ILANG linggo na lang matatapos na ang photoshoot. At sigurado syang babalik na sya sa Scotland when this shoot ends.
Napabuntong hininga sya nang maisip iyon. To be honest, ayaw na niyang bumalik. Kung dati ay ayaw nyang umaalis ng bansang iyon, ngayon naman ay ayaw nyang umalis ng Pilipinas. Hindi lang dahil sa dito sya ipinanganak at lumaki kundi dahil andito si Izhaiyah. Hindi nya ito kayang iwan, Oo, inaamin nya, mahal na nya si Izhaiyah. Kahit noon pa man, kaya siguro hindi sya makamove-on sa lalake dahil hanggang ngayon ay mahal nya parin ito. Oo nasaktan sya, pero naniniwala sya kay Izhaiyah. Naniniwala sya sa sinabi nitong hindi sya nito sasaktan.
Natigilan lamang sya sa pag-iisip ng biglang pumasok sa kanyang silid si Romy na nakalabgown.
"Hey?" bati nito, nginitian lang nya ito
"What's wrong?" tanong nito sabay upo sa paanan ng kama nya. Umiling lang sya, pero alam nyang hindi titigil si Romy hangga't hindi nito nalalaman kung anong bumabagabag sa kanya.
"You can't lie to me Reige. Come on. Tell me what is it?" pag-aalalang tanong nito
She took a deep breath before speaking, "Ahmm. If this project of mine will end. Aalis na ba tayo?"
Matagal itong sumagot at tinitigan lamang sya, na para bang binabasa ang kanyang iniisip, "It depends" sabi nito sabay tayo at binuksan ang kurtina ng kanyang silid
"Depends?" she asked with confusion
"Depende kung gusto mong bumalik ng Scotland" sagot nito habang nakatingin sa labas
"W-what if I don't want to go back?" pagaral nyang tanong
Lumingon ito at tinitigan syang muli, "Well, if yun ang gusto mo. Pwde ka namang magstay dito"
Sya naman ang napatitig dito dahil sa sinabi nito, "Ako lang? Di mo ba ako sasamahan?"
Bakas sa mukha nito ang pagkagulat dahil sa kanyang tanong, ngunit kaagad naman itong nawala at napalitan ng isang ngiti, "You know I can't"
Napayuko sya, Oo nga pala. May hindi magandang nangyari kay Romy dito sa Pilipinas kaya sya umalis. Bumabalik lang sya dahil sa pinsan nitong si Rogue.
Nilapitan naman sya ni Romy at hinawakan ang magkabila nyang braso, "You know I can't stay here, but you can. If you're happy here then stay. I know that your happiness is here and that is Izhaiyah"
Iniangat nya ang kanyang tingin at nakitang nakangiti ito, "You're also my happiness. Ikaw na lang ang meron ako Romy"
Bahagya itong natawa dahil sa sinabi nya, "Hindi naman ako mawawala ee. Andito parin ako. Isipin mo naman ang kaligayahan mo Reige, isipin mo kung sino ang mas lalong magpapaligaya sayo. Alam kong gusto mong magstay dito dahil andito sya. And it's alright, walang masama sa pagpili ng kung anong makakapagpasaya sayo"
Hindi sya nagsalita at niyakap lang ng mahigpit ang kaibigan.
"I'm so glad that I have a friend like you Romy. Marami ka ng ginawa para sakin. And I thank you for that" she said between her sobs
Hinaplos naman nito ang kanyang buhok, "My baby is all grown up. And I'm so happy"
Napatigil sila nang narinig nilang nagring ang doorbell ng kanilang unit.
"COMING!" sigaw nito, at lumabas ng kanyang silid
Nakatingin lang sya sa pintong nilabasan nito. Ilang minuto pa ay bumukas naman itong muli.
BINABASA MO ANG
Narcissus Heirs Series #1: (The MODEL)
Любовные романыReige Desoy would trade anything for "The love of her life" to love her. She became a model para lang mapansin sya nito. Kung pwede lang ibenta ang kaluluwa nya para lang mahalin sya nito ay gagawin nya. On the other hand, Izhaiyah Verosher is a cer...