Now playing: Almost is never enough by Ariana Grande feat. Nathan Sykes
MAAGANG nagising si Reige kinabukasan dahil ngayon nya kikitain ang kompanyang kumuha sa kanya para maging cover girl nito. Nagsuot sya ng white tank top na sinapawan nya ng black leather jacket at pinarisan nya naman ito ng black fitted jeans at black stiletto na nasa 5 inches ang taas ng heels. At tsaka ikinabit ang kanyang signature pitch-black specs. Inilugay nya rin ang kanyang red-burgundy colored ombre curl na buhok. Nang masiyahan sa kanyang anyo ay lumabas na ito ng kwarto at bumaba. Naabutan nya namang nakatayo si Romy sa paanan ng sofa habang inaayos nito ang kanyang lab. gown.
"San ka pupunta?" bungad na tanong nya rito
"Visiting doctor ako sa ospital ng pinsan ko. Ilang linggo na rin akong di nakakapunta roon at sigurado akong maraming pasyente ang naghihintay saakin ngayon" pagpalaliwanag nito "Ikaw? Diba ngayon yung appointment mo para sa bago mong project?" kaagad nitong tanong
"Yeah, I have to meet them. Siguradong delayed na ito dahil sa pagkakasakit ko nuong nakaraang linggo" sagot naman nito
"Okey, I'll drive you then" sabay ngiti
"Really?! Thank you!" nakangiti syang niyakap ito
Sabay silang bumaba ng condo at dumiretso sa kotse nito.
"By the way, did you know who hired you for this new project? Have you met the CEO?" tanong nito sa kanya
"Nope, ang nakipag-usap lang samin ng manager ko ay yong secretary. Busy raw ang may-ari kaya di na nagpakita" sagot nya
Tumango ito, "Oh? Is that so? Kaya pala"
"Kaya pala ang alin?" naguguluhan nyang tanong rito
Lumingon ito sa kanya at saka ngumiti "Nothing, nevermind"
Naguguluhan man ay tumango na lamang ito. Nang makarating sa YAH depot ay agad syang bumaba.
"Reige?" tawag nito sa kanya
Agad naman syang lumingon "Yes?"
"Good luck" sabi nito at saka ngumiti
Ngumiti rin naman sya pabalik "Thank you, bye!" kinawayan nya ito at tumalikod na.
Nang makarating sa entrance ng 20storey building ay huminga muna ito ng malalim saka tuluyang pumasok sa gusali.
Pagkapasok agad naman syang lumapit sa information desk ng pinasukan.
"Excuse me miss, I'm Reige Desoy. Ako yung modelang hinire ng kompanya nyo para sa 2018 edition ng magazine nyo" paunang bungad nya rito
"Oh! Good morning maam. Tatawagin ko po muna ang secretary ni Mr. YAH. While waiting po, you can take a seat doon po sa waiting area." saka itinuro nito ang part ng building na maraming nakahilerang couch.
Hmmm! Classy.
"Thank you" pasalamat nya rito
"You're welcome maam" sagot naman nito at saka ngumiti.
Agad naman syang dumiretso sa itinuro nito. Pinili nyang upuan ang kulay maroon na upuang nakaharap sa glass wall nito. At saka inabot ang isa sa mga magazine na nakapatong sa mesang nasa harapan nito. Binuklat nya ang librong hawak at masuring binasa at pinag-aralan ang nilalaman nito. Napahinto lamang sya ng may nagsalita
"Ms. RD?" pukaw nito sa kanya
Napalingon naman sya sa pinanggagalingan ng tinig "Yes?" sagot nya dito saka tumayo
Iniangat nito ang mga palad at nakipagkamay sa kanya "I'm Roselle Wang, secretary of Mr. YAH. My apologies for keeping you waiting" paghingi ng tawad nito
BINABASA MO ANG
Narcissus Heirs Series #1: (The MODEL)
RomanceReige Desoy would trade anything for "The love of her life" to love her. She became a model para lang mapansin sya nito. Kung pwede lang ibenta ang kaluluwa nya para lang mahalin sya nito ay gagawin nya. On the other hand, Izhaiyah Verosher is a cer...