WARNING: RATED SPG| R18| Striktong Patnubay ng magulang ang kailangan dahil may Jugjugan! HAHAHA!
GABI na ng makarating sila sa hotel. Napagdesisyunan kasi ni Izhaiyah na sa unit nya ito makikitulog, pumayag naman sya tutal sabay rin naman silang aalis.
Nasa kitchen counter sya at umiinom ng Pineapple juice ng lumabas mula sa banyo si Izhaiyah na nakaboxers lang. Halos mabuga naman nya ang iniinom ng makita ito.
"Thanks for letting me use your bathroom" pasalamat nito
Tumango sya, "No problem. As long as you wear your shirt. I don't want my room to be a showroom"
Napatawa naman ito, "Ayaw mo ba ng live show?" sabay nakakalokong ngiti nito
Pinandilatan nya ito, "I wouldn't do that if I were you, kung ayaw mong mamatay ng maaga"
"Oh! C'mon babe! Matagal na akong patay na patay sayo" sabi nito sabay kindat sa kanya
"Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo Izhaiyah" singhal nya rito
"Hindi ako kinikilabutan, kinikilig ako. Alam kong ikaw rin" nakangisi nitong sabi
"Hindi ka lang pala mayabang, asyumero ka rin pala" wika nya sabay irap dito
"Gwapo ako, I have all the rights" pagmamayabang nito sabay upo sa tapat nya
Umiling-iling sya, "Malala ka na talaga. Magpapareserve na ako ng kwarto para sayo sa mental hospital ni Romy"
"Kahit saang Asylum pa yan, basta ba ikaw ang magiging doktor ko"
Pinandilatan nya ito, "Tumigil ka nga"
Tumawa lang ito at sabay kuha sa baso ng juice na iniinom nya at inubos ito
"Uso kumuha ng sarili noh?" sarkastiko nyang sabi
"Mas masarap kapag galing sayo" sabi nito at sabay taas-baba ng kilay
She frowned, "What?!"
"Wala"
Inirapan nya lang ito, "By the way what happened to you after. You know, I left"
Sumeryoso ang mukha nito at saka bumuntong-hininga, "Well, Ilang linggo rin akong wala sa sarili ko. I'm not that alcoholic but when you left, I became one. I forsake my company, I even neglected my parents. I want to be alone that time and I want you to come back but I don't know where to start. Kung hindi pa siguro ako sinapak ng mga kaibigan ko, hindi pa siguro ako magigising. I made up my mind, pinahanap kita dito sa pilipinas. Hindi ako sumuko kahit inabot ako ng limang taon. Halos suyurin ko na ang buong pilipinas mahanap ka lang. I even went to your house pero walang nagpakita sakin, ang sabi lang nung kapitbahay nyo ay wala ka na raw duon. Hindi ako naniwala, kaya I trespassed. Pumasok ako sa bahay nyo pero wala, wala akong Reige na nakita ni anino. There, I conclude na wala ka nga talaga duon. Pero I never gave up, pinahanap parin kita. Kaya nga nung nalaman kong ikaw ang modelang kinuha namin, I immediately run towards the room where you at. I was so happy back then, halo-halong emosyon ang dumadaloy sa katawan ko. Kasi for almost 5 years kong paghahanap sayo nakita na rin kita. At ang tanga-tanga ko dahil sa pinas lang kita pinahanap, hindi ko man lang naisip na baka nasa ibang bansa ka. I was persistent for the past five years, at kung kailangan maghintay ulit ako ng limang taon para tuluyan kang bumalik saakin, I would. Kahit gaano pa yan katagal basta nandito ka lang sa tabi ko" mangiyak-ngiyak nitong pagpapaliwanag. And when tears fell into his cheeks she raised her hand to wipe it. Napatitig ito sa kanya.
"Patawarin mo ako sa lahat ng ginawa ko Reige. Please don't leave me. Baka tuluyan na akong mabaliw kapag iniwan mo pa ako" pagmamakaawa nito
Nakahawak parin sya sa mukha nito at pinupunasan ang mga luha na patuloy na umaagos sa pisngi nito, "I believe you Izhaiyah, Hindi mo ako ipapahanap at hihintayin ng limang taon kung hindi mo ako mahal. Nasaan na ang lalakeng minahal ko limang taon na ang nakakaraan? Nasaan na ang happy-go-lucky at casanova na si Izhaiyah? Hindi ka dapat umiiyak para sa isang babae. Hindi ikaw yan" pabiro nyang sabi
BINABASA MO ANG
Narcissus Heirs Series #1: (The MODEL)
RomanceReige Desoy would trade anything for "The love of her life" to love her. She became a model para lang mapansin sya nito. Kung pwede lang ibenta ang kaluluwa nya para lang mahalin sya nito ay gagawin nya. On the other hand, Izhaiyah Verosher is a cer...