Chapter 41 ~ Upcoming Changes

2K 48 0
                                    

"Scarlet's POV"

"Kaizer? " di talaga ko makapaniwala na sya yung makakatuluyan ko.

"Duh!  Nagulat kapa eh nakita mo namang umilaw sa kanya ang Crescent Moon Necklace diba? " sabay irap ni Scarlet sakin. Waaah galit ba sya sakin??

"Ahhmmm Scarlet alam ba nya na si Suzy at ako ay iisa? " tanong ko.

"Yup alam nya. At wag mo nalang alamin kung anong reaksyon nya. It's for you to find out." sabi ni Scarlet.

Tumango nalang ako.

Waaaah ang awkward. Tiningnan ko naman si Kaizer at ngumiti sya sakin kaya umiwas ako ng tingin sa kanya napatawa naman sya at lumapit sakin.

Pinisil nya naman ang pisngi ko..
Feeling ko namumula na talaga ko ngayon.

"Ang cute cute mo talaga Suzy nung mga bata pa tayo noh? " sabi nya at tumingin kay Scarlet.

Nag-iwas naman ng tingin sakanya si Scarlet at sinungitan sya.

Nakita ko namang nag pout si Kaizer. Waaah ang kyut namin. 😍

"Ahhhm Pwede nalang ba kitang tawaging L?  Kasi kapag Kaizer ang hirap eh dalawa kayo. " sabi ko ng di tumitingin sa kanya.

Eh sa nahihiya ako eh. Ewan ko ba.

"Ayos lang my Princess. " sabi nya at ngumiti sakin.

Namula naman ako at umiwas ulit ng tingin.

Ganito ba mag lambing ang isang Kaizer Luke Montero??

Kung ganon ang swerte ko.!

Pano kaya kami nagkatuluyan?
Iniisip ko palang kinikilig na ko. Hihihi
.
.
.
"Oh my goodness!!  Ikaw na ba yan anak ang laki mo na at ang ganda.Ang ganda at ang gwapo ng mga apo namin mana talaga sa mommy" sabi ni Mom at niyakap si Scarlet at nakipagkulitan sa kambal.

Pinakilala na namin sila sa mga magulang namin. Ang hirap kasi mag tago ng secret sa mga yan para silang mga detective ni dad.

Sinabi naman namin kung anong dahilan kung bakit pumunta sila ni Scarlet dito sa kasalukuyan.

Bigla naman naging seryoso ang mukha ni Dad at Mom.

"Di nyo ba alam sa oras na pumunta kayo sa kasalukuyan ay maaring magbago ang lahat? " sabi ni Dad. Kaya kinabahan na ko.

"Dad, alam namin ni Kaizer pero wala na kaming pagpipilian. " sabi ni Scarlet na maiiyak na.

Siguro ay grabe ang nangyari sa pag sakop ng mga rogues sa future.

"Suzy anak wag kang gagawa na ikapapahamak mo or sila dahil maaapektuhan ang hinaharap. " paalala sakin ni Mom.

Tumango naman ako ano bang klase naikapapahamak ko ang dapat iwasan??

"Basta mag ingat ka Suzy dahil sa magaganap na digmaan dyan susubukin ang tunay mong hangarin bilang susunod na pinuno ng Scarlet Kingdom . Pipiliin mo ba ang pag ibig o ang kaharian? Isa lang ang dapat mong piliin sa kanila at ang isa dun ay dapat mung pakawalan. " makahulugang sabi ni Scarlet sakin.

Naguguluhan na ko sa mga nangyayari. Bat kailangan kung mamili?

"Kung ganon ano ang pinili mo? " tanong ko sakanya.

"Maraming magbabago Suzy tanging ikaw lang ang may kakayahang gawin ang lahat para mailigtas kami. Kung meron lang akong kapangyarihan ay matutulungan kita pero sa ngayon ang maibibigay ko lang tulong sa iyo ay ang lakas at talino ng isang matatag na Reyna. " sabi nya at ngumiti.

"Kailangan nyo nang ihanda ang sarili nyo ni Red para sa inyong training. " sabi ni Scarlet at ngumiti ng nakakaloko.

Teka bat kinikikilabutan ako sa mga ngiti nyang yun? 

The Mysterious Vampire Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon