Chapter 33 ~ Twin Power

2K 64 2
                                    


"Scarlet's POV"

Nabigla naman ako ng biglang ginamit ni Red ang super speed nya at sinakal ako.

Naramdaman ko ang pag hapdi ng leeg ko.

"Acc-ck R-Red b-bitawan mo ko. "
Napatingin naman ako sakanya ni wala kang makikitang emosyon sa mga mata nya.

"Hindi kita bibitawan hanggat di ka nawawalan ng hininga. Ahahaha "sabi nya at tumawa.

Fuck ayaw kung saktan ang kapatid ko.

"Ahhhhh" bigla nya akong hinagis sa kumukulong magma.

Mabuti na lang at mabilis na pumunta sakin si Apple at nilagyan ako ng shield at inangat.

Napatingin naman ako sa kanya mukhang nakabawi na sila ng lakas.

"Queen mamaya pwede ng magising ang lahat mawawala na ang epekto ng wind power ni Jam. " nag-aalalang sabi sakin ni MJ.

"Kailangan mong gumawa ng paraan Queen. " sabi ni Annika sabay tingin sa mga kaklase ko.

Napatingin naman ako kay Shely ng bumaba sya galing sa taas.
At pinuntahan si Red.

"Very good my Dear Prince . Patayin mo sya para tayo na ang maghari sa lahat ahahaha. " illusionada ang bruha.

"Nababaliw na talaga sya. " inis na sabi ni Annika akmang lalapitan nya sila ni Red ng pigilan sya ni MJ at Jam.

"Easy lang Annika wala kang kalaban laban dyan. Masyadong malakas si Prince Red at Shely." Sabi ni Apple.

Nagulat kami ng ilapit ni Shely ang mukha nya kay Red at akmang hahalikan nya ang kambal ko.

Wala namang pakialam si Red sa gagawin nya dahil nasa ilalim pa rin sya ng kapanyarihan nito.I bet pag nalaman nito ng kambal ko mag wawala sya. Wala pa kayang first kiss yan. Kahit playboy yan good boy parin yang kapatid ko.

Pinalaki kami ng magulang namin ng tama at ang ganyang bagay ay dapat ibigay lang sa napupusoan mo.

Kaya hindi ko hahayaang bahiran mo ng virus ang kambal ko.

Binuksan ko kaagad ang portal at tinulak si Red sabay agaw ko ng espada sa kanya.

Kasabay non ang pagsaksak ko kay Shely sa tyan nya at napabuga naman sya ng dugo.

Ginamitan ko kaagad sya ng White Magic at madaling lumapit sina Apple kay Red.

At kinulong ni Apple si Red sa pamamagitan ng Shield nya. Gamit ang lahat ng Elements.

Tsk nakaiwas si Shely at tumakbo kaya sinundan ko sya.

"Tsk!  Run for your life bitch ! Dahil kapag naabutan kita talagang papatayin kita. " sabi ko at humalakhak.

Malapit ko na sana sya abutan ng biglang may nag pasabog sa kinaroroonan nina Apple kaya wala akong choice kundi bumalik dun.

Pero sumulyap ako ulit kay Shely ng may biglang bumukas ang portal at pumasok sya kaagad dun.
"Magkikita ulit tayo Scarlet. Yun ay kung hindi ka mapapatay ng kapatid mo. " sabi nya at tuluyan ng nawala ang portal na pinasokan nya.

Kainis na babaeng yun. Talagang titirisin ko sya ng buhay pag nag kita ulit kami.

Nag simula ng gumuho ang cave kaya ginamit ko ang super speed ko.

Naabutan kung nakawala pala si Red sa ginawa ni Apple at galit na galit ang mukha nya ngayon.

Mabuti at naabutan ko kaagad si Red at pinigilan ng akmang sasaksakin nya si Apple.

"Tumigil kana Red. " madiing sabi ko sakanya.

Ginamitan nya naman ako ng ice power kaya umiwas ako at pinatamaan ko sya ng white magic ko.

Iwas lang ako ng iwas sa bat sugod nya pero napipikon na talaga ko sa kapatid ko kaya inisang suntok ko sya at nawalan sya ng malay mabuti naman.

Dali-dali kung ginamitan si Red ng white magic dahil bigla na lang syang dumilat kainis.

Mabilis ko syang niyakap at nilagay ang dalawang kamay ko sa ulo nya. Kaya napasigaw sya sa sakit.

Pero may naramdaman akong mahapdi sa may dibdib ko.

Napatulala na lang ako ng hinawakan yun. Nasaksak pala ko ni Red nung niyakap ko sya.

Napatawa naman ako ng pagak.

"Prince mabuti nalang at okay kana" sabi ni Jam at ngumiti sa kanya ngumiti rin si Red sa kanila at tumingin sakin.

Pero napansin kung napadako ang tingin nya sa may puso ko dahil nag dudugo na yun.

Napaluhod na lang ako ng maramdaman kung umiikot ang paligid ko.

"Ate shit! bat mo ba ko hinayaang masaksak ka huh? " galit nyang sabi at tumulo na ang luha nya.

Ngumiti naman ako sakanya sabay punas ko sa mga luha nya.

Tumayo ako ulit habang hawak ang sugat ko sa dibdib at pumunta kay Kaizer.

"Queen wala na sya. " sabi ni Apple

Pero parang wala akong narinig at lumabas ang pangil ko at kinagat sa leeg si Kaizer.

Sinugatan ko naman ang kamay ko at tinapat sa bibig nya.

"Queen a-anong gagawin mo? " nag aalalang sabi ni Apple.

"Paki sabi kay Kaizer mahal ko sya." Sabi ko at ngumiti.

"A-ano bang pinagsasabi mo ate? " sabi ni Red.

"Mabuhay ka mahal ko"bulong ko sa tenga ni Kaizer at tinapat ang dalawang kamay ko sa dibdib nya.

Bigla namang umilaw ang katawan naming dalawa.

Pero nagulat ako ng umilaw rin ang Crescent Moon Necklace.

The Mysterious Vampire Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon