Chapter 53 ~ Samantha

1.7K 42 2
                                    


"Kaizer's POV"

"Are you saying na bastardo sila? " galit nyang tanong feeling ko ay matutunaw nako ng masasakit nyang tingin sakin.

Mukhang mali yung ginawa ko.

"Pffffft ahahaha" napatingin naman ako sa kanya ng bigla syang tumawa ng malakas.

"Look at your face Kaizer its so epic hahaha" sabi nya habang namumula kakatawa.

"Anong nakakatawa dun ha? " inis kung tanong.

Kanina lang umiyak sya tapos tumatawa na.

Baliw na ba ang babaeng to??

"Your face ahaha its so priceless" sabi nya at hinawakan ang tyan nya kakatawa.

Teka may side palang ganito ang prinsesang to??  Akala ko seryoso to sa lahat ng bagay eh.

"Okay to tell you the truth di ko sila mga anak. Magiging anak palang" di ko narinig ang huling sinabi nya dahil binulong nya yun.

"What ? anong huli mong sinabi?? " takang tanong ko.

"Aba!  Di ko na yun kasalanan kung mahina pandinig mo. " sabi nya.

"Tsk! Kung di pala ikaw ang ina ng mga batang yun edi sino?? " tanong ko.

"Sya " sabay turo sa babaeng naka  upo at naka cross arms na nakatingin saming dalawa.

Mukhang maling kwarto yung pinasukan namin.

Parang mag kasing hawig sila ni Scarlet.

Ang pinag kaiba lang ay ang buhok nila at mata. Matured rin syang tingnan kumpara kay Scarlet para nga silang kambal.

Si Scarlet ay may red highlights katulad ng kambal nyang si Red.

Ang babaeng ito naman ay may mahabang buhok at medyo mataba at hazel nut brown eyes. Ang mga matang yun parang nakita ko na dati.

Parang kay Suzy lang. Oo tama.

"Hey!!  Dont call me mataba you jerk! "Galit nyang sabi sakin kaya napatigil ako sa pag iisip.

Nababasa nya ba ang nasa isip ko?? At tyaka bakit sya nagagalit.??

'Natural Kaizer sinabihan mo ba naman syang mataba' sabi ng isip ko. Tsk pati isip ko nakikisawsaw na.

"Halata sa mukha mo at sa mapanuring titig mo sakin na mataba ako. "Sabi nya at parang maiiyak na.

"Hey!  Bat kasi ganyan ka tumingin yan tuloy. " sabi ni Scarlet.

"Bakit ba? " pabulong kung sabi sa kanya na may halong inis.

"Eh kasi naman buntis sya kaya ganyan yan maka react ikaw talaga. " sabi nya at lumapit sa babae.

"Sya nga pala Kaizer Si e-errr amhmm Samantha pala malayong kamag anak namin. Pansamantalang dito muna sya nakatira samin kasi sa maselang pag bubuntis nya. " sabi ni Scarlet.

"Ahmm wag mong masamain pero nasan ang asawa mo??  Iniwan ka ba nya kaya ka nandito??  Ang iresponsable naman nya. " inis na sabi ko diba kapag buntis di mo dapat pabayaan??  Kasi naman baka mapano sya at mag isa lang sya dito sa kwarto.

Baka madulas sya sa cr at walang maka rinig o di kaya may kalaban at kidnapin sya. Tsk!  Iresponsable talaga.

Nakita ko naman napatigil si Samantha at napatawa sa sinabi ko.

Oh kita nyo parehas sila ng ugali ni Scarlet kanina umiiyak tapos ngayon tatawa tawa naman. Talagang mag kamag anak sila.

Nakita ko naman na napatigil rin si Scarlet at napatawa din. May mali ba sa sinabi ko??  Dapat nga magalit sila dahil sinabihan ko ng masama ang lalaking ng iwan kay Samantha sa kalagitnaan ng pagbubuntis nito.

"Ahaha sa katunayan nyan andito rin sya pero pina bili ko sya ng pagkaing gusto ko. " sabi nya at hinimas ang tyan nya na parang gutom.

Umupo ako sa tabi nya pero di ko inaasahan na kukurutin nya ko sa pisngi kaya na pasigaw ako sa sakit.

"Ouchh!!!!! "

"Sinisigawan mo ba ko? " malungkot na tanong nya at napayuko.

"H-hindi naman pero masakit eh hawag kang mag alala di naman kita sinigawan." sabi ko para di na sya umiyak ulit. Para kasi syang bata iiyak nalang bigla.

"Pasensya na kung nandito ang asawa ko ngayon. Sya yung kukurutin ko pero wala sya eh kaya ikaw nalang. " sabi nya.

"Naglilihi kaba sa kanya? " tanong ko.

Sasagot na sana sya ng may biglang pumasok kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Hon!  Im here! " naka ngiti nyang sabi.


The Mysterious Vampire Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon