Ch.18

3 0 0
                                    

Ch.18

Ang mga nakaraang nangyari

.

Robine's POV

Pagkatapos nang pag uusap namin ni Luke ay tinawagan ko sya pagdating ko sa bahay pero hindi niya ako sinasagot. Ilang araw na rin syang hindi nagpaparamdam

"Haaaayy nasan na kaya sya? Ilang araw na akong walang balita sa kanya. Di man lang sya magparamdam. Sobra na kong nag aalala sa kanya"

"Alam mo Robine baka nag papalamig lang yun. Nagpapalipas nang sama nang loob. Syempre nasaktan sya. Alam mo naman yung feeling na di ka piliin nang mahal mo diba? Masakit para sa kanya yun" Whit

"It takes time Robine. Kilala naman natin yung si Luke laging nawawala kapag nasasaktan eh. Pero grabe pala nangyari kay Luke no?! Siguro hanggang ngayon sinsisi niya pa rin yung sarili niya sa pagkawala nang girlfriend niya" Kylie

"Kaya nga mas lalo akong nag aalala sa kanya eh. Asan na kaya sya gustong gusto ko syang makita (ಥ_ಥ)"

"Ilang araw lang akong nawala namiss mo na agad ako" napalingon ako sa nagsalita. Si Luke!!!!!! Kaya naman nilapitan ko agad sya at niyakap ko sya.

"Grabe makamiss Robine? Parang iba na yan ah?!" Whit

"Kinikilig ako oh my. Sabi na nga ba bagay kayo eh" Kylie

"Ewan ko sa inyo masyado nyong binibigyang kahulugan ang special friendship namin ni Luke."

"Alis na nga tayo baka mainggit lang tayo sa kasweetan nang dalawang iyan" Whit at umalis na ang dalawa. Naupo naman na kami ni Luke dito sa sala.

" Ikaw naman Luke san ka ba kasi nanggaling ni di ka man lang nagpaparamdam sa akin. Kung alam mo lang kung gaano ako nag aalala sayo." .

.

"Pasensya ka na hindi ako nakapagpaalam sayo Baby Girl. Naalala mo yung appoinment na sinasabi ni Mommy dun sa restaurant" Luke

"Naalala ko sya."

"Dahil dun kaya ako nawala. Pumunta kami sa U.S para iturn over na sa akin yung posisyon ni Ate Lianne my elder sister kasi malapit na syang manganak ako ang magiging temporary COO nang company namin dun. 3 months nalang ay pupunta na ako dun" Luke

"What?! Iiwan mo na ako myloves :'("

"Hindi sa ganun. Kailangan ko lang talaga pumunta sa US. Andito pa din ako. Uso naman yung fb, twitter, skype, kakaotalk, line, at kung ano ano pa na mas mapapadali ang communication natin" Luke.

.

.

...

"Kakadating mo lang namamaalam ka na agad sa akin. Paano yan mag isa nalang ako?"

"Di ka naman nag iisa, andyan sila Sly, si Kylie si Cody. Alam kong aalagaan ka nila. Tsaka bakit iniisip mo na agad na aalis ako eh sa next 3 months pa ako aalis matagal pa yun." Luke

"Mabilis na ang oras ngayon. Bakit mo pa nasama yung lalaking yun? Masaya na sya sa Lexi na yun"

"Ikaw talaga Baby Girl napaka bitter mo. Hindi mo ba namimiss si Cody gaya nang pagkamiss mo sa akin? Hanggang ngayon ba nagagalit ka pa rin sa kanya dahil hindi ka niya pinili over Lexi? Bakit hindi mo nalang tanggapin na hindi kayo ni Cody para sa isa't isa sa ngayon. Malay mo may perfect timing palang naghihintay sa inyo. Nakaya mo ngang magtiis nang ilang taon na mahalin sya eh. Nararamdaman ko na sabik na sabik ka nang makita at makasama sya ulit gaya nang dati Baka sa sobrang laki nang gap niyo sa isa't isa hindi niyo na maibalik kung ano kayo dati" Luke

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Temporary BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon