Living in My Monochrome World
Masayahin ako noong bata pa ako, Laging maingay at pala biro...
Lagi akong nakikipag kwentuhan sa parents ko at kaibigan ko kaya Masaya lagi dahil Hindi ako noon nag iisa
Marami akong nakikitang kulay na magaganda, klaro at maliwanag...
Akala ko noon ay Hindi na Ito magtatapos pero nagkamali ako...
8 yrs old ako na aksidente sila mama at papa
Kasama ko sila noon at kitang kita ko Kung paano nila ako prinotektahan, at Kung paano sila uni unting nawalan ng buhay...
Sa sobrang gulat ko at Hindi matanggap na pangyayari ay nakalimutan ko ang mga pangyayari Nung araw na iyon at kinupkop ako ni Lola...
Hindi ko na naaalala ang pangyayari na iyon hanggang sa ako mismo ang naka aalala...
Iyak ako ng iyak, hanggang sa nag iba ang ma kulay na mundo ko...
Wala na akong ibang kulay na nakikita kundi itim at puti...
Hindi ko Ito sinabi sa kahit sinong kaibigan ko at pati rin Kay Lola...
Naging mahirap saakin ang ganoong buhay...
Malungkot Ito dahil walang kulay
Nakakatakot ang mundo ko dahil wala akong kakampi hanggang sa sinabi ko sa dalawa kong kaibigan na lalake ang problema ko...
Sabi ko sa kanila na yung sabihin at Ipangako na saamin lang tatlo
Nangako sila...
unti unting bumabalik ang Ibang mga kulay sa mundo ko hanggang sa isang araw narinig ko ang usapan ng iba kong kaklase na itim at puti lang daw ang nakikita kong kulay sa paligid... Nagulat ako nun at lumungkot pero mas lumungkot ako nang sinabi nila na nakakatakot daw yun at weird...
Pinuntahan nila ako at naghumingj ng tawad... Pero iyak lang ako ng iyak, sinabi ko sa inyo noon na 'diba Nangako Kayo?, bakit? Bakit nyo sinabi?, pinag tripan ninyo lang ba ako? Ha?'
..
Pagkatapos nun ay tumakbo ako Papunta sa bahay at sinabi kay Lola na gusto kong lumipat...
Naintindihan naman ni Lola kaya kinabukasan ay lumipat kami
Unti unti nanaman nag lalaho ang mga kulay na nakikita ko
Hindi na ako nag paalam sa dalawa kong kaibigan dahil masakit ang ginawa nila, akala ko noon ay ba bakit na ako sa dati pero Hindi pala...
Ang mga Ibang kulay na bumubuo noon ay nag laho rin...
Walong taon akong namuhay sa itim at puting mundo na kinaroroonan ko... Pero natuto na rin akong ngumiti pero wala parin akong kulay na nakikita kundi itim at puti lang, nandidito parin ako sa mundo ng kalungkutan...
Sa walong taon ay nabalitaan ko Kay Lola na isa sa dalawa kong kaibigan ay nag punta na sa Ibang bansa, Masaya na ang buhay niya doon at mabuti, sabi nga ni Lola na May girlfriend na daw siya...
Ang isa ko namang kaibigan ay nandito malapit din sa nilipatan namin pero Hindi ko siya nakikita dito...
Sa walong taon din ay magkaroon din ako ng Boyfriend 3 months na kami at monthsary (A/N: tama po ba spelling?) namin Ngayong araw na Ito...
Dahil din sa boyfriend ko ay may kaka onting kulay na ang nakikita ko pero Malabo Ito at Hindi ko alam Kung bakit, sinabi ko rin sa kanya yung sikreto ko, Hindi siya nagulat dito at iyon ang ikinasaya ko...
Ngayon ay sabi niya na punta daw ako sa likod ng building kaya nandito ako ngayon...
Wala pa siya dito kaya umupo muna ako...
Nag text sya saakin at sabi niya Papunta na daw siya kaya naghintay ako... Monthsary naman namin Ngayon kaya Hinayaan ko lang na ma late sya at iniisip ko rin na Kung May surpresa siya...
Matagal tagal din akong naghintay... Mahigit 3 oras, Masaya ako nang dumating siya dahil siya naman ang nag padala saakin pero nagulat ako ng may kasama siyang magandang babae...
Tinanong ko sa kanya Kung bakit may kasama siyang babae at ang sinagot niya saakin ay dahil yung babae daw yung girlfriend na minahal niya at Hindi ako at pagkatapos nun ay naghalikan sila sa harapan ko sinabi niya saakin na break na daw kami, Hindi daw siya magkakagusto sa Isang katulad ko na itim at puti lang ang nakikitang kulay at boring...
Sobrang sakit saakin dahil Akala ko nakahanap na ako ng kaligayahan na magpapa saya saakin Habang buhay pero Hindi pala...
Iniwan nila ako doon mag Isang umiiyak at pumatak rin ang malakas na ulan...
Maglakad ako papaunta sa bahay at Habang basang basa sa ulan...
Wala na ang Ibang kulay na nakikita kong Malabo, ang mga kulay na nanggaling sa kasiyahan dahil Magkaroon ako ng boyfriend...
Dalawang kulay nalang ang natitira, kundi itim at puti na lamang...
Habang nag lalakad ako, doon ko naisip na bawal na pala akong lumigaya... At Habang buhay pa ako ay mabubuhay ako sa malungkot na mundong Ito...
Sana Isang araw, May mag ligtas saakin, at Sana, kaya niyang Ibalik ang ma kulay na mundo ko Katulad ng bata pa ako...
----------------------------------------------------------------------
Hello po!, Sana magustuhan niyo yung ginawa kong story (^_^)
Sorry po sa wrong grammars... Hehehe
So ano po yung tingin nyo sa story?
Hehehehe...
Nagiisip po ako Kung gagawa ako ng ng part 2 ehh, pero Baka walang mag basa... Hehehe
Thank you po sa pagbasa :)
BINABASA MO ANG
Living In My Monochrome World [Short Story]
Kısa HikayeAkala ko magiging Masaya ako Habang buhay, pero Hindi pala, lagi akong nasa mundo ng kalungkutan, pero walang nagligtas saakin... Sana balang araw may magpapa saya saakin at magligtas sa mundo ng kalungkutan... Kung nasan ako Ngayon