Ch.6

9 0 0
                                    

Ilang araw na rin hindi kami nagkikita ni Cody ngayon ay niyaya nya akong makipagkita sa kanya. I feel strange kasi kapag may lakad kami isa sa amin ang pupunta sa bahay pero ngayon ang sabi nya ay hihintayin nalang daw niya ako dun sa restaurant.

Nung makarating ako sa restaurant ay andun na sya.vMukhang seryoso ang magiging usapan namin

"Kanina ka pa ba dito?" tanong ko sa kanya

"Mga 30 minutes na." Cody bakit nakakaramdam ako ng coldness galing sa kanya

"Sorry may klase ka pa kasi kami. Ano bang meron? Bakit mo ako gustong kausapin?"

"Once na itanong ko sa iyo ito wag ka nang magsinungaling. Totoo bang mahal mo ako?" Diretshang tanong ni Cody sa akin. Sobrang seryoso sya habang sinasabi niya ito.

"Ano ba yang pinagsasabi mo Cody? Diba tapos na tayo dyan. Lasing lang talaga ako"

"Rob kaibigan kita kaya ayoko nang masaktan ka pa. Kaya aminin mo na. Matagal ko nang gustong tanungin sayo yun. Kasi ikaw lang ang nahihirapan nito sa huli." Cody

Concern ba talaga sya? O gusto niya lang talagang paaminin ako? Wala din naman mangyayare kung aamin ako

"Ano ba Robine? For once naman maging totoo ka sa sarili mo at sa akin hindi yung pinagmumukha mo akong tanga pati yang sarili mo" Cody

"OO NA!! Mahal na kita. Dati pa mahal na mahal kita pero mahal mo si Lexi kahit masakit pinagpatuloy ko ito. Hindi ko mapigilan yung puso ko na hindi ka mahalin. Lagi kang anjan para sa akin. Kahit kailan hindi mo ako iniwan. Kung gaano ako katanga para mahalin ka ganun ka naman kamanhid para hindi mo mapansin yung isang tulad mo." wala na nasabi ko na talaga sa kanya. Kahit nasabi ko ay mabigat pa rin sa damdamin . Natahimik si Cody sa mga sinabi ko ako ngayon ito patuloy na tumutulo yung luha ko.

"P-Pero Rob magkaibigan tayo at isa pa mahal ko si Lexi" Cody

"Alam ko yun alam na alam ko yun Cody. Nung high school lang natin sya nakilala pero nagustuhan mo sya agad. Ako ito kahit mga bata palang tayo mahal na kita. Hinihintay ko na maramdaman mo kung ano ko para sayo. Mahirap umasa pero handa ako. Di dahil sa matatag ako kundi dahil kahit anong gawin ko kaw talaga mahal ko kahit sabihin pang hindi ako para sayo." Im so pathetic that way. Para akong namamalimos v... .v

"Masasaktan ka lang Rob. Marami namang mas deserving sayo kesa sa akin. Bakit ako? Alam mo namang Magkaibigan tayo Rob. Kaibigan lang ang turing ko sayo at hanggang dun nalang yun. Kung ipagpapatuloy mo lang ito para mo na ring pinapatay ang sarili mo at sinisira yung pagkakaibigan natin. Ayun nalang ang meron tayo Rob baka mawala pa. Mahalaga ka sa akin Rob. at Magkaiba yung mahal sa mahalaga." Cody tas tumayo na sya

"Akala mo ba madali para sakin to? Hindi no? Kung anong pigil ko mas lalo pa kitang minamahal kita. Hindi ko nga alam kung saan pa ako kukuha nang lakas para pakinggan lahat ng mga magagandang sinasabi mo kay Lexi. Kung gaano mo sya kamahal. Ang hirap hirap Cody pero naumpisahan ko na ito kaya ang hirap nang itigil pa. Kung sa tingin mo sa ganito lang masisira ang pagkakaibigan natin nagkakamali ka dahil nasa iyo naman iyon kung ipagpapatuloy mo itong pagkakaibigan na ito o hindi eh. Kasi kahit mahal kita pinahahalagahan ko rin yung pagkakaibigan natin. Isa pa mas gugustuhin ko pang mamatay nang may ipinaglalaban kesa naman ganito na nabubuhay na parang multo sayo" Hindi ko inakala na masasabi ko sa kanya ito. Akala komatatanggap niya yung pagmamahal ko pero hindi pala.

"Kung iyan ang ikakasaya mo bahala ka." mariing sabi ni Cody

"Ganyan ka naman lagi. Ganyan lagi mo sinasabi kaya patuloy akong umaasa" Pagkasabi ko nun ay umalis na sya. Ako naman ay tuluyang nang nag iiyak

Alam ko naman na ganito ang mangyayare pero hindi ko inakala na doble pa ang sakit kapag sinabi niya hanggang kaibigan lang ako sa kanya. Ano bang meron si Lexi nang wala ako? Bakit hindi niya ako magawang mahalin? Mahirap bang mahalin ang isang tulad ko? Meron bang mali sa akin?.Ano yun? Pwedeng pakisabi nalang T_____T

-*-

Temporary BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon