Chapter 9:break up
Janice Pov's:
We are almost 2 years and 4 months masyado na siyang cold dahil collage na kami ang course niya ay business management ako naman ay accountantcy
Minsan nalang kami magkita oo magkatabi lang kami ng bahay pero di ko na siya masyadong nakikita kaklase niya si Zeus at Red sabi naman nila dahil lang daw sa course kaya ganun si James pero nagaalala ako sa kanya tinatawagan ko siya di niya sinasagot tinetext walang reply sa Chat naman di man lang niya Ma seen....masyado na nga siyang cold sa relationship namin di niya ako mabigyan ng Time kahit tuwing saturday lang nakakalimutan niya na yung monthsary namin kung hindi ko pa ipaalala di niya maalala wala na yung James na mapangtrip na sweet
Calling:Zeus
Zeus bakit?-me
Magkita daw kayo ni James sa café mamayang 6pm-Zeus
Bakit ikaw nagsasabi niyan dapat siya diba-me
Oo alam ko Janice di ko alam kay James ehh sige-Zeus
***end***
Tinignan ko ang oras 3:40pm na pala kaya nagayos na ko lumabas ako saglit para tignan kung nandyan si James pero wala wala yung kotse niya
Tinignan ko ulit yung oras its 5:30pm kaya umalis na ko at pumunta na ng café
Pagdating ko ng café nandun si James naghihintay kaya pumasok na ko pumunta kung nasaan siya nakaupo
"Kanina ka pa ba?"tanong ko sa kanya
"Kararating ko lang din upo ka"sabi niya parang ordinaryong tao nalang ako sa kanya kahit girlfriend niya ko
"Bakit gusto mong makipagkita?"tanong ko sa kanya
"Janice break na tayo"sabi niya walang emosyon ang mukha niya
"Nangtritrip ka na naman ehh"biro kong sabi kahit sa loob ko gusto ko ng umiyak
"Totoo Yun Janice break na tayo"sabi niya"ayokong nakikita kang nahihirapan dahil sa pagiging cold ko sayo kaya ngayon bibigyan kita ng Space at Yun break na tayo"
Kaya bigla bigla nalang tumulo ang luha ko
"Matapos lahat James almost 2 years na tayo James tapos yung mga sinabi mo na mahal na mahal mo ko yung pupunta tayo kahit saan basta kasama mo ko tapos yung pangako mo na kahit ano o sinong sumira satin walang bibitaw James nasan na yung mga salitang Yun wala na ba Yun ano nauntog ka at nawala Yun"sabi ko at yumuko habang umiiyak
"I'm sorry Janice di ko narin kaya siguro yung pangako ko na Yun nawala na Janice sorry"sabi niya alam ko umiiyak siya kahit nakayuko ako
"Sorry?James naman please wag mo kong iwan"sabi ko
"I'm sorry"sabi niya tumayo siya at aalis na sana siya nang hinawakan ko ang kamay niya at alam ko ito na ang huling pagkakataon
"Akala ko ikaw na ang mapapangasawa ko hindi na pala"sabi ko
"Janice sorry talaga"sabi niya sabay tanggal ng kamay ko sa pagkakahawak sa kamay niya kaya hindi ko mapigilang umiyak ng umiyak di ko akalain na aabot kami sa ganitong pangyayari
Nasa bahay lang ako nakakulong lang sa kwarto hindi kumakain hindi makatulog pati si mommy inaalala ako kung ano daw yung nangyayari sakin hindi na ko makapasok ng School di ko na alam ang mangyayari ngayon na wala na kami ni James.....
Dumalaw sakin sila Samantha,Myka,Zeus at Red kinumusta ako
"Di ko alam na mangyayari sa inyo to maski ako walang ideya"sabi ni Red
"Sabi sakin ni James nu'ng araw na Yun na makikipaghiwalay na daw siya sayo sabi ko naman bakit dahil daw nakikita ka daw niyang nahihirapan sa situation niyong dalawa maski siya di na niya kaya todo siya sa pag aaral para makatapos para daw may future daw kayo"mahabang sabi ni Zeus"pag nakapagtapos na daw kayo hahanapin ka daw niya para makipag balikan Janice mahal na mahal ka ni James"
"Eh kung Yun lang ba't kailangan niya pa ko hiwalayan"sigaw ko
"Di ko rin alam"sabi ni Zeus kaya napaiyak ako pinapatahan ako ni Sam at Myka
"Hayaan mo Janice pwede mo siyang kalimutan o di kaya maghintay ka"sabi sakin ni Sam
Habang pinapatahan nila ako ay nakatulog ako....
James Pov's:
I'm really sorry Janice na hiniwalayan kita pangako magiging tayo ulit tatapusin ko lang tong collage at magiging tayo ulit
BINABASA MO ANG
Ms.Mapangasar meets Mr.mapangtrip
Genç KurguMapangtrip na pikon pero sweet Mapangasar na masungit pero mapagmahal