MAKALIPAS lamang ang dalawang oras ay nakarating na sila sa Mandaue City, Cebu. Medyo malamig ang klima dahil September na, buti na lamang ay naka mahabang cardigan sya. Pagkalabas ng LK Airlines ay kaagad silang sumakay sa Black Mustang ni Izhaiyah. Habang nasa byahe ay hindi sya mapakali, ipapakilala na sya pamilya nito. Ano na lang ang magiging reaksyon nito sa kanya? Sari-saring senaryo ang tumatakbo sa kanyang utak. Napatigil lamang sya nang biglang magsalita si Izhaiyah.
"Reige?" tawag nito
Napalingon naman kaagad sya sa lalake, "Yes?"
"You okey?" he sounds worried
Tumango lamang sya at pinakalma ang sarili.
"Medyo malayo pa dito ang hacienda matulog ka muna" suhestyon nito
Umiling sya, "Hindi, okey lang ako" at saka sya ngumiti
Paano ako makakatulog ee kinakabahan ako! Sabi nya sa kanyang sarili
Nakatingin lamang sya sa labas at pinagmamasdan ang kanilang dinadaanan. Hindi nya namalayang nakatulog na pala sya dahil sa kabang nararamdaman.
Unti-unti nyang iminulat ang kanyang mga mata ng maramdamang may humawak sa kanyang ulo. Naaninag nya ang pigura ng isang tao, at kahit hindi nya imulat ang mga mata ay alam nya kung sino iyon dahil sa amoy nito. Nang mas luminaw ang kanyang paningin ay kaagad syang napangiti ng masigurong tama nga ang kanyang hinala.
"Hi! I'm sorry to wake you up" he apologized
"It's okey, nakarating na ba tayo?" tanong nya rito, tumango naman ito at inalalayan syang makababa ng sasakyan. Pagkababa ay tumambad sa kanyang ang napakalaki at napakagandang mansyon. Hinawakan naman ni Izhaiyah ang kanyang kamay at magkahawak kamay na pumasok sa bahay.
Nang makapasok ay mas lalo pa syang napahanga dahil sa nakita, mamahalin ang mga gamit sa loob ng bahay. Maging ang pinakamaliit na kasangkapan ay mukhang mamahalin. Napatigil lamang sya sa pagpapantasya ng may isang babaeng papalapit sa kanila. At kahit pa hindi ito magpakilala ay alam nya kung sino iyon.
"Izhaiyah my son!" masaya nitong bati at niyakap ang katabi
"Hi Mom" bati naman nito
"It's been a long time. Buti naman napadalaw ka dine" patuloy nito, nang maramdaman ang kanyang presensya ay kaagad syang tiningnan ng ginang.
"Are you Reige Desoy?" tanong nito sa kanya
Gulat man ay tumango sya, "Yes ma'am"
Nangkumpirmahin ay kaagad sya nitong niyakap. Nagulat naman sya sa inasta nito.
"Oh my! Ikaw nga! Buti naman nahanap ka na ng anak ko" sabi nito sabay harap sa kanya. Nagulat naman sya sa sinabi nito
"Mom tinatakot mo sya" bulyaw naman ni Izhaiyah sa kanyang ina
"Alam mo ba hija, kapag umuuwi dito yang anak ko ay ikaw lagi ang bukam-bibig nyan" laglag nito sa anak. She gaped at her.
"Mom!" inis nyang tawag dito
"Amanda, pinapahiya mo ang anak natin sa kanyang bisita" sabi naman ng isang matipunong lalakeng papalapit sa kanya.
"Welcome home son" sabi nito sabay yakap kay Izhaiyah
"Thanks dad" bati naman nito
BINABASA MO ANG
Narcissus Heirs Series #1: (The MODEL)
RomanceReige Desoy would trade anything for "The love of her life" to love her. She became a model para lang mapansin sya nito. Kung pwede lang ibenta ang kaluluwa nya para lang mahalin sya nito ay gagawin nya. On the other hand, Izhaiyah Verosher is a cer...