Chapter 3

2.2K 37 2
                                    


MATALIM na tinutukan ni Reige ang lalakeng nasa harapan. Naroon parin ang galit na namumuhay sa kanya kahit limang taon na ang nakalipas. Bumabalik at bumabalik parin ang mga ala-alang nangyari nuon. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat nang makita sya. Malaki ang ipinagbago nito, ngunit makikita parin ang kagwapuhan at kakisigan ng lalake.

Huminga sya ng malalim saka tumikhim.

Inilahad nya ang kamay at nagpakilala "Good morning, I believe you are Mr. YAH that your secretary is talking about. I'm Reige Desoy, nice to meet you"

Ngunit hindi nito pinansin ang kanyang sinabi at tinitigan lamang sya nito na nakapagpa-asar sa kanya.

Tumikhim ulit sya, "It's so rude, ang hindi pagtanggap sa pakikipagkamay ng isang kliyente"

Mukhang natauhan naman ito at tinanggap ang kamay nya

"N-nice to meet you" medyo bulol nitong sabi

Binawi naman nya kaagad ang mga kamay nito sa pagkakahawak.

"So, shall we start?" tanong nya rito

Tumango lamang ito at umupo sa kabilang side ng mesa na paharap sa kanya

Tumikhim ito at nagsimula ng magsalita, "W-well, as we all know YAH depot want to be the worlds number one magazine company. And to achieve that we have to release a very unique and culture related edition. And to fulfill that our concept will be Philippine culture" panimula nito

"So we have to feature some of the heritage and tourist sites of the country. You will be travelling from north to south, and east to west for the photoshoot. And It will take 3 to 5 months to shoot this edition of ours. Hindi tayo pwdeng madelay para mas tangkilikin tayo ng market. Don't worry about your staff, may sarili kang make-up artists, hair stylists and wardrobe team. And we also hire 2 PA's for you para hindi kana mahirapan" pagpapatuloy nito

Tumango lamang sya,

"Do you have any concerns? Regarding this photoshoot?" tanong nito sa kanya

"Wala naman, tsaka reliable naman siguro ang company nyo base on what your secretary and my manager told me. Kaya I'm 100% sure of this project of mine" sagot nya

Napangiti naman ito, na nagpakirot sa kanyang puso

Iniabot nito ang kontrata sa kanya, "Sign this contact for assurance, and like what we have dealt we will pay you 5 Million for your service"

Pagkasabi nuon ay napatigil sya sa pagpirma ng kontrata at saka binalingan ito, "5 Million? I thought it's 3M? As what my manager informed me" pagtataka nyang tanong

"I made a sudden change, since it's a privilage for us to have you. So it's justifiable that we'll repay you a higher amount for your cooperation" saka ito ngumiti. Tumango na lamang sya at ipinagpatuloy ang pagpirma, nang matapos ay agad nya itong ibinalik sa lalake

Tinitigan muna sya nito ng matagal saka nagsalita, "Ahm! Wala naman siguro tayong problema? I mean, sating dalawa diba?"

Napatigil sya sa tanong nito, talagang naaalala pa nito ang ginawa nya nuon sa kanya. Dapat lang! Nasira ang buhay nya dahil dito. Kaya wala syang karapatang kalimutan iyon. Tsaka andito sya para sa trabaho. Oo bitter sya, dahil sa galit. Pero career nya ang mamimiligro kung hahayaan nyang kainin sya ng galit nya para rito.

"Of course, I don't mix business with personal matters. And besides, past is past. At ayoko ng balikan at pag-usapan pa iyon" walang emosyon nyang sagot

Napatango na lamang ito at nagbaba ng tingin. Hindi na nya gusto ang awra ng silid kaya tumayo at magpapaalam na sya rito.

Inilahad muna nito ang kanyang kamay bago nagsalita "So, it's settled. It will be an honor to work with you and your company Mr. YAH--"

Narcissus Heirs Series #1: (The MODEL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon