Inggit

108 7 7
                                    

INGGIT

Inggit.

Iyon ang nangingibabaw sa akin sa tuwing nakikita ko kung gaano ka napapangiti  sa mga biro niya. Mga birong sagad sa buto at kalamnan sa taglay na kapangitan at kakornihan. Ni hindi ko nga alam kung paano  mo iyon natitiis. Sabagay—

You're  really unfair.

Halos halukayin ko na ang kasuluk-sulukan ng utak ko para hanapin ang pinakamagandang biro para patawanin ka pero wala pa ring silbi.  Dahil sa tuwing magkasama tayo'y puro luha lang ang ibinubuhos mo sa balikat ko.

Talking about the reasons why you can't leave him kahit na nasasakal ka na sa kanya.

Wala naman akong magawa kundi damayan ka lang. Hindi ko naman masabi sa'yong:

Bakit kasi siya pa?

Puwede naman ako di ba?

Ako na BESTFRIEND mo?

Immortal Words:Flash FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon