Ch.9

9 0 0
                                    

Ch.9

Tinawagan ko si Robine para sabihin na magkita kami dito para mag usap. Hindi ko naman matatakasan ang problema kahit anong layo ko eh. Kaya haharapin ko nalang ito. Ano pa man ang maging resulta sa amin ni Robine

Mga kalahating oras na rin akong naghihintay kay Robine. Sinubukan kong tawagan siya pero hindi sya sumasagot. Pagkababa ko nang cellphone ko ay nakita ko nang papunta dito si Robine

"Kanina ka pa ba dito?" tanong niya

"Mga 30 minutes na." medyo di ko pa sya kayang kausapin. May part sa akin na ayaw ko syang makita

"Sorry may klase ka pa kasi kami. Ano bang meron? Bakit mo ako gustong kausapin?" pagpapaliwanag niya

"Once na itanong ko sa iyo ito wag ka nang magsinungaling. Totoo bang mahal mo ako?" Diretshang tanong ko kay Robine. Sobrang seryoso ko habang sinasabi ito sa kanya

"Ano ba yang pinagsasabi mo Cody? Diba tapos na tayo dyan. Lasing lang talaga ako" Pag dedeny niya. Gusto ko nalang maniwala pero hindi ko kaya eh.

"Rob kaibigan kita kaya ayoko nang masaktan ka pa. Kaya aminin mo na. Matagal ko nang gustong tanungin sayo yun. Kasi ikaw lang ang nahihirapan nito sa huli." Sabi ko sa kanya

Ayoko ko lang ma masaktan sya at magdusa sya dahil sa pagmamahal niya sa akin.

"Ano ba Robine? For once naman maging totoo ka sa sarili mo at sa akin hindi yung pinagmumukha mo akong tanga pati yang sarili mo"tuloy tuloy kong sabi sa kanya

"OO NA!! Mahal na kita. Dati pa mahal na mahal kita pero mahal mo si Lexi kahit masakit pinagpatuloy ko ito. Hindi ko mapigilan yung puso ko na hindi ka mahalin. Lagi kang anjan para sa akin. Kahit kailan hindi mo ako iniwan. Kung gaano ako katanga para mahalin ka ganun ka naman kamanhid para hindi mo mapansin yung isang tulad mo." Natahimik ako sa mga sinabi niya. Hindi ko alam na malalim na pala ang pagtingin niya sa akin. Nsasaktan ako ngayon dahil nakikita ko yung bestfriend ko na umiiyak nang dahil sa akin.

"P-Pero Rob magkaibigan tayo at isa pa mahal ko si Lexi" Cody

"Alam ko yun alam na alam ko yun Cody. Nung high school lang natin sya nakilala pero nagustuhan mo sya agad. Ako ito kahit mga bata palang tayo mahal na kita. Hinihintay ko na maramdaman mo kung ano ko para sayo. Mahirap umasa pero handa ako. Di dahil sa matatag ako kundi dahil kahit anong gawin ko kaw talaga mahal ko kahit sabihin pang hindi ako para sayo." Robine

Hindi ko alam kung bakit ako pa ang napili niyang mahalin? Marami namang lalaki na andyan para sa kanya pero bakit ako pa? Edi sana hindi na sya nasasaktan at ayokong mangyare sa kanya yun. Kaya dapat ko nang tapusin ito.

"Masasaktan ka lang Rob. Marami namang mas deserving sayo kesa sa akin. Bakit ako? Alam mo namang Magkaibigan tayo Rob. Kaibigan lang ang turing ko sayo at hanggang dun nalang yun. Kung ipagpapatuloy mo lang ito para mo na ring pinapatay ang sarili mo at sinisira yung pagkakaibigan natin. Ayun nalang ang meron tayo Rob baka mawala pa. Mahalaga ka sa akin Rob. at Magkaiba yung mahal sa mahalaga." tas tumayo na ako. Sana sa sinabi ko pigilan na niya ang sarili niya na mhalin ako

