Ch.14

6 0 0
                                    

Ch.14

Cody's POV

Lumipas ang mga oras walang ginawa si Lexi kundi matulog. Gusto lang pala nyang magpahinga hindi pa sa kanila. Mga mayaman talaga, laging pinapamahal yung mga simpleng gawain.

Kahit natutulog siya maganda pa rin siya. Napaka angelic nang

mukha niya. :)

"bzzzzzzt.bzzzzzzzt.bzzzzzzzzzt"

Tito Leo? Bakit naman napatawag si Tito?.

"Hello Tito Leo?"

'Cody balita ko nasa Laguna ka ngayon. Hindi mo tuloy kami nasalubong sa pag uwi namin dito' Tito Leo

"Nakauwe na kayo?:)"

"Yeah, dahil hindi ka nakapunta kanina dapat makapunta ka mamayang gabi. Magkakaroon kami nang family dinner kaya sumama ka kung hindi mananagot ka sa akin' Tito Leo

"Sige, sige po magpapaalam na muna ako sa boss ko tas pupunta na ako jan"

'Aasahan ko yan' Tito Leo tas inend ko na yung call.

"Sino yang kausap mo?" si Lexi medyo groggy pa sya

"Ah si Tito Leo yung daddy ni Robine"

"Anong sabi niya sayo?" Lexi

"Wala naman pwede bang lumuwas muna ako nang Manila may kailangan lang akong puntahan" pagpapaalam ko sa kanya

"Bahala ka. Wag mong gamitin yung kotse ko. Magcommute ka nalang" Lexi

"Sige bye" tas lumabas na ako at iniwan na sya.

Haaayy minsan di ko talaga siya maintindihan. :/ Kailangan kong magbigay nang pagsalubong kay Tito at Tita.

Buti nalang ay mabilis lang ang byahe at nakaluwas ako agad.

1 text message from Robinsyana:

 

                Andito kami sa may Dencio's Seafood Restaurant. Kung nasabihan ka na ni Daddy iignore mo nalang itong msg ko. Kung ayaw mong pumunta okay alam naman naming nagtatrabaho ka jan eh.

Robine bakit ka ganyan? Sana magkaayos na tayo.  Sobrang namimiss ko na yung dating tayo.

Nang makarating ako ay andun na sila Tito Leo at Tita Roanne.

"Hi Tito Leo, Hi Tita Roanne" Bati ko sa kanila

"Oh Cody, What happened to you bakit ganyan ang mukha mo? Ang laki nang eyebags mo at namamayat ka pa. Hindi ka na inaalagaan ni Robine?" Tita Roanne

"Busy po kasi ako sa work kaya nagkaganito."

"Hindi yan dahilan para pabayaan mo ang sarili mo. Kahit busy ka sa pagtatrabaho kailangan mo ring alagaan yang katawan. Paano nalang kung manghina ka o magkasakit di ka naman makakapagtatrabaho nun diba?" Concern na sabi ni Tita Roanne

"Tignan mo kami nang Tita mo. Kahit napakaraming trabaho ang ginagawa namin sa Tokyo we still look young and fresh. Hindi namin pinababayaan at inaabuso ang katawan namin baka magkasakit pa kami mahirap yun lalo na't hindi na kami kasing edad niyo." Tito Leo

"Kaya nga po habang tumatagal nas bumabata po kayo eh" Simula nang mamatay ang mga magulang ko sina tito Leo at tita Roanne na ang naging 2nd parents ko.

"That's so embarrasing Myloves" Robine

"Hahaha Di ko maimagine yung mukha nila hahahah" Whit

"Oh Mukhang nagkakatuwaan silang lima ah?" Tito Leo

Temporary BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon