses, or anything that comes to my mind and is translated into a group of words. ALL ARE MY WRITINGS po. •-•