"Akala mo ba madali para sakin to? Hindi no? Kung anong pigil ko mas lalo pa kitang minamahal kita. Hindi ko nga alam kung saan pa ako kukuha nang lakas para pakinggan lahat ng mga magagandang sinasabi mo kay Lexi. Kung gaano mo sya kamahal. Ang hirap hirap Cody pero naumpisahan ko na ito kaya ang hirap nang itigil pa. Kung sa tingin mo sa ganito lang masisira ang pagkakaibigan natin nagkakamali ka dahil nasa iyo naman iyon kung ipagpapatuloy mo itong pagkakaibigan na ito o hindi eh. Kasi kahit mahal kita pinahahalagahan ko rin yung pagkakaibigan natin. Isa pa mas gugustuhin ko pang mamatay nang may ipinaglalaban kesa naman ganito na nabubuhay na parang multo sayo" Hindi ko sya kayang tignan na nagkakaganito sya. Mabuti pa kung sa ibang lalaki siya nagkakaganito nadadamayan ko pa sya pero ako yung rason. Ang hirap nito. Hindi ko alam kung anong pagkocomfort ang gagawin ko.

"Kung iyan ang ikakasaya mo bahala ka." mariing sabi ko

"Ganyan ka naman lagi. Ganyan lagi mo sinasabi kaya patuloy akong umaasa" Pagkasabi niyang yun ay umalis na ako. Hindi ko na kayang makitang syang ganun. Naawa ako para sa kanya.

Lumipas ang ilang araw nag text sa akin si Whit na pumunta daw ako sa Graduation after party nila Robine. Andun lahat nang mga kaibigan ko. Napag isipan ko na pumunta nalang para maicongrats si Robine. Namimiss ko na rin yung babaeng yun. Alam ko naman na hindi kami okay pero magbestfriend pa rin kami kaya dapat lang na andun ako.

Ngayon ay andito na ako sa party hinahanap ang mga kaibigan ko.

"Huy!!" nagulat naman ako si Kylie naman pala.

"Ginulat mo naman ako" sabi ko sa kanya

"Buti pumunta ka? Akala namin kinalimutan mo na kami. Lagi ka nalang di pumupunta sa mga gathering eh. Porket nag tatrabaho ka na kila Lexi kinalimutan mo na kami" Pagdadrama ni Kylie.

"Drama mo talaga. Asan na ba sila?" tanong ko sa kanya

"Ah andun sila oh. Halika punta tayo dun" Kylie

Pagpunta namin ay andun nga sila Whit, Sly, Mike, Luke, Tiffy & Timmy (Twin) and Vaness

"Oh Cody long time no see" Timmy

tas umakbay siya sa akin

"Anong balita sa most torpe in earth? Ano naligawan mo na ba?" Timmy

"We're now dating:)"

"Ooowwwwww" Vaness and Timmy

"It means, this is gonna be best girlfriend best friend.:)" Vaness

"What are you talking about?" bakit bestfriend?

"Sabi mo nag dedate na kayo ni Robine" Timmy

"Hindi si Robine, si Lexi" sabi ko sa kanila

"Ohh, I thought--Nice to know that" Timmy

"Ehem ehem, Students, Professor, Visitors can I have your attention please." biglang nagsalita yung emcee

"We will have an intermission number. She will sing a song for us. She's a top student here in our university. A good role model and most especially very kind and respectful. May I introduce to you Ms. Robine Leona Montemayor" Emcee

clap.clap.clap.clap.clap.

Kumakanta pala si Robine bakit hindi ko iyon alam? Kapag niyaya ko syang kumanta lagi niyang sinasabi na panget ang boses niya tas ngayon nasa stage sa at kakanta. Panoorin nga natin.

-*-

A/N : May binabalak po akong changung of book cover Gusto ko po nang makaroon nang cast ito. Pwedeng pasuggest ng mga cast? Comment nyo lang po.

Temporary BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon