Chapter 65 ~ Zion Red's Girl

1.6K 46 1
                                    


"Suzy's POV"

Nandito kami ngayon ni Kaizer sa  canteen kasama ang barkada namin at si Red as Zion.

"Na miss ko talaga ang pagkain dito. " masayang sabi ng kambal ko habang kumakain.

"Bakit?  Di kaba pinapakain sa inyo? " natatawang tanong ni Dark.

Natigilan naman sya at tumingin sakin na parang humihingi ng tulong. Inirapan ko naman sya at pinagpatuloy kumain. Bahala ka dyan ang daldal mo kasi.

Ang tagal nya rin kasi namalagi sa mundo ng mga tao kaya namiss nya ang mga pagkain dito sa scarlet kingdom.

"A-ahmmm alam mo na hehe ilang araw rin akong absent dahil nag kasakit a-ako diba? " nakita ko sya parang di mapakali sa kinauupuan nya.

Ahahaha di kasi sanay magsinungaling yan. Nakita ko naman na lihim na napatawa ang girls maliban kay Rose na walang alam.

Alam kasi nila kung bakit matagal nawala si Red sa school ay dahil meron kaming training pero di pa nila nahaharap at nakilala si future Scarlet. At alam ng lahat namatay si Suzy sa labanan nung nasa cave kami.

"Huh??  Nagkakasakit ba tayong mga vampires? " tanong ni Light sabay kamot sa ulo.

"Ahmmm o-" di ko na pinatapos ang kambal ko at ako na ang nagsalita.

"Yup nagkakalagnat rin tayo kagaya ng mga tao." bored nasabi ko habang kumakain.

Tumingin naman ako sa kanila at tinaasan ng kilay. Tumingin naman sakin si Red naparang nagpapasalamat.

"What? " i ask

"Pano mo nalamang nagkakaroon rin tayo ng sakit? " tanong sakin ni Kaizer na naniningkit na mga mata.
Problema nito??

"Simple. Nagkalagnat kasi ako nung bata pako at ang gamot na kadalasang pinapainom satin ng mga magulang natin ay di ko ininom. "

"Huh?  Bakit? " tanong sakin ni Jam.

Pansin ko na lahat sila ay inilapit ang mga mukha sakin na parang talaga silang intersado sa sasabihin ko.

"Kasi kapag ininom mo yung gamot na yun ay gagaling ka pero ang kapalit nun ay pagkawala ng alaala mo na nagkaroon kapala ng lagnat."

"Waaaahh talaga ?" di makapaniwalang tanong sakin ni Annika. Mas lalo nilang nilapit ang mga mukha nila sakin kaya lumayo ako ng kunti.

"Ilayo nyo nga ang mukha nyo sa fiance ko. " sabi ni Kaizer sabay yakap sa bewang ko na parang nilalayo sa kanila.  Chansing lang ang mokong nato eh.

"Ito naman. Nakikinig lang eh. " sabi ni Apple.

"Damot!  Hmppp" sabi ni Red.

Sinamaan sya ng tingin ni Kaizer at mas lalong humigpit ang yakap nya sa bewang ko.

"Yeaahh when it comes to my woman. I. DONT. SHARE. " inimphasize nya pa talaga ang salitang yun.

Nagsukatan pa sila ng tingin ng kapatid ko bago itinaas ni Red ang kamay nya sa ere.

"Easy lang loverboy sayong sayo na yang fiance mo atsyaka di ko sya type pffftttt. " sinamaan ko naman ng tingin ang kambal ko pero ang loko ngumisi lang sakin.

"Mabalik tayo sa usapan kanina. Yup totoo yun di pa kasi nadidiskubre ng mga healers ang totoong lunas sa lagnat nung panahon na yun kaya kahit di pwedeng inumin ay walang silang choice ay ginawa muna nila itong panandaliang gamot habang hinahanap ang lunas."

"Wow! Ang dami mo namang alam ate- Ay! Mean Scarlet hehe" naku itong bunganga ng kapatid ko di talaga mapigilan minsan.

Speaking of my kambal, alam nyo bang may nagkakagusto na dito sa kambal ko?

Alam nyo kung sino? Kilala nyo na sya eh.

Walang iba kundi si-

"Red- ay! Zion babes pala im here na!" sigaw ng isang babae.

Para namang natulos sa kinauupuan si Red at unti-unting lumingon sa likod.

"Shit! Not again." kinakabahan nyang sabi at aalis na sana ng yumakap sakanya ang babae kanina.

"San ka pupunta babes ko?"

"Away from you Stella." naiinis nasabi ng kambal ko at pilit inaalis ang kamay ni Stella.

Yes she's Stella ang babaeng nababaliw noon kay Kaizer ko na ngayon ay na babaliw naman sa kambal ko. Akalain nyo yun?  Nung una galit na galit pa yan si Stella sa kambal ko na kulang nalang sunugin sa tingin ang kambal ko.

Pero nagbago yun nung araw na ipinakilala ako bilang prinsesa ng Scarlet Kingdom. Inimbestigahan pala kami ni Stella ng palihim dahil palagi nya daw napapansin ang pagiging close namin ng kambal ko dahil transfree palang kami. At nag imbestiga sya sa mismong palasyo namin at nakitang nag uusap kami ng kambal ko sa isang kwarto kung saan inamin sakin Red ang dahilan kung bakit nasa mundo sya ng mga tao ay dahil sa paghahanap ng golden keys ko.

Nalaman nya rin na ako at si Suzy ay iisa dahil narin sa bunganga ng magaling kung kapatid. Kaya nung nalaman namin na may alam sya ay nakiusap kami na wag nyang sasabihin sa iba at mabuti ay pumayag sya pero may kapalit.

Kung papayag daw si Red na makipagdate sa kanya. Matagal nya na palang gusto Si Prince Red kaya ganun nalang sya ka saya na makita at makadate malang daw ang ultimate crush nya.

Wala namang nagawa ang kapatid ko kundi pumayag dahil kung hindi talagang lagot sya sakin.

Napaisip ako sabi ni Future Scarlet under daw itong kapatid ko sa asawa nya. Si Stella kaya yun??  Well okay lang naman sakin. Mabait naman si Stella ahaha kunti lang pala. Talagang mataray lang sya noon sakin at nagpadala lang daw sya sa galit nya noon kaya nagawa nya kung saktan noon.

Humingi rin sya ng tawad sakin sa nagawa nya at pinatawad ko na sya. Sa ngayon ay kaibigan ko na sya at ng mga barkada ko. Akalain nyo yun naging kaibigan namin ang war freak na yun.??

"Lumayo ka nga sakin.  Stella. "

"No. Ayaw"

*tsup*

"Eww kadiri. " sabi ni Red sabay punas sa pisngi nya.

"Hehe alam kung hahanap hanapin mo yang halik ko babes. " sabay kindat ni Stella.

"Kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo Stella. " inis nyang sabi.

"Gusto mo isa pa? " malanding sabi ni Stella at nag simulang tumakbo si Red sa loob ng canteen habang sumisigaw ng-

"Tulong!!!  Rape!!! "

"Zion!!!  Babes Date na tayo!!! " habol sa kanya ni Stella.

"Hays kawawang Zion. " sabi ni Nathan at umiling.

"Goodluck sa kanya. " sabi ni Ace

"Ito nayong hinihuntay nya diba? Ang magka lovelife?" natatawang sabi ni Mj

"Yeah hindi na sya FOREVER ALONE. " sabi ko. At nag simulang tumawa kaming lahat habang nakatingin sa dalawa na naghahabulan.

Goodluck sayo kambal. Sana buo ka parin na bumalik sa palasyo mamaya.

The Mysterious Vampire Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon