[Free Verse]
"Pinatamis na Katotohanan"
Harapin na natin ang katotohanan
Hindi ko maibibigay sa iyo ang mga bituin sa kalangitan
O ang mundo, o maging ang kalawakan
Ang tanging maiaalay ko lamang sa'yo na may kasiguraduhan
Ay tatlong bagay na tiyak, at pangmatagalan;Una, ang ngiti ko na tanging sa'yo lang laan
Magsisilbing tanglaw kung sakaling dumilim ang 'yong daan
Magiging kasing liwanag ng mga bituing 'yong inaasam
Dahil ang mga ngiti kong ito'y sa'yo, at tanging sa'yo lamangIkalawa, ay ang aking katapatan
Sa ibang lalake ay 'di na mahuhumaling
Sapagkat aking mga mata'y sa'yo lamang ibabaling
Kahit pa ito'y lagyan ng piring
Ang aking makikita'y ikaw at ikaw parin—
Dahil gaya ng mundo, ang aking katapatan ay buo
Hindi kailan man magigiba ng lindol o bagyo
At lalong hinding-hindi matitinag ng kahit na sinoI bhkatlo ay ang aking pag-ibig, ginoo.
'Sing liwanag ng buwan,
'Sing lawak ng kalawakan,
At 'sing lalim ng karagatan—
Tanging makakasisid ay nag-iisang ikaw lamang.Ginoo, kung aakalain mong ito'y pantasya lamang,
Ika'y nagkakamali dahil
Ang mga nabanggit ay pawang katotohanan,
Walang bahid ng kasinungalingan.
Gumamit lamang ng metapora at matatalinghagang salita
Upang mailarawan ang pag-ibig na
Kailan ma'y ikaw at ikaw lang
ang pag-aalayan.——
saw this at my drafts, this was written 2 yrs ago and i was like— cringgggee >•<
napaka-mais ko naman yata kung umibig :\
BINABASA MO ANG
Dozens Of Feelings
RandomA collection of poems (mostly free verse), proses, or anything that comes to my mind and is translated into a group of words. ALL ARE MY WRITINGS po. •-•