DOF #17| Tulay

0 0 0
                                    

"Tulay"

Lagi nalang,
Ako'y hanggang sulyap na lamang
Habang siya'y aking ginagabayan
Upang makarating sa iyong kanlungan

Unti-unti nang rumurupok
Ang aking katawan, ang aking kaibuturan
Habang ang inyong mga ngiti'y pinagmamasdan
Wari aking puso'y maka-ilang tinutupok

Nakikitawa sa inyong dalawa
Habang bawat bahagi ko'y unti-unting nalalanta
Na parang bulaklak na pinitas sa halamanan—
Ngunit agad rin namang binitawan

Ayoko na. Ako na ang kusang titiwalag
'Pagkat 'di ko na kayang manatiling matatag
Ayoko ng maging daan, maging tulay.
Sa inyong pag-iibigang nagdulot sa akin ng karimlang walang humpay.

———

2019 self to my 2017 self: look how corny and broken you are, ba't 'di ka pa naging popcorn? hahaha

Dozens Of FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon