Ang Bata at ang Rosas

122 7 5
                                    

Ang Bata at ang Rosas

Nakadungaw siya sa bintana. Nakatanaw sa mga matitingkad na bulaklak ng rosas sa kanilang hardin. Napakasarap sa pakiramdam na pagmasdan ang pagkislap ng bawat talulot niyon habang natatamaan ng sikat ng araw.

“Mama?” tawag sa kanya ng isang batang lalaki. Binuhat siya ng ina upang magisnan din nito ang tanawin sa bakuran. “Anak, ang ganda ng mga rosas, hindi ba?”

Tumango ito. “Ikaw po ba ang nagtanim niyan, Mama?”

“Oo. Paborito ko kasi ang mga bulaklak na iyan. Bata pa lang si Mama, mahilig na siya magtanim ng rosas.”

“Hindi po ba kayo natatakot?”

Nagtaka ang ina sa biglang naitanong ng bata. “Matatakot saan?”

“Sa mga tinik. Di ba po nakakasugat iyong mga roses tapos may lalabas na blood sa fingers?”

“Oo, nakakasugat nga iyon.”

“Hindi po ba kayo natatakot?”,tanong ulit nito.

“Hindi naman.”

“Eh, di masusugatan po kayo?”

“Ang mahalaga naman, anak, makuha mo ‘yong roses eh. Kapag nahawakan at naamoy mo na ‘yong bulaklak, mawawala na iyong sakit na nararamdaman mo. Lahat ‘yon mapapalitan ng kaligayahan. Basta, para hindi ka masaktan, mag-ingat ka lang sa pagkuha. Isa pa, anak, kung nagagandahan ka talaga sa mga roses, hindi mo siya basta-basta pipitasin. Hindi mo siya hahayaang masaktan.”

Immortal Words:Flash FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon