Ch.13

5 0 0
                                    

Ch.13

Robine's POV

Pagkalipas nang ilang oras ay nakabalik na kami ni Luke sa Manila. Inihatid na rin niya ako dito sa bahay. Ngayon nakaupo kami ni Luke sa sofa. Hinihintay namin sina Sly may pinuntahan daw kasi sila eh.

"Kanina ka pa walang imik baby girl? Dahil ba dun kanina? You know what I mean" Luke

"Haayy Kasi naman nakakainis yung babaeng iyon."

"Baby Girl dont stress yourself to that girl. Kung magpapaapekto ka sa kanya lalo ka lang maiinis. Dont mind her. Ako nalang isipin mo^__^" tas inakbayan niya ako at pinaglaruan na naman niya yung buhok ko.

"Talagang isisingit mo yang banat mo?" sabi ko sa kanya

"Sus kung alam ko lang kinilig ka rin sa akin." Confident na sabi ni Luke

"Di kaya"

"Ah ganun ah?" tas pinagkikiliti niya ako. Malakas pa naman ang kaliti ko.

"Tama na Myloves" Patuloy pa rin siya hanggang mahulog na kami sa sofa. At nasa ibabaw ko siya.

Hindi ko alam kung anong nangyayare sa akin pero para akong nafreeze at hindi makagalaw. Nakatitig lang ako sa kanya. Maya-maya ay lumapit ang mukha niya sa akin. Kaya napapikit nalang ako. Naramdaman ko nalang ay hinalikan niya ako pero hindi sa labi kundi sa noo ko. Naramdaman ko rin na hindi na siya nakapatong sa akin. Pagdilat ko ay nakita ko ang isang mala anghel ang mukha na ang ganda nang mga ngiti.

"Si Baby girl talaga akala lagi hahalikan sa labi.:) Sabi ko naman sayo yung hahalikan lang kita sa labi kapag sinabi mo na. Tayo ka na nga jan." Luke tas inalalayan niya ako.

"Kasi naman ikaw lagi mo nalang ginagawa sa akin yun"

Bumalik na kami sa sofa at umupo ulit. Napansin ko ang laging paghikab ni Luke.

"Myloves inaantok ka pa?"

"Slight" Luke

"Gusto mo matulog ka muna. Dito sa may lap ko habang hinihintay sina Sly."

"Sure ka baby girl? Baka mangalay ka?" Luke

"Hindi yan dali mamaya mag-iiba na isip ko"

"Ito naman si Baby girl napaka mainipin. Ito na oh?" tas pumwesto na sya.

"Sleep tight myloves:)"

"Wala bang kiss dyan :*" tas ngumuso pa talaga sya.

"Tssss..." kinissan ko nalang sya sa ilong niya.

"Kala mo ah? Tulog ka na. Baka may demand ka na naman eh"

"Wag mo akong titigan masyado ah baka mapagnasaan mo pa ako eh" Luke inirapan ko nalang sya

Pumikit na siya at sinimulan nang matulog. Napagod kasi siya sa pag aalaga sa akin dun sa resort at pagdadrive kanina.

Hindi ko maiwasan na hindi siya titigan. Grabe ang gwapo niya rin pala. Tama nga si Kylie super duper gwapo rin pala nito kahit natutulog. Ngayon ko lang kasi siya natitigan nang ganito. Mapicturan ko nga.

Kinuha ko na yung phone ko at pipicturan siya

"Anong ginagawa mo?"Mike (⊙_⊙)   andito na pala sila.

"Wa-wala. Asan yung dalawa?"

"Ayun papasok na rin dito" Mike

"San ba kasi kayo pumunta?" tanong ko sa kanila

"Ah kila Kylie sinundo namin si Sly dun kasi natulog kagabi" Mike

"Talaga?! Diba enemies ang turingan nila sa isa't isa?"

Temporary BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon