Ch.3

11 0 0
                                    

Sa kapipilit ni Whit ay sumama nalang ako dito. Boring din naman sa bahay lahat sila wala ako lang ang maiiwan.

"Dapat nagdress ka Robine tignan mo yung mga babae mga nakadress ikaw tignan mo nakajeans" Cody

"Bakit mas marunong ka pa sa akin? Eh alam mo naman na mas komportable ako dito." sabi ko sa kanya

"Okay sige dyan ka masaya eh" Cody tas umalis na sya.

"May LQ kayo?" Si Kylie Pala

"Q lang walang L. Ewan ko dun kanina pa ako pinagkukumpara sa mga baabe. Bwisit na bwisit na ako sa kanya"

"Ah ganun. Nakakainis nga yun. pero naamin mo na ba sa kanya yung feelings mo?" Kylie

"Hindi pa nga eh--"

"WHAT? Ang tagal kong nawala hindi ka pa din umaamin. Grabe ka. Martyr martyran ang peg. Na kunwari masaya kapag nagkwekwento siya tungkol kay Lexi pero sa loob sobrabg nasasaktan. Grabe palakpakan tayo jan friend. Ikaw na ang Best Martyr in Town." Kylie

"OA mo.Minsan nga naiisip ko bakit ko pa sya minahal eh alam ko naman maraming lalaking anjan na ako yung mahal."

"Like Lucas a.k.a Luke. Alam mo friend mas bet ko pa kaya si Luke kaysa kay Cody. Mas pogi mas gentleman at mas mabait. at higit sa lahat mahal ka niya. Ewan ko nga ba sayo bakit hindi siya yung pinili mo? Eh sabagay di mo naman kayang kontrolin yung puso mo para magmahal ng iba" Kylie

"Haaayyy Mas magkakasakit pa ako dito sana talaga hindi na ako sumama eh"

"Friend speaking of Luke papunta siya sa atin.' Kylie tas tinignan ko naman. Yeah palapit nga siya sa amin. Mas gwumapo sya ngayon kesa dati. Bakit ganun habang tumatanda sya lalo syang gumagwapo. at bumabata ang mukha.

"Hi Kylie, Hi Robine:)" Luke

"Hi Luke:)" sabay pa kami ni Kylie. tas umupo na sya tumabi siya sakin. Grabe medyo pinagpapawisan ako ang hot nung katabi ko. OMY **0**

"Kamusta na kayo? Its been a long time na hindi tayo nagsama sama" Luke

Tama sya matagal tagal na rin na wala kaming bondimg. Mga busy kasi sa pag aaral. Tsaka mag kakakiba rin kasi kami ng mga universities na pinasukan eh.

"Okay naman" Kylie.

"Ikaw Robine musta ka na? May boyfriend.ka na ba?" Luke

"Ganun agad dapat itanung?" sabi ko sa kanya

"Hehe Sensya na, curious lang ako kung may pag asa pa ba ako?" Luke

"Ah-eh wala pa naman akong boyfriend."

"So pwede ba akong maging boyfriend mo?" Luke tas lumapit yung mukha niya sa akin grabe pinagpapawisan na ako sa kanya kahit airconditioned yung lugar.

"Ay naku"!, na o-OP na ako sa inyo. Maiwan ko muna kayo. Baka nakakagambala ako sa sweetums niyo eh" Kylie bakit mo ako iniwan sa hot na ito

"Masyado kang mabilis kaya lang masyado akong mabagal kaya baka hindi tayo alam mo na" Ayoko syang diretsuhin

"Kaya ko naman mag intay sayo eh. Kaya. ko rin maging mabagal para sayo." Luke

"Ga-ganun" sobra akong natetense kay Luke. Napainom na ako nung hawak kong fruit shake hindi ko na inistraw.

Ano ba ito? Hindi naman ako ganito sa kanya dati eh. Bakit kaya? Dahil mas hot sya? O dahil ba gusto ko nalang ilaan sa kanya yung atensyon ko dahil wala naman si Cody? Ano ba yan ang landi landi ko -..-

Maya maya biglang lumapit yung mukha niya kaya naman napapaurong ako. Pero sya tuloy tuloy parin. Hanggan sa napahiga na ako sa inuupuan namin. Para niya akong hahalikan. Maya maya ay napapikit nalang ako. Pero hindi niya ginawa yung akala ko imbes ay pinunasan lang yung gilid ng bibig ko.

"Hahahahahah Akala mo siguro hahalikan kita no? Pinunasan ko lang yang bibig mo may katas pa nang fruit shake:" tas pinipigilan niya yung tawa niya eh tumawa n sya bago pa siya. magsalita

"Bakit di mo sinabi agad sa akin? Nakakainis ka. Kinabahan ako sayo"tas hinampas ko sya. Tinulungan naman niya akong tumayo.

"Hindi ko naman kasi gagawin yun. Unless nalang sinabi mo *3*" Luke tas ngumuso pa sya kaya naman pinitik ko yung labi niya

"Nguso ka pa tss Hahahaha Masakit no?"

"Baka masira itong kissable lips ko sa ginawa mo" Liuke

"Hahahaha Para kang bata"

"Ganyan dapat smile. Nawawala yung ganda mo kapag hindi ka nakasmile eh. Alam mo bang jan mo ako nakuha yung napaka angelic smile na yan" Luke

"Ewan ko sayo"

"Uyy kinikilig" tapos tinutusok niya yung tagiliran ko tas sinasaway ko sya.

"Ayan yung ayaw pumunta dito ah? Grabe.yung ngiti hanggang langit" biglang sumulpot si Cody dito

Anong problema niya? Bayan panira moment tsss

Temporary BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon