Ch.17

3 0 0
                                    

Ch.17

Cody's POV

Ngayon nasa sa isang bar ako kasama si Lexi at mga kaibigan Niya. Close na kami ngayon ni Lexi pero hindi ko pa din sure any estado naming dalawa.

Minsan napaka protective Niya kapag may lumalapit sakin na mga girls. Naglalambing at minsan naman ay napakasungit niya sakin.

"Hey bakit nandito ka? andun sila sa loob. Masyado ka naman nagsesenti dito." Si Krissa twin sister ni Kylie mas pagirl kasi itong si Krissa kaysa Kay Kylie

"Wala naman masyado lang kasing maingay sa loob eh" sagot ko naman sa kanya

.

"Ah ganun pero Mabuti natitiis mo ugali ni Lexi?" Krissa

.
"Ikaw nga natitiis mo siya ako pa kaya."

"Well, well, well ako lang ata ang may kaya Kay Lexi. Di siya umuubra sa akin. Pero seriously ang tibay mo nagtatagal ka. Akala ko si Adam lang magtatagal sa ugali ni Lexi " Krissa

"Sinong Adam?" tanong ko sa kanya

"Di mo siya kilala?"Krissa umiling nalang ako.

"Siya lang naman ang karibal mo kay Lexi. Ilang taon nang nanliligaw si Adam kay Lexi. Di yun tumigil sa pangliligaw niya kay Lexi. Ewan ko ba kung anong trip nung babaeng iyon at hanggang ngayon hindi parin niya sinasagot si Adam" Krissa

"Baka ako ang iniintay:)" sabi ko naman

"Wow ah? Lakas mo din. Pero mas bet ko pa din si Robine sayo. Mas bagay sya sayo at parehas nating alam na ikaw ang mahal niya. Mahal mo na nga sya matagal na. Wag na si Lexi dahil wala naman yung sinerseryoso kung hindi ang sarili niya." Krissa

"Bakit naman nasali si Robine sa usapan? Tsaka hayaan na natin si Robine. For sure naman hindi siya papabayaan ni Luke. Masasaktan lang sya sa akin. Mahal ko naman talaga si Robine bilang bestfriend at mahal na mahal ko si Lexi. Kahit ano pang sabihin niyo tungkol sa kanya di magbabago ang nararamdaman ko para kay Lexi" seryosong sabi ko kay Krissa.

"Haaayyy bahala ka basta binalaan na kita. Sa ating dalawa mas kilala ko si Lexi kaysa sayo. Kaya ihanda mo na yang sarili mo sa mga susunod na mangyayari." Krissa at bumalik na sya sa loob.

Kinabukasan , ay day-off ko pupunta ako kila Robine dahil tinawagan ako ni Tita Roanne kagabi after nang pag uusap namin ni Krissa

Haaaayyy strange feeling kinakabahan akong pumunta sa kanila. Di naman ako ganito dati haayyy Everything has changed.

Nang makarating ako ay sinalubong na ako ni Tita Roanne.

"Cody:), buti naman at nakapunta ka." Tita Roanne

"Syempre po malakas po kayo sa akin eh. " sabi ko naman

"Sige pasok na tayo" Tita Roanne.

Pagpasok ko ay andito din ang parents nila Sly at si luke katabi si Robine.

Yun nagsalo salo kami sa pagkain na handa nila Tita Roanne. Last day na pala nila Tita dito at babalik na pala sila sa Tokyo

Ngayon andito ako sa may bakuran nila. Lumabas muna ako para magpahangin nang bigla nalang may yumakap mula sa likuran ko.

"Ha-hi Cody-go I miss you" automatikong napangiti ako. Alam na alam ko kung sino itong yumayakap sa akin. Kaya naman hinarap ko sya.

"Mabuti naman pinansin mo din ako :) sobrang namimiss na din kita Robine-syana kung alam mo lang." Tas niyakap ko ulit sya.

"Sorry ah?" Robine

"Ssshh kalimutan na natin yun. Ang mahalaga magkaayos na tayo."

"Pero sorry talaga sa mga ginawa ko mabuti nalang andito si Luke" tas biglang lumapit si Luke sa amin

"Siya ang nagturo at nagparealize nang lahat sa akin. Kung ipipilit ko pa itong nararamdaman ko para sayo parehas lang tayong masasaktan at mawawala ka pa sa akin pati na yung pagkakaibigan natin. Naging masaya naman akong naging bestfriend kita. Sapat na dapat sa akin yun. Wag na akong maghangad nang mas mataas pa dun. Gaya nga nang sinabi ni Luke hindi lahat nang gusto ko makukuha ko. Napakathankful talaga ako dahil hindi sya sumuko sa akin." Robine

"Ganyan kasi kita kalove:)" Luke

"Bolero hmp" Robine

Strange bakit ganito nararamdaman ko? Di ko nagugustuhan ang mga nakikita ko. Yung mga sinabi niya kanina iba iba ang nararamdaman ko. Natutuwa ako na hindi haaayyyss ano ba ito? Nalilito ako =___=

Temporary BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon