DOF #5|| Nangangamba

1 0 0
                                    

♥♥♥
"Nangangamba"
♥♥♥

Katanungan ng iila'y bibigyang kasagutan
Bakit nga ba pag-ibig ay kinakatakutan
Imbis na subukan,
Ay s'yang tinatalikuran.
Bakit nga ba?
Dahil ba sa kapit-bahay na naghiwalay?
Dahil ang asawa'y ibang katawan na ang nilalakbay?
O baka dahil sa kaibigan
Na may matipunong kasintahan
Ngunit ngayo'y matipuno na rin ang inaasam?
O 'di kaya'y dahil sa kaklase?
Na tapat sa nag-iisang lalake Ngunit ngayo'y iniwan na sa ere?
Ah! Alam ko na.
Siguro'y dahil kay papa,
Na 'di nakuntento at naghanap ng iba
At iniwan kami ni mamang nangangapa
Dahil ba sa kanila?
Dahil ba sa mga tao sa paligid ko kaya ako nangangamba?
Oo—Siguro—O baka, hindi. Hindi. Tama, ako'y nagkamali Sapagkat;
Sa pag-ibig ay takot sumubok
Dahil nangangambang matupok
Sa mainit na apoy
Ng pag-ibig
Ayaw managhoy
Kung sakaling biglang manlamig
Ang dating mainit—
Biglang kukulimlim.
Ang dating matingkad—
Biglang mandidilim. Nangangambang biglang
magbago ang lahat.
Nangangambang ika'y 'di magiging tapat.
Nangangambang ako sayo'y 'di magiging sapat.
Nangangambang bumuo ng mga masasayang alaalang
Kalaunan ay magiging anino nalang ng masayang nakaraan.
Nangangamba sa mga bagay na walang kasiguraduhan.
Mga bagay na panandalian lamang.
At nangangambang sa huli; Maiwan na namang luhaan, at sugatan;
Ang pusong sawa ng masaktan.

Dozens Of FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon