Mga Basurang Larawan

150 6 5
                                    

Mga Basurang Larawan

Isinabog ko sa pagmumukha mo ang pinagpira-piraso kong larawan. Gulat na gulat ka pa nga na ‘di mo akalaing mahuhuli kita sa ganoong sitwasyon; kasama ang querida mo. Kumalat ang mga papel at nasentro ang iyong mga titig doon. Ngayon isa na lamang iyong basura, gaya ng pagbabasura mo sa akin. Tanging malinaw na imaheng naiwan roon ay ang magkahawak nating kamay na pinaghiwalay pa ng pagkapunit. “Bakit?”

Nagpuyos ako sa galit matapos ko ‘yong marinig mula sa’yo. Gustong-gusto kitang sigawan pero nangingibabaw sa akin ang mga luhang kanina pa bumagsak. Hindi mo ba talaga naririnig ang sarili mo? Nakalimutan mo na ba talaga ang ipinangako mo sa likod ng larawang iyon? Ganyan ka na ba talaga kamanhid at katanga para tanungin mo pa ako ng ‘bakit’?

Sige nga, bakit?

Immortal Words:Flash FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon