Ch.7

11 0 0
                                    

Kahit may next subject pa ako ay hindi na ako pumasok at umuwe nalang. Wala akong lakas ngayon. Gusto ko munang itulog lahat nang sakit na nararamdaman ko. Kahit saglit lang makalimot ako.

"Oh Robine ang aga mu ata ngayon? Diba mamaya pang 6 uwe mo?" Tanong sa akin ni Sly pero hindi ko sya pinansin at dirediretso lang ako.

"Robine enge akong chocolates mo ah?" Mike pero hindi pa rin ako sumagot at nilagpasan lang sya.

Pag akyat ko ay nakasalubong ko si Whit na kakalabas lang galing sa kwarto ko.

"Nasira kasi yung charger ng Iphone ko kaya hiniram ko muna." tumango lang ako at pumasok na ko sa kwarto ko. Naramdaman ko na sumunod si Whit sa akin

"Robine may sakit ka ba? Bakit ang tamlay tamlay mo" Whit

"Wala pagod lang ako. Iwan mo muna ako. Gusto kong mapag isa" sabi ko sa kanya pero nilapitan pa rin niya ako.

"Rob, may mali sayo eh. May problema ka ba? Nag away ba kayo ni Cody?" Whit

"Whitney please magpapahinga muna ako. Please iwan mo muna ako" naiiyak na naman ako.

"But--"

"Whit pabayaan mo muna si Robine. Pagpahingahin mo muna. Wag mo na syang kulitin" Si Sly pala.

"Rob kung gusto mo nang kausap andito lang ako ah?" Whit at tuluyan na silang lumabas ng kwarto ko.

Pasensya na pati kayo nadadamay. Sorry talaga. T______T

Ano bayan? Bakit hindi ko magawang matulog? Bakit sa tuwing ipipikit ko yung mga mata ko sya parin ang nakikita?Please kahit isang oras lang kakalimutan ko muna si Cody. Utak ko!! Makipagparticipate ka naman!!

tok.tok.tok

Bigang nagbukas yung pinto ng kwarto ko. Si Kylie pala. Nilapitan niya ako agad.

"Kylieeeeee" tas niyakap ko sya. Ito na naman sobrang naghahagulgol na naman ako sa pag iyak.

"A-Anong nangyare friend?" Kylie

Kaya naman kwinento ko yung pangyayare nang pag uusap at paglalahad ko mg tunay na damdamin kay Cody at paano rin niya sinabi kung ano lang ako sa kanya.

"Mahilig tayong magtago ng nararamdaman lalo na kung alam nating bawal o di pwede pero may mga bagay isantabi langminsan kasi pagnagmahal ka kahit walang pag asa di maiiwasang mahalin mo ng sobra. Haaayyy" nalulungkot talaga ako sa sinapit ko.

"Hirap yung maging multo sa taong mahal mo. Your always there pero di nya feel presence mo. Nagpaparamdam ka na pero baliwala ganun talaga lalo na kung yung taong mahal mo walang third eye sa puso niya." Kylie

Tama si Kylie kahit anong gawin ko hindi ako minahal ni Cody gaya nangpagmamahal niya kay Lexi.

"Bakit masakit yung katotohanan na misan kahit gaano ka pa kasweet kalambing kaclose kabait kakulit ka sa isang tao hindi ka pa din nya kayang mahalin? Lagi naman akong andyan para sa kanya. Matagal na kaming magkakilala pero hindi pa rin nya ako kayan mahalin"

"Simple lang dahil di mo matanggap na kahit gaano ka pa kahalaga sa kanya bumabalik pa rin sa katotohanan na iba pa rin talaga ang mahal sa mahalaga. Rob, sinabi rin naman niya sayo na mahalaga sa kanya. Minsan kailangan din nating tanggapin na hindi lahat nang bagay ay makukuha natin. Hindi lahat ng gusto natin papasaatin at hindi lahat ng mahal natin ay mamahalin rin tayo gaya ng pagmamahal natin sa kanila. Kung kayo talaga para sa isa't isa suguro hindi pa ito yung panahon para sa inyong dalawa. May mga bagay kasu na sa huli lang natin ito nakukuha. Yung tipong kung kelan mo na isusuko mapapasayo na. Mapantrip kasi si Destiny eh" Kylie

"Biglang banat ka naman ng ganyan tsss-___-"

"Seriously, pwede rin kayang mangyare yun. Gaya nung mga napapanuod kong Romantic Movie gaya ng The Notebook at Dear John nung una maraming sagabal sa pagmamahalan nila pero bago matapos ang movie sa huli ay pinagtatagpo pa rin sila ni Destiny." Kylie

"Kaya nga movie eh, di totoo yun' sabi ko sa kanya. Ayan na naman sya sa ka addikan niya sa mga romantic movies

"Hey Rob, yung The Vow totoo yun true to life. Kahit nawala ang alaala ng babae dun sa asawa niya sa huli naramdaman pa rin niya yung pagmamahal niya sa asawa niya." Kylie

"And what's your point?"

"My point is wag mong masyadong saktan yang sarili mo. Dahil hindi ka niya mahal ngayon malay mo bukas o maybe someday mamahalin ka rin niya. Ipagpatuloy mo pa rin ang buhay mo kahit wala kang pag asa sa kanya. Kasi minsan kapag hindi natin pinapansin dun yan dadating. Libangin mo muna ang sarili mo sa ibang bagay. Diba gagraduate ka na next week. Focus ka muna sa studies mo then make some new hobby na mapaglilibangan mo. Entertain some guys that courting you. Like Luke masugid na manliligaw mo yun." Kylie

Ito na naman sya kay Luke. Mas bet nya kasi yun kesa kay Cody eh. Kasi atleast sya mahal niya ako. Pero si Cody wala.

"Im not going to use Luke to be a rebound. I will not abuse his kindness"

"But Rob, that's not what I mean. I want to say is give Luke some chance to prove his love for you. Tapos mo nang maprove kay Cody na mahal mo sya. Hayaan mo naman yung tao na maipakita yung pag ibig niya sayo. Ayaw mo mang abusuhin yung kabaitan niya yung damdamin naman niya yung naabuso. Dahil tapat sya sayo mahal ka nya at handa nyang gawin ang para sayo. Tandaan mo mas madaling mainlove sa lalaking ikaw ang mahal. Atleast kahit yun lang mabigay mo sa kanya kesa naman wala tas umaasa sya sayo." Kylie

May point din si Kylie. Napakabait ni Luke dahil kahit ang tagal tagal na ring nanliligaw si Luke sa akin.

"Pero magiging rebound pa rin ang makakalabasan nun eh."

"Gaga ka talaga para namang naging kayo ni Cody. Tandaan mo walang kayo Robine. Kaya walang rebound. Bibigyan mo lang nanh chance ang isang tao. Kausapin mo sya tas kung sa palagay nya ay rebound sya at hindi niya ito tanggapin wag mo na itong ituloy. Walang mangyayare sayo kung patuloy ka lang umaasa kay Cody. Tama na muna yang Cody-cody na yan. Look for Luke naman" Kylie

Pag iisipan ko muna lahat bago ko kakausapin si Luke. Kailangan na malinaw muna sa akin lahat. Pero siguro hindi rin naman masama na magkaroon nang chance si Luke. Kung hindi niya ako mahal edi sana matagal na syang may karelasyon at hindi sya maghihintay nang ganito katagal. Luke is a good man.Siguro naman hindi ako magsisisi kung bibigyan ko sya nang chance diba?.

I think I have to make a decision without doubt.

+**-*-

Temporary BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon