Chapter 7

1.6K 36 2
                                    


INIHATID sya ni Izhaiyah sa hotel na tutuluyan nila. Nagpaalam naman ito kaagad pagkatapos. Sinabihan rin sya nito na magpahinga ng buong araw dahil kinabukasan ay sisimulan na nila ang photoshoot. Malaki ang kwartong kanyang inuokupa,may sarili rin itong terrace, nakitang-kita ang kabuuan ng lugar. Hindi sya pamilyar sa Tagaytay pero sa nakikita nyang tanawin mula sa kinatatayuan ay masasabing napakaganda nga nito. Kinuha nya kaagad ang cellphone at nagselfie, kaagad nya naman ito sinend kay Romy. Maya-maya ay biglang tumunog ang kanyang telepono At tama nga ang kanyang hinala na si Romy ito.

"Hey! Sweetie" bati nya dito

(Why didn't you tell me earlier na sa Tagaytay pala ang next venue nyo?)

"Biglaan eh! I'll explain when I come back"

(Kelan ba balik mo?)

"Hindi pa ako sigurado pero I think mga one week ako dito"

(Okey! I'm not worried also, pretty sure Izhaiyah will take care of you)

"Yeah right! By the way, I'll bring you something. At wag mo ng sabihin kung ano dahil alam kong peanut butter lang naman ang gusto mo"

Romy chuckled, (You really know me. Okey gotta go. This crazy engineer is stalking me! My ghad! He's driving me crazy)

"Really? Hhmm! Is there something happening between the two of you?"

(Hell no! Better off be crazy than be with this stalker! Jeez! He's unbearable!..Oh! No! He's here! Gotta go! Bye! Love you)

"Love you too" sabi nya at saka pinatay ang tawag, kasabay naman nito ang tatlong tuloy-tuloy na katok sa kanyang pintuan. Kaagad syang tumakbo dito at pinagbuksan. Pagkabukas ay naamoy nya kaagad ang Calvin Klein na pabango, at kilalang-kilala nya ang may-ari ng amo na yun.

"Hey!" bati nito

"Oh? Izhaiyah, hey?" pabalik nyang bati dito

"Ahmm! Since it's pretty early pa naman. Wanna have breakfast with me?" imbita nito sa kanya. Nagdadalawang-isip syang tanggapin ang imbitasyon nito, dahil nga nakapag-almusal na sya kanina bago umalis. Kaso parang napaka-unprofessional naman nya kapag hindi nya ito pinagbigyan

"Yeah! Sure. I'll get something muna. Hintayin mo na lang ako sa baba" sabi nya sabay ngiti rito. Pagkasabi nya ay napangiti naman ito ng napakalaki.

"Great! Sige, antayin na lang kita sa baba" pagakasabi nito ay masaya itong tumalikod at umalis

Napabuntong-hininga naman sya, sabay iling. Dapat ay iniiwasan nya ang binata ngunit eto sya ngayon, sasabay sa kanya para mag-almusal. Nahihibang na talaga sya. Kaagad syang pumasok sya kanyang silid at nag-ayos. Pagkatapos ay bumaba na sya agad. Naabutan nya namang nakasandal sa Ferrari nito si Izhaiyah, pagkakita sa kanya ay napangiti ito.

"Hey! Tama ba 'tong sinuot ko? Akala ko kasi dito lang tayo sa Hotel kay hindi na ako masyadong nag-ayos" tanong nya rito

Napangiti naman ito, "You're damn gorgeous Reige. Hindi mo na kailangang mag-ayos, effortless"

Pakiramdam nya ay nag-init ang kanyang mukha sa sinabi nito

"You blushed. That's so cute" sabi nito sabay bukas ng pinto ng sasakyan nito "Get in"

Hindi sya nagsalita at pumasok na kaagad, mas lalo atang namula ang kanyang mukha dahil sa sinabi nito. Pagkasara ng pinto ay kaagad itong pumasok at binuhay ang makina.

Tahimik lang sila buong byahe. Tumigil sila sa tapat ng isang Restaurant. Nauna namang bumaba si Izhaiyah at pinagbuksan sya ng pinto. Ngiti lang ang isinukli nya rito.

Narcissus Heirs Series #1: (The MODEL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon